~*~
Lumipas pa ang ilang
games ng team, tuloy-tuloy naman ang mga pagkapanalo nito. Nakasaklay na si
Mickey that time. Actually nakakalakad na ito. Precaution na lang yung mga
dala-dala nyang saklay.
“So good work Mickey, at
least that’s a good sign.” Bati ni coach Leon sa kanya.
“Oo nga and I guess,
makakasama ka na sa pictorial bukas, pati na rin sa last game, and the best
part of it, sa Finals…” excited na sinabi ni assistant coach Aguila.
“Pictorial po ba?”
natanong ni Sy.
“Yeah pictorial… Remember
yung nasabi namin na meeting about sa ad campaign ng school…” paalaala ni coach
Bong sa kanya.
“Ah, oo nga po pala…
Hehe, nakalimutan ko lang po may iniintindi lang din po kasi ako sa ospital.”
Paliwanag ni Michael Sy sa kanila.
“Sa ospital, eh di ba pa
galing ka na?” tanong ni coach Leon.
“Yup, actually po nasa
last stages nako ng therapy ko. May dinadalaw lang po ako dun…” sagot ni Mr.
Nice guy.
Naramdaman ng dalawang
coach kung sino ang tinutukoy ng kanilang player na dinadalaw nito, “Kamusta na
nga pala siya?” pag-tukoy nila kay David Castillejos. Napansin naman nila na
lumiwanag ang mukha ng kanilang ace player ng kinamusta nila ito.
“Ahh, ehh… Coach okay
naman po siya. Lately napapansin namin na may mga pagbabago na sa pangangatawan
niya. At may mga pag-galaw na rin sa kanyang mga daliri.” Paliwanag nito sa
dalawa.
Marami pang naikwento si
Michael Sy tungkol kay David, at natutuwa naman ang dalawang coach sa eagerness
ng batang Sy sa pag-aaruga sa isang taong hindi naman nya kilala, pero kung
ituring nya ay higit pa sa isang taong matagal na nyang kakilala. Ngayon
natanto nina coach Bong at Leon kung saan humuhugot ng inspirasyon si Michael
“Mickey” Sy ng Quicksilvers Team ng ADLU.
~*~
Ang naging campaign ng
ADLU Quicksilvers ay “The Best Defense is a Good Offense…” is the key for our
3-peat win!
Binigyan ang bawat player
that day ng special edition na shirt for their pictorial. Naisip ng admin, na
ayaw nila ng traditional pictorial ang gawin para sa basketball team ng ADLU. Kasi
di lang naman kilala ang school sa kanilang basketball team. Kilala din sila
dahil sa kanilang nag-gagandahang Silverbelles cheerleading team.
Kaya they
have decided na ipareho ang kanilang mga star jocks sa kanilang girls. Sa
umpisa ay hindi kumbinsido si coach sa approach na iyon dahil na rin sa tension
na nangyari with Prado and Sy, ngunit wala pa rin syang nagawa, managements
orders eh. Ngunit nakiusap na lang sya sa isang kakaibang set-up.
“Draw lots ba kamo? Ewan
ko sa’yo Leon, sana mag work out yan…” ang sabi ni coach Bong sa kasama.
At nagdatingan na ang
team, at bumunot na ang bawat isang player.
“Oh may natira pang isa,
sino pa ba ang wala rito?” ang tanong ni Cap Jason Helguera sa kanila.
“Cap, si AJ wala pa rin
hanggang ngayon…” tugon ni JM Roda.
“Yun talaganag tukmol na
iyon…” at napakamot si Helguera sa kanyang ulo.
“Nandito nako… Hahaha…”
sabi ng isang kwelang boses.
Napatitig lang ang lahat.
Si AJ Agaton yun, lahat ay nagulat sa kanilang nakita.
“Ano na naman yan AJ?”
tanong ni Marthy.
“Mukha kang gago dude…”
second motion ni Roda.
“Nagpakulay lang ng
buhok, gago na agad? Di ba pwedeng gwapo muna? Uso ngayon to mga tsong. Ung sa
kabilang university nga may kulay ang buhok, bakit di ako? Sabi ni loves bagay
naman sakin…” paliwanag ng blonde na si AJ Agaton.
“Ang tanong bagay naman
ba sayo?” reaksyon ni Chester. At nag tawanan ang lahat. In fairness naman kay AJ may ibubuga naman ito dahil he has the looks of a Korean superstar.
“Oh sya sya, wala na tayong
magagawa dyan… Nasasayang ang oras, bago natin buksan kung sino ang cheerleader
na makakapareha natin, may ipapaliwanag lang sina coach satin.” At ibinigay na
nga ni Cap Jason ang pag papaliwag sa kanilang head coach na si Leon.
“So Team, good morning… So
nandito tayong lahat dahil gusto nating mag contribute sa ating Alma Matter at
the same time ay gusto nating makatulong sa ating sports foundation. Nasabi
namin before ni coach Leon nyo na we’ll be doing this for the ad campaign of
the school pero naisip din namin na isang magandang pagkakataon ito na tayo
naman ang tutulong sa komunidad ng sports, we’ll be selling our very first fund
raising basketball calendar and commemorative shirts…” as Leon explained it now
in detail.
“Wow, calendar boys na
tayo!” tuwang tuwang sinabi ni AJ Agaton.
At ng sumingit si coach
Bong, “Guys… Huwag masyadong ilalagay sa mga ulo nyo ang mga nangyayari sa
inyo. Basta keep it in mind na lahat ng gagawin natin ay ang pag tulong sa
ating kapwa. All the proceeds ng mga calendar at ang mga shirts ay mapupunta sa
ADLU Foundation for Sports Development. Kaya tandaan, always be a SPORT,
alright dahil you’ll be doing it all for a great CAUSE…”
At inexplain na ng
photographer ang theme ng kanilang photoshoot, it would be “The Jocks and their
Trophies” meaning the Silverbelle girls would be their trophies.
Kung papakinggan ang
theme, pwedeng isipin na masyado itong mapahangas and it could send a wrong
message, pero tiniyak ng photographer na magiging tasteful ang kanilang
magiging shoot. Binigyan pa sila ng isang picture para maging inspirasyon.
“Kayang kaya yan…” yabang
na sagot ni AJ. While nag aagam agam naman sa kanyang sarili si Chester,
“Di ba pwedeng si Mickey
na lang ang kasama ko sa shot?”
At sumenyas na si coach
na buksan na ang papel na kanilang binunot kanikanina lang, para malaman na
kung sino ang kanilang makakapareha.
Iba iba naman ang
reaksyon ng bawat player.
“Sa lahat naman ng
mabubunot girlfriend ko pa… Minsan na nga lang makasama ng ibang babae, kung
sinuswerte nga naman…” target sana ni Marthy na ma-assign sa ibang cheerleader,
ngunit ayaw yata silang paghiwalayin ng tadhana ng kanyang nobya.
Gulat naman na sinabi ni
AJ Agaton, “What? Si Lisa? Si giant Lisa? Paano ko bubuhatin yun?” medyo malaki
ang kaha ng nasabing girl, pero cute naman sya.
“Kaya pala ha?” sabi ni
JM, mukhang kuntento naman sya sa kanyang nakapareha.
