Sunday, June 5, 2011

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear (Chapter 3)


Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter III: Confessions of a Drama King?
Sa panulat ni Adrianne A. Aguilar



“Then what happened?” excited na tanong ni Dian kay Elijah habang sila ay nasa food court at kumakain.




“Ayun he pulled a coin in my ear. Marunong pala si TL ng kaunting magic...” at napakamot sa ulo si Elijah sa kanyang ikinuwento sa kanyang best friend na si Dian.




“Ahh yun na un? Akala ko naman he already had made a move or something.” nabitin ang kanyang best friend sa kanyang kento.




“Itulad mo naman kasi ako sayo. Napaka promiscuous. Hahaha.” Sabay tawa ng isa.




“Well that’s me, ibahin mo ako sayo, pag nandyan nya syempre I grab na ang opportunity.” Sagot naman ng kanyang kaibigan.




Pero sadyang ganun talaga si Elijah, “Well ganun na talaga siguro ako ngayon… Hahaha… Pero come to think of it, after nung magic trick nya, he said na he personally said na he was happy at kami daw ang nakasama niya that night. We then said our goodbyes then pinauna niya akong sumakay.” Then tumahimik ang paligid, natulala si Elijah, at biglang napailing. “Ano ba yan puro sya na lang ang pinag-uusapan natin.”




“Oo nga eh, kitang-kita tuloy na you are really into him. At nagbablush ka pa diyan…” sabi ni Dian.




“Really?” tanong ni Elijah.




“Yes, as in really… Pero friend bakit nga ba tayo nandito sa mall bigla yata ang invite mo?” Dian asked his best friend.




“Hmmm first parang treat ko sayo, kasi di ba nga dahil sa good news sa work, may makukuha kasi kaming incentives, and minsan lang naman ito eh…” paliwanag ni Elijah.




“Hahaha… Kaw talaga… Magpapalibre naman talaga ako kahit wala kang incentive, alam mo naman na ako ang parasite sa grupo natin nina Georgie…” sabay hagakgak ni Dian.



“Kasi naman, mag apply na kasi, sabi ko na kasi sayo mag-apply ka na sa amin eh..” panghihikayat ni Elijah.




“Ayy friend ayaw ko munang pag-usapan ang work work na yan, Hindi pa ako mentally ready… Pag-ready na ako sasabihan kita” sagot ni Dian and he diverted the topic into something, “Aside from this treat, ano bang itinerary natin today?”




“Kasi nga, I wanted to buy him a gift, nahihiya kasi ako at sya pa ang nantreat last time, eh birthday pala niya… Kahit man lang any trinket or something. But the thing is wala akong maisip na mairegalo sa kanya…” pag-agam agam ni Elijah.




“Eh oo nga pala, gaano mo na nga pala kakilala yan si bossing mo… We could start from that… May mga alam ka bang likes niya?” tanong ng kanyang best friend.




Napag isip isip ni Elijah na wala siyang alam na hilig ng kanyang boss na tungkol sa mga gamit, ayaw naman niya mag regalo ng damit kasi baka hindi niya magustuhan. Ang alam lang niya is makulit at kwela ang boss niya and he can’t really miss a day na hindi siya napapangiti.




“Eh sya pala ang nag-papangiti sayo. Ang ganda mo talaga, ang ganda ganda. Well kwela… Mahilig yan sa mga cute na bagay… Makakakita tayo nyan, mag ikot ikot lang tayo sa mall…” suheston ni Dian, natapos na rin kasi niya ang kinakaing lasagna.




At nag-simula ng mag-ikot ikot ang dalawa. Hindi naman maiwasan ni Dian na magtanong tungkol sa boss ni Elijah at sa nararamdaman nito.




“Nararamdaman ko ba?” at napakamot na naman sa ulo si Elijah, “Ah eh, he is very likeable…”




“Likeable naman pala eh, eh anong problema…?” hindi naman sumagot si Elijah, “Si Eric pa rin ba?” pagpapaaala ni Dian.




“Of course it’s not about Eric. Well friend, really it is not about Eric, it is more of yung nangyari sa amin ni Eric, and alam mo naman ang nangyari di ba?”




“Naman! Of course alam na alam, sa ating tatlo naman ni Georgie kayong dalawa ang Drama Queens, ako lang ang kontrabida! Hahaha!” sabay tawa ng kanyang friendship, “Pero seriously friend, dapat mag move on, or forward or whatever it is ka na kay Eric…” suhestyon ng kanyang best friend.