While si Chester naman ay
kay Marj na-aassign, medyo at ease na sya rito dahil nakapareha na nga nya ito
sa sayaw, “So Marj parang lifts lang sa cheer yung gagawin ko di ba?” sabi ni
Ylano sa kanya. “Yeah…” tugon ng girl, ngunit iba ang dinidikta ng isip nya,
“Pwede namang gawing intimate, technical talaga sya…”
At halos nabuksan na ng
lahat ang kanikanilang choices, maliban sa dalawa, sino pa ba, sina Prado at
Sy. At nung oras iyon ay nagkatitigan ang dalawa.
“Sige na… Sige na… Let’s
just get on with the shoot…” ang tanging nasabi ni Jech-jech, dahil ang nabunot
nya ay si Diane, samantalang ang natitirang girl ay napunta kay Mickey which is
Anika. Sa totoo lang pigil na pigil si Jech-jech ng mga oras na iyon, akala nga
nina coach ay mag aalburuto ito ngunit on the contrary parang wala lang sa
kanya, it is because Prado is a Cause oriented person, scholar sya ng school
nila at the same time ng foundation na tutulungan nila with this shoot kaya nag
paubaya na lang sya in the end.
Naging isang masayang
experience naman ito para sa basketball team, ginawa na nila ang mga pair shots
ngunit they have decided na hindi muna gawin ang kay Michael Sy dahil hindi pa
sya fully recovered sa injuries nya, after the pair shots ay gumawa rin ng
group shots para sa koponan,
“Nakakapagod din palang
mag model ha…” ang sabi ni AJ Agaton.
“Ano bang ginawa mo? You
just sitted there right? Hahaha…” ang tawa ni Drake Parker.
Sinabihan naman ni coach
na mauna na ang ibang players para magpahinga, since yung shoot na lang nina
Mickey at Anika ang gagawin.
“I’ll stay coach…” ang
sabi ni Prado, “Sige Prado you can stay. Nandito naman kami ni coach Leon mo…”
tugon ni Mr. Aguilar
“Coach are you sure na
okay lang na mauna na kami?” tanong ni Cap Helguera.
“Yeah. Okay na yun, ayaw
ko rin naman isipin ni Prado na parang pinag-kakaisahan natin sya, so go on…”
pabulong na sinabi ni Head Coach.
At nauna na nga ang ibang
involved na models.
Naiwan nalang doon ay ang
photographer, some assistants, sina coach, si Chester, ang kaninang partner ni
Prado na si Diane, at sina Anika, boyfriend na si Prado at si Michael Sy.
“So Anika, Mickey this
would be your photo reference…” at pinakita ulit ng photographer yung photo
kanina.
Inassure naman ng
photographer na may support sa balikat na ilalagay kay Mickey dahil hindi dapat
mastress ang kahit anong parte ng kanyang katawan.
So pinaupo na si Mickey
sa kanyang pwesto, at tinawag na si Anika, she was so beautiful that day, very
tasteful ang make-up, natakpan ang kanyang eyebags mula sa kanyang pag-iyak the
past few days. Aalalayan sana sya ni Mickey sa kanyang pagpwesto pataas ng
lumapit si Prado, kinabahan ang lahat.
“Ako na…” Jech-jech
politely said, hindi na umimik si Mickey.
Sumigaw na ang
photographer, “quiet on the set…” ganun ang kanyang approach when he does his
shots.
At sunod sunod na ang
kanyang instructions, “Mickey just look straight on the lens… It is like you
are hungry for your 3-peat championship win…” suhestyon ng photographer, on the
hand Anika was a natural, she is effortless, hindi na sya kailangang bigyan ng
instructions dahil alam na alam na nya ang kanyang ginagawa, since she is also
one accomplished print ad model herself.
The photographer then
said, “lumiyad ka ng kaunti Ms. Anika” and when she made her turn, she got out
of balanced, dali dali naman ang takbo ng nina Prado at Sy para mailigtas ng
dalawa, they do have both sharp reflexes na sabay nilang nasambot ito.
Napasigaw ang
photographer, “PERFECT!” at nakakuha pala sya ng isang shot out of that
incident.
“So I guess that’s a
wrap… Maraming salamat sir at pinaunlakan nyo kami to have this shoot…” ang
sabi ni coach Bong sa kanilang master photographer.
Si Mickey na ang bumitiw
kay Anika, kitang kita mo naman ang di maipintang mukha ni Prado, but in the
end sumama rin naman si Anika sa kanya.
“Sana Mickey ako na lang
ang sinambot mo…” out of nowhere nasabi lang bigla ni Chester, hindi nya
napansin na katabi na nya ang kaibigan.
“Ano yun bro?” tanong ni
Mickey.
“Wala… Ang sabi ko let’s
go na… Nagugutom nako…” palusot ni Ylano.
At sa huling laban ng
Quicksilvers team para makasama sa Final Four ay nakasama na si Mickey sa
kanilang maglaro. It is a good thing na maganda ang result ng kanyang theraphy
at treatments. Sa huling laban ng qualifiers doon nila nasemento ang kanilang
ICON status. 16 wins – 0 loses, tuloy tuloy.
After that triumphant
game, nakatanggap siya ng isang text message, something na hindi nya ineexpect
masyado dahil alam nya ay aasa lamang sya with his false promises. It was from
Mickey’s dad.
Son congratulations...
I’ve seen your team standings online, great job on your seamless win. Yan ang
gusto ko sayo anak. You are focused and you always aim for number 1, sa finals
game mo I’ll be there…
P.S. I’ll be replacing
your ruined sports car, because you deserve a new one.
Mr. Stanley Sy – Roaming
Number 0999712**** 7:35pm.
“Tsk… Dad, gawin mo na
lang… wag lang puro salita, yan din ang sinabi mo with my past 2 season games,
may napala bako?… just be HERE…” nasabi
lang ni Mickey sa sarili.
At dahil tuloy tuloy nga
ang kanilang panalo at derecho na ang buong team sa Finals, ay nangako ang
school chairperson na magpaparty para sa Quicksilvers team that night.
“Mickey sumama ka na,
kahit sandali lang…” kumbinsi ni Cap Helguera rito. Pansin nya ang sudden
change of mood ng ace player which is earlier ng kanilang pagkapanalo ay
mukhang okay naman ito.
Napansin naman ni coach
Leon na mukhang problemado ang batang Sy. Ganun din naman ang pag-aalala ni
Chester since napansin nyang kanina pa itong walang imik.
“Jason, you can now go
along with the team… I’ll talk to him…” as the head coach whispered to his Team
Captain.
Sinenyasan na ni coach na
mauna na sila kasama na rin si Chester, umupo naman ito sa bench na kinauupuan
ni Mickey, ramdam na nya kung bakit ginawa yun ng kanilang coach, napatigil
tuloy ito sa ginagawang pag liligpit ng gamit, at napatungo.
“So care to share Mickey
on what are you thinkin’ right now? Sabi ko naman sayo even before nandito lang
kami nina coach Bong mo that is kung meron ka mang malalim na iniisip…
Makikinig kami sayo…” paalaala nito.
Ngunit hindi pa rin
natinag si Michael Sy. Hindi nya alam kung saan nya sisimulan. At dahil rito out
of nowhere ay nagsimulang magkwento candidly ang kanilang head coach.