At sumagot naman si Elijah, “I think move on naman na ako with him, siguro it is more of the moving forward ako nahihirapan, masakit din kasi ung ginawa niya…”




“Kasi naman friend binalaan na kita dyan eh, rendahan mo kasi ang iyong puso. Hayyy naalala ko tuloy yung mga naïve days ko sayo, ganyan din ako, pag na inlove ayun sapol sa puso, kahit sa text, maiinlove kagad with those kind words, dagdagan mo pa ng pag send ng lalaki ng isang gorgeous picture… Those are ingredients to a love disaster! Isang delusion na mahirap maiwan” at napabuntong hininga si Dian.




“Pero friend wala naman akong regret sa ginawa ko kay Eric, he needs help in finding a job, kaya tinulungan ko siya, malay ko ba na mayroon na pala siyang boyfriend at that time… Siguro ganun talaga kapag mabait ka, madalas ka pagsamantalahan…” at napakibit balikat lang si Elijah.




“Sige ka the, magpakabait bait ka dyan, at baka mapa aga ka, at kunin ka kagad ni Lord.!” Sabay biro ng kaibigan, at nag hagikgikan ang dalawa. By that time ay napagawi na sila sa department store but still hindi pa rin makakita ng magandang maireregalo sa kanyang boss.




“Alam mo sis, may mga novelty items dito, napanuod ko sa TV yun one time, I just forgot the name of the establishment… Ikot pa tayo…” ang sabi ni Dian.




Halos mga 15minutes din silang nag-ikot, at nag decide muna silang umupo.




“Hinihingal ka na Elijah?” tanong ni Dian sa kanyang friend.




“Ewan ko ba, siguro dahil sa stress at sa bahagya kong pag taba…” paliwanag ni Elijah.




“Ayy  the, baka naman ma turn off si TL dyan sa mga flabs mo…” ang sabi ni Dian.




“Hindi rin, alam mo sa totoo lang, feeling ko hindi naman din sya bothered, si TL din naman kasi although discreet napabalita na rin na alam mo na, pero syempre nahihiya naman ako I confirm sa kanya, kaya hinahayaan ko muna. So back to him, si TL Paul Jake madalas na lilink sa mga full figured na tulad ko…” at nagtatawa na naman si Elijah.




“O siya siya, Ikaw na si Whitney na America’s Next Top Model winner!” biro ni Dian.




“Pero lately naman gumagawa rin ako ng measures para mag-papayat, alam mo yun, I am doing it para sa sarili ko, at hindi dahil sa kanya o kanino man, to be healthy man lang ba…” sagot ni Elijah.




“That’s good, magandang pananaw sa buhay yan friend!” at napalingon si Dian sa right wing ng mall, “Oh ayun nap ala yung Animaland!” at nakita na nga nila ang kanina pang hinahanap na establishment.




Dahil nakapag pahinga na rin naman sila ng mga limang minuto ay tinungo na nga nila ang Animaland.




It is sort of a customize your own stuff toy stuff, pero childlike ang dating, pero sa personality ng kanyang boss parang bagay naman sa kanya. And the thing is ay toy line din naman sila for older people na ideal for gifts.




“Sir, basta may picture kayo nung gusto nyo regulahan eh pwedeng pwede po yan…” paliwanag ng salesman sa may Animaland store.




“Oh ayan, and I think fair naman ang price…” dugtong ni Dian, nagpapacute kasi ito dahil cute din naman ang paminta looking na salesman.




“And by the way sir, may promo pa pala kami, na if you’ll buy your second doll, you’ll get a 30% discount on it…” pag remind ng salesman na si Tommy.




“Tommy, hindi ba pwede na forty percent off na lang?” pakiusap na pa cute ni Dian.




“And besides, aanuhin ko naman yung pangalawa ko nyan?” ang sabi ni Elijah.




“Wala lang, ilagay mo sa desk mo for design, kung ayaw mo sa akin na lang, bayaran na lang kita pag may work nako, chos!” biro ni Dian, “So ano Tommy, 40% off pwede ba?”




Napapakamot sa ulo ang salesman, “Eh sir tatanungin ko lang ang manager naming kung papaya siya…” at namili na ang dalawa ng mga design.