“10 years ago, there was
this guy na gulong gulo sa buhay nya, na kahit na kanino he shielded himself to
anyone, kahit na sa sarili nyang pamilya, magulang, kaibigan at mga kapatid. As
in he isolated himself.
Dumating sa point na parang gusto na nyang sumuko.
Lahat na yata ng listahan ng bisyo ginawa na nya. At dahil yun sa kinimkim nya
ang lahat ng kanyang problema, and in the end he just exploded like an
overblown ball. Masyado kasi itong personal na hindi nya maikwento ito kahit
kanino, iniwan kasi sya ng kanyang pamilya, ng kanyang asawa, kanyang mga anak
dahil lang he made a choice na hindi nila matanggap, alam mo kung sino yun Sy?”
then he paused for a moment at napabuntong hininga,
“That was me… Ako yun…
Yes that very thing consumed me for years, pero nung natanggap ko na, nung open
arms ko ng tinanggap, yes maraming nawala, and yes, dumating sa point na sumuko
ako, ngunit nalaman ko in the end na it is not yet the end for me. Na alam kong
maraming tutulong sa akin at the end of the day, kapag handa na akong bumangon,
and look at me right now…” coach Leon said profoundly.
“Kayong lahat, ang buong
team. Para na kayong mga anak sakin. Kayo ang nagiging inspirasyon ko sa araw-araw.
Kaya tuwing may problema kayo somehow of course nag-aalala rin ako. If you feel
like it, talking about that thing that is consuming you too, now is the time
iho, I am just here to listen.” Paalaala ng isang coach Leon na animo’y may
isang tono ng isang Ama.
Sa lahat lahat na sinabi
ni coach, isa lang ang nasabi ni Mickey, and that very thing lang ang kailangan
na marinig ni Leon from him, “It’s my dad…”
Fully aware naman na si
Leon sa personal na buhay ni Mickey, ngunit ngayon lang kasi nagbukas ang
batang Sy about sa saloobin ng kanyang tatay.
“Hmmm… I don’t know
really know if I am in the position to give you an advice regarding the father
thing. Since just like what I have said earlier I also failed in that part of
my parenting skills. And hindi ko rin ang alam ang kanyang parenting style, pero
isa lang ang natutunan ko sa mga nangyari before, just voice out your concerns
to him, that is one thing na hindi ko nagawa sa mga anak ko, if only we had
this kinds of personal talks, this very kind of conversation, siguro nandirito
pa rin sila with me…” and the coach smiled at him, “So, I’ll just cover for you
sa mga team mates mo. Just go somewhere kung saan ka marerelax… Alright Sy? Basta nandito lang kami, we’ll not let you
down and I hope you’ll not let down on the team sa championships…” and he
tapped Michael‘s shoulder. And coach
Leon went ahead with the team, hindi na rin nya ito pinilit.
The advice made sense,
ever since ng iniwan sila ng nanay nya ni Michael, ay never na ulit silang
nag-usap ng kanyang ama. Sinubsob na lang kasi nito ang kanyang sarili sa
trabaho. Siguro para makalimot, hindi nya lang napansin na napalayo na rin ang
loob ng kanyang anak sa pag-gawa nito. Ang hindi nya alam on how Mickey
struggled to long for someone na magiging nandyan para sa kanya. Something na
hindi pa rin magawa ng nakakatandang Sy.
On his way home, may
nadaanan syang isang simbahan, katatapos lang ng novena mass doon dahil sa
feast day ng kanilang patron, he decided to stop over para magdasal, to
enlighten his mind and cleanse his spirit.
“I am praying for some
redemption, redemption from the struggles and the pains that caused some
suffering in my heart and soul. I would also like to thank you Lord, for the
overwhelming support that is coming from my second family, my basketball team
mates, pati na rin sina coach, si Tita Nina, and course my dad, maybe he is
still on the phase of surviving and moving on his marriage kaya he is also
having a hard time dealing with his relationship with me and for that give him
and me some patience and peace of mind na rin po. And as for my mom I know she
had her reasons on why she have done that, but I forgive her. And again thank
you for inspiring me, for giving me someone on which I can lean on… Please be
him everyday and I hope and I pray for his speedy recovery, Amen…” and as if
nabunutan sya ng tinik for letting go of those excess baggages na dati rati ay
dala-dala nya lagi.
After that visit to the
church, as usual, the one thing that makes his day complete is his visit in the
hospital.
Magkatext sila ni Chester on his way there.
Yeah, okay naman yung
place, sana sumama ka na lang kahit sandali lang… - Chester
Hmmm… Pass muna ako dude
and besides, nagpaalam nako kay coach, enjoy mo na lang yan… See you tomorrow
Ches…” – Mickey.
Bakit nasaan ka na ba
ngayon? Ingat ka pag-uwi… - Chester
Yeah salamat, kaw rin…
Dumaan lang ako sa ospital, binisita ko lang si David. – Mickey.
Ohh, malapit lang pala
eh, punta ka na, kahit sumunod ka na lang. – Chester
Mickey was about to send
his reply which is “Nah… Maybe next time…” ng pagpasok nya sa room ni David.
“What?” gulat na tanong
nito.
“Surprise!” ang sigaw ng
mga myembro ng basketball team, nandun rin naman si Tita Nina. “Sabi ko sayo
sumunod ka na lang di ba? Hehe…” patawang sinabi ni Chester.
Nasorpresa nga si Mickey sa
ginawa ng team for him. Napag-kasunduan na nilang gawin ang mini celebration sa
hospital room ni David, since it was spacious enough to accommodate people and
besides, may mga connections naman sila since doon nga nagwowork si Aunt Nina,
si Chester ang may pakana nito.
The team felt that kung hindi rin makakasama si
Michael eh parang bali wala rin ang celebration, kaya sila na ang nagdala ng
party rito, ikinuwento ni Chester ang dedikasyon ni Mickey sa kanyang car crash
victim, sa pagtulong rito, (less the emotional part of it), kaya nakumbinsi ang
team na doon na rin gawin ang kaunting salo salo, nagpadeliver na lang sila
doon ng isang giant pizza, and some pancit and spaghetti sa bilao…
“Hmmmmm… Congratulations
pamangkin…” at niyakap ni Nina ng mahigpit si Mickey.
“Tita’s boy ka talaga Sy…
Hahaha…” puna ni Agaton.
Napansin naman ni Sy na
wala pa rin si Prado, hindi na rin sya nagtanong alam na rin naman nya ang
rason.
“Bro… Regards daw sabi
nina coach Leon at Bong… Gusto rin sana nilang pumunta, ngunit may mga pag
uusapan papala sila ng commissioner ng UAAP tungkol sa proseso ng automatic
placement natin sa Finals. Sya nga pala, I hope you are doing alright na…
Madalas kasi alam ko kapag problemado ka… Basta just like before, nandito lang
ako, your partner in crime makikinig lang sayo…” at napatingin si Chester kay
David, at sabay ngiti nito. Mickey was puzzled nung nakita nya yun, but for
Chester it was the sign of letting go, naramdaman nya ito on that morning when
he secretly kissed Mickey on his slumber. Na he was infatuated with his best
friend for the wrong reasons, and in the end, it was somehow more of a
brotherly love than a emotional one, dahil alam nya that Mickey’s heart is only
now beating for this one special person.
~*~
At lumabas na rin sa
wakas on that same week ang kanilang mga naglalakinhang posters and billboards
na nagkalat sa kanilang university grounds.
“Nakita nyo ba? May
billboard din pala tayo doon sa may EDSA Guadalupe, malapit doon sa mga Bench
billboards…” pagbida ni AJ Agaton sa Team.
“Oo nga eh ikaw nga ang
kitang kita doon dahil sa blonde mong buhok… Haha…” tawa ni JM Roda.
“At least I stood out… At
balita ko our calendars and university shirts are selling like hotcakes…”
ganadong sinabi ni Agaton.
“Yup and they are now on their
second printing ng mga calendars natin…” as Drake Parker told the team.
So ang ADLU Quicksilvers
team ang nahirang na number one sa taong iyon ng UAAP dahil na sweep nila ng
tuloy-tuloy ang qualifiers ng walang kahit isang talo, along side with them are
Ateneo, De La Salle, and Far Eastern U, ngayon ay nahaharap sila sa isa sa mga
napakalaking pagsubok which is the Final Championships, isang pagkakataon na
tyak pag tutuunan nila ng pansin at pagbubuhusan nila ng pawis at dugo.
The UAAP Final
Four Format
If no team
sweeps the elimination round:
Seeds #1 and #2
teams possess the twice to beat advantage
Team #1 meets
#4 while #2 meets #3 in the semifinals.
The semifinal
winners advance to the Finals.
The team that
wins 2 games in the Finals wins the championship.
If a team
sweeps the elimination round:
Seed #1 advance
to the Finals.
Seed #2 advance
to the semifinals with the twice to beat advantage.
Teams #3 and #4
face off to meet #2 in the semifinals in a one-game playoff.
In the finals,
the #1 seed only has to win twice, while the other opponent has to win thrice.
In case of two
teams being tied, an extra game will be played to determine which seed they
will possess.
In case of
three or more teams being tied, the team with the best head-to-head record
usually possesses the best seeding, while the other teams will play an extra
game to determine the second-best seeding,
~*~
“This is so surreal,
hindi ako makapaniwala na darating sa ganito… The last two years ng mga games
namin we do have at least 2-3 loses. Pero now imagine, our team defeated every
university na lumaban samin, salamat sa determination ng team, sa tyaga at
talino nina coach, sa walang sawang supporta ng fans, at syempre sayo David…”
at hinawakan na naman nya ang mga kamay nito, habang binabalita ni Mr. Nice guy
sa kanyang nakaratay na kaibigan ang kanilang panalo at sila na ay deretso sa
laban sa Finals.
“And about Anika and
Prado, alam kong magkakayos sila in time. Yup, I can assure myself now na I
have already moved on… Kasi I am now in love with someone…” at mas humigpit pa
ang hawak ni Mickey sa mga kamay ni Mr. Castillejos. Nagulat naman ito ng gumanti
ng higpit si David sa kanyang mga kamay. Tinignan nya ang mga mata nito, if
ever sya ay nagising na, ngunit wala pang sign na gising na ito, magtatakbo
sana sya sa may nurses station ng may sumerpresa na naman sa kanya. It was the
same guy with the hooded sweatshirt from last time nung kasama nya si Aunt Nina,
but he is now wearing shades, mukhang nagulat din ito dahil ng makita si Mickey
ay natatakbo ito, “Hey dude wait…” ang gusto lang naman ng ating jock ay
malaman ang intension nito at ang relasyon nya kay David, ngunit mabilis ding
nakatakbo ang nasabing lalaki at madaliang sumakay ng taxi. Sa mga susunod na
araw ay ipapacheck niya sa security ang mga larawan ng lalaking ito para ma
iconfirm kung sino nga ba sya sa buhay ni David.
Samantala, tuloy pa rin
ang pag pupursigi ng team sa practice dahil hindi biro ang kanilang
makakalaban, mag-lalaban laban pa ang tatlong koponan, para sa spot sa Finals
kaya marami pa ang oras ng ADLU para paghandaan ang kampeonato. May mga
nagbakasyon ng ilang araw, may mga umaattend ng parties, iba naman ay
photoshoots, napili ang ilang myembro ng team upang maging cover model or
feature sa Chalk Magazine at sa official UAAP magazine, na may pangalan ding
“UAAP”.
Sa Chalk magazine issue
ay may kinuhang tigtatlo na mga ifeature sa Final Four, at ang napili sa
Quicksilvers Team ay sina Prado, Ylano at syempre si Sy.
Sa totoo lang taon-taon
ay naging tradisyon na ng magazine ang I feature ang mga UAAP at NCAA schools
para I update ang kanikanilang mga fans, nagkakasama na rin ang iba’t ibang
athleta na ito sa mga ganitong pictorials, nagkakabiriuan, minsan din ay
lumalabas din ang mga ito for some good time. Ngunit sa isang kakaibang twist
sa taong ito mukhang ilang or hindi at ease ang mga jocks ngayon sa isa’t isa.
Dahil sa kumakalat ngang balita about homosexuality sa mga players.
Samantala, sa UAAP
magazine ay nabigyan ng pribilehiyo ang Quicksilvers Team na maging official
cover nito dahil sa kanilang feat na ginawa in winning all the games sa
qualifyers. Tamang-tama naman ang title ng theme ng magazine na, “The Two
Towers: Enemies or Allies?” ang cover si Michael Sy at Joshua Prado.
Despite the bad publicity
na kumakalat ng gay issue about basketball players at sa rivalry nina Prado at
Sy, ay doble doble rin ang naging benta ng mga nasabing magazine sa market.
Totoo nga ang kasabihan na Good or Bad Publicity is still Publicity. Mukhang
pinakyaw ng mga girls at ng girl wannabees ang mga magazines ng matitipunong
jocks.
~*~
Anika, let’s talk, meet
me tonight. 0929******* 9:09pm
Susunduin kita sa village
nyo, please pick up your phone. 0929******* 9:15pm
Ano ba ang problema,
bakit mukhang iniiwasan mo yata ako ngayon? 0929******* 9:32pm
“Fuck… 48 missed calls,
useless na rin tawagan ang babaeng yun.
Isa pa ngang bote…” si Prado yun.
Napapadalas ang kanyang pag-inom lately at
mukhang si Anika na mismo ang umiiwas sa kanya.
Tamang-tama naman na
nandoon din si AJ Agaton, “Oh Prado nandito ka pala…” bati nito, sumagot naman
si Prado, malakas naman ang tolerance nya sa alak, “Oh tukmol nandito ka rin
pala…”, “Makatukmol naman ito, may i-meet lang… Di mo yata kasama si…”, di pa
tapos si Agaton ng, “Tang-ina AJ, gago ka ba? Sa lahat ng itatanong mo…” ng
tumaas ang boses ni Prado, alam nyang nakainom na ang kaibigan kaya sya na lang
ang lumayo rito.
Inabot na ng alas onse ng
gabi si Prado sa bar ng ang katabi nyang lalaki na kanina ay tahimik lang ay
biglang umingay.
“Migs… Sis nandito ka
pala?” bati ng isang lalaki.
“Yeah, kanina pa ako
rito, kagagaling ko lang ng Araneta may laban kasi ang school namin with FEU,
eh talo kaya ayun inom-inom na lang muna…” paliwanag nung may pangalang Migs,
malambot din ang boses nito.
“Mga bakla pala…” bulong
ni Prado sa sarili. Tuloy naman ang kwentuhan ng dalawang mag-kaibigan na rinig
na rinig naman sa kinauupuan ni Mr. Blacksheep.
“Speaking of sis, ang
yuyummy ng players ng FEU ano, lalaking-lalaki… Even in your school may ilan na
ang lalakas ng dating. Pero walang tatalo sa ADLU Quicksilvers team as in wala
kang itatapon. Kasi sa ibang team may mga hipon, pero sa ADLU lahat sila
papang-papa…”napangiti si Prado ng narinig ang papuri na iyon, “May pa booking
kaya sa mga yun?” tanong ng kararating lang na estudyante.
“Ay sis, wag ka… Di ba
nga may mga kumakalat sa mga blogsites na article na may mga beki daw sa mga
basketball team, heller it is too good to be true na lahat ng nasa ADLU ay
straight…” tinumbok na ni Migs ang gusto nyang sabihin.
“Eh teh tsika lang daw
yun ha… Di ba lumabas na rin yan sa ibang schools pero wala naman proof.”
Kontra ng isa. Kinuha naman ni Migs ang kanyang phone, “Basahin mo ito sis…” at
binasa naman nya ang isang blogsite na nakita ng kanyang kaibigan at may mga
bonus pa itong pictures.
“Ayy ganun… Sayang ang gwapo pa naman nila. Pero look on
the brighter side, at least may chance na patulan nila tayo right?” ang sabi ng
isa, “Corrected by sis…” pag-sangayon ni Migs sa kasama.
Nagulat si Prado sa mga
narinig, ngunit gusto nyang iconfirm kung sino ang tinutukoy ng dalawa na nasa
blogsite. Dahil medyo madilim sa may bar ay hindi nila naaninagan si Prado,
ngunit sila ay masosorpresa ng di oras, “Joshua Jech-Jech Prado ng Quicksilvers
Team…” at kinamayan nya ang dalawa. Hindi mawari ng dalawang beki kung ano ang
iaasta sa harap nito, na excite sila dahil sa angkin nitong kagwapuhan ngunit
nag-aalala rin sila dahil baka narinig ni Prado ang kanilang pinag-uusapan.
“Ikaw… Ikaw yung Joshua
Prado na nasa cover ng UAAP magazine, kasama si Michael Sy…” Migs’ jaw dropped
the timing was impeccable sinabi pa nya ang pangalan ni Michael Sy.
“Yes that’s me… Nice
meeting you guys… By the way I have overheard your conversation earlier. Mind
sharing it?” seryosong tinanong ni Prado.
Napalunok lang ang dalawa
sa kanilang mga laway, notorious si Prado sa mga bali-balitang away nito and
lately nga ang balita sa away nila ni Sy. Syempre ayaw naman nilang
mapag-buntungan sila ng galit nito. “Ahh yun ba… Wala yun Mr. Prado, just some
non-sense gossip…” palusot nung isang beki.
“Ahh ganun ba… Oh eh di
mas interesting. Gossip lang naman di ba, meaning yet to be proven. Share nyo
na mga tol’ Try me…” same pa rin ang tono ng pananalita ni Prado, hindi mawari
ng dalawa kung nanakot ba ito o nagbibiro. Pero Prado was not messing up with
them.
At iniabot ni Migs ang
kanyang mobile phone sa college basketball star.
~*~
It was the night before
the start of their game play sa Finals… Bago pa man matulog si Michael Sy upang
paghandaan ang game bukas ay nagcheck muna sya ng kanyang FB at Twitter
accounts, maraming bumabati at nagchecheer sa kanila and the rest of the team.
Tinignan nya ang mga pictures with the team mates for the past years na
magkakasama sila. Ang mga bakasyon sa out of town, parties sa mga clubs, ang
maaksyong mga games, kulitan moments, nakita nya rin yung picture nila ni Prado
na nag-appear sa isang laban, nanghihinayang sya dahil hanggang ngayon ay hindi
pa rin naayos ang hidwaan sa kanilang dalawa.
Bago sya mag sign out ay nag
post muna ito ng message sa Twitter ng #tomorrowistheday. And before Michael Sy
would knew it after ilang hours ay magtetrending ito hanggang sa sya ay
magising the next day.
At pinatay na nya ang
kanyang Macbook Pro, at ng itinago na nya ito ay kumuha sya ng isang papel, at
nagsimula syang sumulat, halos 30 minutes din itong nagsusulat, ibinubuhos ang
lahat ng emosyon na lumalabas sa kanyang puso at isipan. After it ay may
idinrawing itong short cartoon skit kalakip ng sulat.
At around 10:30pm ay
natulog na ito, katabi ang sulat na buong puso nyang binuo para sa isang
espesyal na tao sa kanya.
~*~
“Ano wala pa si Sy?”
tanong ni coach Leon kay Cap. Jason, “Eh hindi naman nalelate yun ha? Tawagan
nyo nga…” pag-aalaala ni coach Bong.
Kahit sina Chester ay hindi
mapakali, “Bakit di mo sinasagot ang phone mo…”
At ng may nagsisigaw si
cheerleader Janna ng, “Ui heto po nagstatus si Mickey sa Twitter…”
#todayistheday3peat4ADLU
Yan ang trending message/hashtag
ni Michael Sy sa Twitter nung araw na iyon, late syang dumating dahil nasiraan
ito ng sasakyan on his way to Araneta from the hospital ng binisita nya si
David.
Dumadagundong ang buong
Araneta sa ingay ng mga basketball fans ng dalawang nag-lalakihang university.
“So kamusta naman ang
umaga mo Chester? So what did I miss? May mga instructions na ba sina coach?”
tanong ni Mickey, mukha kasing haggard ang kaibigan, pero all smiles pa rin ang
sagot nito na okay sya, mukhang nadiligan kasi siya ni Allen, “Okay naman ako,
ikaw okay ka lang ba?” napansin kasi nyang namumutla ang kanyang kaibigan.
Hindi makasagot si Mickey
dahil hindi nya malaman kung ano ang mabigat na nararamdaman ng mga oras na
iyon. Para ba gang may bumabagabag rito. That is why he has a lot of questions
earlier.
Bago pa tawagin ang mga
pangalan ng mga team members ay may binilin si Sy kay AJ Agaton, “Ui tol’
pahawak muna ng mobile phone…” hindi na nya kasi nakuhang itago ito sa may
locker room.
At tinipon ni Coach Leon
ang buong team. “Team… Hindi ko na pahahabain pa ang speech na ito ha? Basta
alam nyo na ang mga approach at atake na gagawin nyo with your gameplay today.
Hindi madaling kalaban ang makakatapat natin, dahil last year ay uhaw na uhaw
rin silang makuha ang kampeonatong ito. Kung baga, this is like a rematch… Pero
syempre papatalo ba tayo? Hindi ano… Laging tandaan… Greatness is not on the
numbers but it is more on the respect that you gain from others… Team, a great
offense is a great defense! Kaya Quicksilvers Team are you ready for your
3-peat win?!!!” sigaw ng kanilang nanggagalit na coach Leon.
“Sir yes Sir!” at naghiyawan
ang buong basketball team sa may hallway papasok sa court.
And indeed, today is the
day sabi nga sa status ni Michael Sy kanina… Punong puno ang big dome ng araw
na iyon. Hindi magkamayaw ang magkabilang university na iisa lang ang
ipinaglalaban, maimmortalize na champion sa taong iyon. Bagamat hati ang
magkabilang university nandoon naman ang alyansa ng mga universities na
nagbubuklod para i-cheer ang mga cuties ng Quicksilver Men’s Basketball Team,
kumpleto ang “UUQB” or the United Universities for the Quicksilver Boys at
walang makakapigil sa kanilang ingay.
“Wow, I can feel the
pressure now, kakaiba ang ingay ngayon di tulad ng past 2 years ng championship
games natin…” ramdam ni AJ Agaton, mukhang nawala ang pag ka palabiro nito.
At tinawag na ang ibang members
ng team isa isa, and then tinawag ang starting five.
Una ay sina, Timothy James “TJ”
Baraquiel - Power forward 6’4” at sunod naman si Jaydee Castro – Small forward
6’4”.
And it was time na ipakilala ang
infamous player ng ADLU, “Quicksilver’s mighty shooting guard… standing at
6’0”, Joshuaaaaa “Jech-Jech” Pradoooooo…” sigawan ang mga kilig na kilig na
koleheyala na nahumumaling sa kanya.
At di papahuli, and papaple hunk
ang Mr. Nice guy ng ADLU Team, and official ace player, “The top bachelor/ADLU
pointguard, standing at 5’11” Mr. Nice guy, Michaeeeel “Mickey” Syyyyy!!!...”
Last na pinakilala ang Team
captain na si Jason Helguera – a towering Center with his shy height of 6’7”,
kindat pa lang ni team captain halos himatayin na aang kanyang mga fans.
The UAAP Finals – Game 1: First
Quarter
“Wow that was fast… Three minutes
pa lang, 12 points na ang lamang ng ADLU sa kalaban. I must say iba talaga ang
pag hahanada nila ngayon, they are really here to win…” puna ng editor in chief
ng ADLU newspaper na si Marian.
“Yeah, and I must say that they
are all in good shape, kahit yung kagagaling lang sa injury na si Michael Sy.
Parang walang nangyari…” reaksyon ni baklang Adoracion.
“Oo nga eh, pero pansin ko na may
mga kaunting sablay na pasa si Sy. Ewan ko ba, mukhang kailangan nilang tutukan
si Sy. He seems distracted of something, o baka naman ako lang ang nakakapuna
nun… Well kailangan lang nilang maging maingat…” sagot ni Marian.
Ngunit hindi nga nagkakamali si
Marian. Sa hindi maipaliwanag na dahilan for some unknown reason iba ang
pakiramdam ni Mickey that day. Everything was good this morning, and simula
nung nasiraan sya ng kotse going to Araneta para bang naging sign yun of
something, “Hindi dapat ako maapektuhan ng bad vibes today…” ang nasabi lang ng
ace jock sa sarili.
At the end of the first quarter,
masasabi ng mga analyst na syempre ADLU dominated this part of the game, medyo
nahabol sila ng kalabang team sa last part pero at the end of it they are still
in a six point lead sa first quarter game.
Gulong-gulo pa si Mickey that
time, habang nag exexplain si coach sa kanilang strategy ay tumungo lang ang
jock to shake it off and free his mind, ngunit mukhang it is not working out
with him, ang masama pa, ng itinaas nya ang kanyang ulo there was Anika na
kumakaway sa kanya. Napa iling lang ito, at ng tumingin sya kay Prado, he was
now pointing his dirty finger at him. “May lalala pa ba sa araw na ito?” nasabi
lang ni Mickey sa sarili, pero ang hindi nila alam na all eyes were now on them
and even that dirty finger act ay kakalat sa cyberspace like a virus, and this
would really confirm the rivalry between the two.
The UAAP Finals – Game 1: Second
Quarter
“Getting tired Sy?” tanong ni
Prado. Nang-gigitil na ito sa galit, but he needed to compose himself. He
doesn’t want to fuck it up this time at finals na.
Hindi na lang ito pinansin ni
Mickey and he tried to at least na mag focus lang to shoot, ngunit the game is
flaring up lalo na’t nakikipag agawan pa si Prado ng bola sa kanya.
Sa first part ng game ay
nangunguna ang ADLU and on the middle part of it, ay naungusan sila ng kalaban
ng eight points, syempre doon na uminit ang laban, hinabol ng team ang lead
hanggang sa maging dikit ang points.
“Shoot Mickey why are you messing
up big time…” as he whispered that sa sarili.
“Coach, sub muna ako kay Mickey…
Please…” napansin kasi ni Chester na wala sa sarili ang best friend nito.
“Oo nga Leon, it seems Sy is not
really doing well today, pag pahingahin muna natin” pag second ng motion ni
coach Bong.
Ngunit si coach Leon pa rin ang
may last say, “Hayaan na muna natin sya, Chester sa third quarter kita
ipapasok…” sagot ni coach Leon sa dalawa.
At the end of the game masasabing
nag struggle ang ADLU Team pero nahabol pa rin ito, ang naunang malaking lead
was reduced to a 2 point lead. Thanks sa mga effort ni Prado na may issue pa
rin kay Mickey na naguguluhan pero bumawi pa rin na makahabol.
“Pwede na rin, kaso hindi dapat
sila maniguro…” ang sabi ni Janna kay Marj.
“Pero parang wala sa focus si
Mickey ha?” sagot naman ng kausap.
Naririnig lang ni Anika ang
dalawang cheerer, di nya tuloy maalis sa isip na baka sya ang dahilan dahil
distracted ito. Alam nyang mali ang I-wish na matalo ang team, ngunit if this
very thing would confirm na gusto pa rin sya ng dating boyfriend, she thinks
that it is all worth it. Twisted lang ang peg.
The UAAP Finals – Game 1:
HALF-TIME BREAK
Usually sa half-time break ay may
nag peperform para I entertain ang audience na matyagang naghihintay sa
continuation ng game. This year, the host school decided to put a twist on it,
and guess what, the Quicksilvers Basketball Team was actually part of the whole
activity.
Namatay ang ilaw sa loob ng Big
Dome and the only thing lighted was the giant TV screens positioned at the
center. Then a music introduction suddenly played…
“Tama ba yung naririnig ko… As
Long as You Love Me? Backstreet boys lang ang peg?” sarkastikong sinabi ni
Adoracion.
Nagtiliian ang mga kababaihan ng
may mga bahagyang mga mukhang pinakita ng players ng ADLU, extended ang intro
ng kanta… And then there they are on the giant TV screen, “Althought loneliness
is always been a friend of mine…” it was AJ Agaton he started singing the song-pero
syempre lip sync. Mas lalo pang nag tilian ng nakita na nilang kumakanta ala
BSB sina Chester, Jason, Joshua at syempre si Mickey… That was the trend back
then, naging viral pa nga ang video ng mga journalist ng isang malaking network
sa pagcover nila ng isa rin sa mga kanta ng backstreetboys.
At the end of the video ay
nagkindatan ang mga boys. Lahat ng kababaihan at feeling babae ay nainlove sa
treat na ginawa ng ADLU basketball team for them. Ngunit hindi pa doon natapos
ang lahat, dumiliim ulit sandali at ng bumukas ang nakakasilaw na ilaw, laking
gulat nila na may mga tao sa gitna ng court na naka cute costume na iba’t ibang
pets. Like a cute dog, lion, cat, bear, bunny, at marami pang ibang iba. Then
music was played, from an American boyband it seems they went Asian this time
afterall a fraction of their fans came from the Korean community, isa sa mga
kanta ng Super Junior ang inindak ng mga taong nasa costume, laking gulat nila
ng ipakita na ang mga mukha ng mga guy in costumes, sila pala ang 12 members ng
basketball team.
Napaindak ang lahat kahit na ang
kalabang university, it seems nakuha nila ang panlasa ng tao and doon pa lang
ay nakita nila how down to earth the ADLU team is, kasi nga game sila, usually
kasi pag half time pahinga lang ang gagawin ng team at pag-uusapan ang
strategy, ngunit gusto nilang pasayahin ang kanilang fans. Ika nga nila, this
is more than just a game.
At sa gitna ng sayaw ay pumili
sila ng tig isang mga lucky girls na tuturuan nila ng basic steps to dance, at
ayun natuto naman, and they started dancing with the boys, at sumama na rin ang
Silverbelles para naging flash mob ang sayawan ng half time event ng game.
Ng patapos na ay may solo dance
si Chester Ylano, doon nya pinamalas ang kanyang talento sa pagsayaw, namangha
sa kanya ang lahat.
“Wow, player na dancer pa… Ikaw
na ang talentado…” nakangiting sinabi ni Marian.
And they have ended the dance na
kitang kita nila na everyone within the coliseum was all smiles. They were very
happy sa kanilang pinag-gagawa.
“Chester nice dancing there ha…”
bati ni Cap Jason. “Thanks” sagot lang nito. Si Prado naman ay wala pa ring
imik, bagay naman ang suot nyang Gorilla suit sa kanya.
So bago bumalik sa game ang team
ay kinausap muna ng masinsinan ni coach si Michael bago magsimula,
“Mickey is
there something that’s bothering you?” ang tanung ng coach sa kanya, hindi
naman nya masagot ang coach dahil sya mismo hindi nya mapinpoint kung ano nga
ba talaga ang problema.
“O sige ganito nalang, coach Bong
and I agreed na this would be the time I execute yung napag-usapan namin
earlier, for the mean time, Ylano would take your place, you’ll be back on the
Fourth quarter, remember yung napag-usapan nating strategy ngayon natin gagawin
yun… Alight?” as the coach reminded his ace player.
Mickey responded by, “Yes coach,
naalaala ko naman lahat ng iyon…” at malugod naman nya itong tinanggap.
The UAAP Finals – Game 1: Third Quarter
Medyo mukhang naging mahina ang
naging simula ng third quarter ng ADLU Team. It is either nalalamangan sila ng
ilang points or halos dikit lang ang laban nila ang first half.
“This is the very thing na
sinasabi ko and I think they are falling for it.” Ang sabi ni coach Leon kay
Bong habang nakikinig lang si Mickey sa dalawa.
“Well I think magbubunga naman
yung plan, lalo na tutok ang training natin sa kanila individually…” pag sang
ayon naman ni coach Bong.
Tama naman ang naging desisyon ni
coach, the plan was to take advantage of the other teams thinking na if Mickey
is not playing mas mahina ang team. Well they are terribly wrong, Chester was
trained to fight that day, and from dikit na points after five minutes ay
naka-ten point lead na ang Quicksilvers.
“Hindi ko man lang namalayan na 5
minutes na pala ang lumipas, that was one intense game play…” sabi ni AJ Agaton
kay Sy.
Ngunit hindi mag-tatagal ang
kaligayahan ng team ng,
“Foul, number 13, ADLU… Joshua
Prado…” ang tawag ng referee and it was his last foul, kaya he was fouled out
of the game. Pinasok ang isa pang shooting guard na si Marthy Cojuangco to
replace Prado in the game.
“Tsk... Tsk…” inis na reaction ni
Jech-jech Prado pag-kaupo nya sa tabi ni Sy. Wala na rin kasi syang maupuan.
Mukhang nawala ang chemistry ng
team by that time, kaya ang ten point lead ay nahabol na naman ng kabilang
team. Bago pa matapos ang third quarter lamang na lang ang ADLU ng one point.
“Leon, ipasok mo na si Michael
Sy…” suhesyon ni coach Bong. Ngunit hindi matinag si head coach dahil para sa
kanya ay may proper timing ang lahat ng bagay.
Nakiusap naman si Mickey kay AJ
na abot ang kanyang mobile phone, dahil pina gigitnaan sila ni Prado, kaya sa
likod na lang nito ito idaan. Pag check ng phone ay wala naman tawag or text
syang natatanggap, he was about to dial the phone ng tinawag sya ni coach,
“Mickey be ready for the fourth
quarter, mukhang mapapalaban ka rito…” ekplanasyon nito. Kaya binalik na muna
nya ng patago ang phone kay AJ Agaton.
Natapos ang third quarter, nag
karoon pa ng pagkakataon ang kalaban to score dahil sa free throw that they
have earned sa foul na nagawa ni Chester, sila pa ang lead ng one point.
“Coach sorry dahil doon sa foul…”
nasabi ni Chester while nakabreak sila.
“It is alright, babawi tayo
mamaya, good job nga pala doon sa lead kanina… Mag-pahinga ka muna Ches…” ang
sabi ni Coach Leon.
Napag tanto ni coach Leon na nag
pay-off naman ang mga risk na kanilang ginawa, may mga series of unfortunate
events lang talaga na nangyari.
Bago mag-simula ang game ay
kinausap ni coach Leon ng masisinsinan si Mickey, “Anak, focus, kung ano man
ang iniisip mo, shake that off. You can now go in that game and prove to yourself
that you are an achiever, not a loser, because being a loser and having a life
of regret is a choice, being a winner on the other hand is a gift on which ikaw
mismo ang tutupad nun… Don’t let us down Mickey, you can do it… Nandito lang
kami sa likod mo…” at mukha namang nagising ang dugo ni Mickey sa encouraging
words ni coach Leon.
The UAAP Finals – Game 1: Fourth
Quarter
It was the last quarter for Game
1 for the UAAP Basketball Final Game. ADLU’s opponent has a one point lead of
an advantage, but it wouldn’t really matter, dahil nag-balik na ang ace player
na si Mickey and he didn’t disappointed the team and as well as the fans.
“Hahaha… Loko itong si Sy
pinakaba pako… Kailangan lang pala ng tuning up… Imagine after ilang minutes ng
ball game, ahead na tayo ng 15 points…” ang sabi ni Marian and EIC ng
Lenoirian.
Doon na nya inexecute ang the
Great Defense is a Great Offense theme nila for that year. He scored several
3-pointers na walang kasablay sablay, mukhang nawala na ang kanyang mga
worries.
Ngunit sa kasamaang palad, ng
nasa kalagitnaan na ang game ay biglang napatid ng di sinasadya ang small
forward na si Jaydee Castro and he accidentally twisted his ankle. Sabay tawag
naman ni coach Leon ng Time-Out. Tinawag naman ni coach si AJ Agaton, “AJ I’ll
be giving you instructions… Ikaw muna ang papalit kay Jaydee…” at lumapit naman
ito kay coach ngunit bago lapitan ay kay pumunta muna ito kay Sy,
“Ui Mickey phone mo, mukhang may
tumatawag… Kanina pa yan di ko lang sinasagot.” At sabay abot ni AJ ng phone
kay Mr. Nice guy.
Kinabahan si Michael Sy, nanindig
ang kanyang balahibo with that call na hindi naman nya alam ang number.
He instanteaneously
answered it.
“Mickey si Adam to, I was trying
to call Allen pero out of coverage area phone nya… Nandito ako sa ospital now,
I was calling the nurses station minutes ago kaso walang sumasagot, kaya ikaw
ang naisipan kong tawagan, si David…” sinabi pa lang ni Adam ang pangalan ni
David, “Why Adam anong nangyari kay David?”
“Si David nangingisay rito di ko
alam ang gagawin…” Adam was panicing. Wala ng inubos pang oras si Mickey
tinawagan niya si Dra. Ricafuente ang kanyang tita.
“Tita… Si Adam tumawag, si
David…” ramdam ni tita Nina na hingal na hingal ng pamangkin, “Mickey calm
down, you are in your game right? Medyo maingay lang rito sa ospital may
emergency kasi may banggaan sa kalsada ng bus sa EDSA, rito dinala yung mga
biktima, kaya magulo rito ngayon, so what about David?” tanong ng tiyahin.
“David’s friend Adam called, si
David, nangingisay…” hindi pa tapos si Mickey sa phone ng kinuha ito ni coach
Leon, “Di ba we have agreed on this, no phone calls while we are in a game?”
“Pero coach that is an emergency…
Please coach…” pakiusap ni Sy. Ngunit tumunog na ang buzzer senyales na natapos
na ang time-out ng team.
Mickey was shouting, “I need to
go coach…” ngunit di sya narinig nito dahil mas lalo pang umingay dahil start
na ng game,
Kitang kita naman ni Anika na
nag-iba na ng aura si Sy, from a very much inspired man, he look defeated at
that time. Nakita na naman ito ni Prado, as usual infuriated with the scene.
And indeed, nakaapekto nga ang
pangyayaring iyon sa ace player ng ADLU na si Michael Sy.
In the last remaining minutes ng
game, ay wala syang magagawa kundi ang pumalpak, he has let go of his will to
win dahil ang focus ng isip nya ngayon ay na kay David Castillejos, dumating pa
sa point ng ipinasa sa kanya ng bola ay derecho ito sa kanyang mukha, his nose
was now bleeding. Nag-patawag si coach ng kanilang huling Time-Out dahil blood
was now gushing on Mickey’s nose. That time out was very vital para sa last
minutes pa sana ng kanilang game play.
“Okay ka lang Sy? Doc kaya pa
nya?” while Mickey was being checked by the team’s doctor.
Ngunit sumagot na si Michael ng,
“Coach I am really sorry I needed to go…” at tumayo na ang ace basketball jock.
While on TV, napansin naman ng
commentators ang paliwanagan ni coach at ni Mickey “So what’s this? It seems
the ADLU head coach Leon Fernandez is having this fiery confrontation with
Michael Sy…” at dinuktungan pa nung isang commentator, “What’s this Michael Sy
is leaving the hard court, with out the aide of their team doctor…”
It seems na nakuha na nila na
paalis nga si Michael , “He is literally walking away the game…” ang sabi ng
commentator, napansin naman ito ni Anika na hindi naman pinalagpas ang
pag-kakataon.
Sumunod naman si Prado, sinundan
naman ng tingin ni coach Bong ang mga susunod na pangyayari, “Shoot Leon si
Prado…” kinabahan na ito dahil alam na nya ang posibleng mangyayari. Pinasundan
naman nya ito with the other team members, kasama ang best friend ni Mickey na
si Chester Ylano.
Dali-dali naman kinuha ni Sy ang
kanyang gamit sa locker room.
When he was about to leave, at ng
nag-turn sya ng isang hallway, sinunggaban naman ni Anika si Mickey ng halik.
Kitang-kita naman ni Jech-jech Prado ang lahat.
“Tang-ina mo Mickey…” galit na
sigaw nito, sabay hablot sa girlfriend at balibag rito.
Sa gulat ay sinunggaban na rin ni
Mickey si Prado, at doon na nag-pang abot ang dalawa.
Doon na umawat ang ibang team
mates na wala sa game.
Ngunit ramdam na ramdam pa rin
ang tension sa dalawa.
“Ikaw babae ka… Ang landi landi
mo… Ano bang nagustuhan mo sa lalaking yan na wala ako, lalaki naman ako di ba?
Lalaking-lalaki…” sinisigaw un ni Prado sa tenga ni Anika, “Makinig ka sa bawat
sasabihin ko ha…”, “Since nandito na rin tayo, mabuti na rin siguro na
magkaalaman na.”
“Mag-kaalaman?” sabi ng isang
team mate ng Quicksilvers Team.
“Shit Prado, I don’t have time
for this…” aalis na sana si Mickey ng sinalag sya ni Jech-jech.
“Ah, ah, ah… You should be here
for the big reveal. Gusto ko ikaw mismo ang makarinig.” Mockingly ay tinapik pa
nya ang balikat ni Mr. Nice Guy na mukhang hindi na nice ng mga oras na iyon.
Kinakapitan naman na ng kaba si
Chester Ylano, while namumuo ang pawis ni Sy.
At itinuloy na ni Prado
“Apparently, magiging co-ed boys basketball team na pala tayo.
“Co-ed? Ano bang pinag sasabi mo
Jechs?” derechuhin mo nga sabi ng isa nilang team mate.
“Remember yung kumakalat na
balita…” pag sambit ni Prado sa kanila, “Alin yung may bading sa isang
basketball team? Di ba nga, malamang sa ibang team un…” pag kontra ni Marthy.
“Shut up, patapusin muna ako,
well apparently dyan kayo nag-kamali. I do have my reliable sources, and I have
confirmed, a faggot is now lurking among us…” sabay titig ni Jechs kay Mickey.
Namumuo naman ang pawis ng ace
basketball player na si Michael Sy, wala pa mang kinoconfirm ay mukhang
hinusgahan na sya ng mga ito, nakakabingi ang katahimikan, na kahit si Anika ay
hindi makapaniwala sa mga naririnig,
And from nowhere, binasag ang
katahimikang ito ng isang tao.
“So what? So what kung bading
ako? May problema ba doon mga tol’? Was there a time na pinahiya ko kayo?”
pag-salo ni Chester Ylano sa kaibigang pinakamamahal.
Lahat ng nandoon ay nagulat sa
pag-amin na iyon, ngunit wala ng mas nagulat pa kundi ang best friend nyang si
Michael Sy. Hindi maipinta ang mukha nilang lahat sa rebelasyong inilabas ni
Mr. Ylano.
NEXT CHAPTER:
The Accident - CHAPTER 11 - ****** For the next chapter, it is still a work in progress... Update ko kayo as soon as naisulat ko na...