“Uyy cute ito oh, Teddy Bear, patingin nga ng picture ng TL mo…” ang sabi ni Dian, at iniabot ni Elijah ang CP niya rito, “Ay True Love nga! Hindi man siya ung gwapong gwapo pero malakas ang dating niya… Hindi nakakaumay… Ayy the bagay na sa kanya ung Teddy…” at iniabot ni Dian kay Elijah ang Teddy Bear Doll.




And then nakita naman ni Elijah ang isang Panda Bear stuff toy, kung kanina nag dadalawang isip siya kung dalawa ang bibilhin niya ngayon naman ay nagdesisyon na siya, kinuha niya ang dalawa. Peron g tinitignan na niya ang quality nung mga dolls kung may sira o wala, napansin niyang may kaunting dumi pala ito sa pwetan. Tamang tama naman na parating na si Tommy at ang kanyang boss.




“Ayy sir, pasenysa na po, pero fixed na po yung promo namin today for discounts” paliwanag ng superior ni Tommy.




At ng biglang nakaisip ng paraan si Dian, “Ahh ganun po ba, we understand… Sige okay na ho kahit 30% off, pero mayroon pa ba kayong stock ng Panda Bear design na tulad nito, kasi may dumi itong nasa shelf nyo…” at iniabot niya ito sa may manager, and inspected ang sinasabing dumi.




After a minute or two na discussion ni Tommy at ng kanyang boss.




“Sir, pasensya na, last piece na pala namin ito…” paliwanag ni Tommy, “Ahh ganun, saying naman, gusting gusto pa sana namin…” tugon ni Dian.




“Pero the good news sir, we could sell it to you for 50% off, kasi pag hindi naman din ito nabenta for today sa ganitong condition, ipupull out lang ito sir…” paliwanag ni Tommy.




“Ohh that’s great!” tuwang tuwa si Dian, napangiti na lang si Elijah at kumindat kasi ang kanyang friendship.




So to make the story short, nasettle na nga nila ang regalo sa Animaland, naipabalot na rin nila ito na pang regalo.




And it was the very day ng ipinanganak sina Panda at si Teddy.




Kalalabas lang ng dalawa sa Animaland ng, “Ayyy teh, ang lansa lansa naman nilang dalawa…” biglang bulalas ni Dian.




“What do you mean friend?” Elijah was then confused.




“Ano ka ba, mukha namang parehas na PLU’s (People Like Us) ung dalawang un… Hahaha!” paliwanag ni Dian.




Sabay tawa rin naman ni Elijah, “Hahaha… Oo nga ano, at mukhang mag syota pa si Tommy at ang kanyang Manager… Patay ka at mukhang pinagselosan ka pa friend…”




“Ayy hayaan mo siya, mamatay siya sa ingget! Mas di hamak na gorgeous ako sa kanya… At mas mukhang manly… Hahaha!” Paminta rin kasi ang palabas ni Dian sa kanyang sarili, lalo pa ngayon at nagsisimula na siyang mag buhat sa isang gym.




So the two guy pals had a blast on their short stroll of gift shopping for Elijah’s boss, and tomorrow is another day, ang concern niya ngayon is paano niya ibibigay yun sa kanyang boss without making a commotion sa office. Pero knowing his boss malamang, ito pa ang maging pasimuno.




The next day, dala dala ni Elijah ang paper bag na laman ay ang teddy toy na may mukha ni TL Paul Jake. Samantala ang kanyang Panda toy ay nasa kanyang bag. Ng pumasok naman sila nina sa main entrance ng office para ipa frisk ang kanilang bag ay na comment naman si Ms. Lady Guard, “ang cute naman niyan sir…” at syempre narinig naman ito ni Annie.




“Ano ba yan sis?” at dali dali naman niya itong tinignan at kinuha… “Ang cute nga!” reaction ni Annie na kasama ni Elijah sa team, “Pero bakit naman naka frown naman ang mukha mo rito…?”




“Eh that’s the best pic that I have sa CP ko eh…” depensa ni Elijah.




“Oh well basta cute pa rin siya…” sagot ni Annie, napansin naman ng isa na parating na si TL Paul Jake sa may hallway office.




Sabay hablot ni Elijah sa kanyang Panda Bear at tago sa bitbit na paperbag.




Umubo naman si Elijah para isenyas kay Annie na padaan si TL.




“Good Evening TL Paul Jake!” bati nila dito, nginitian naman sila nito, akala naman ni Elijah na nakaligtas na siya ng biglang humarap na naman ito, at lumapit sa kanya, nilapit ang kanyang kamay sa ulo ni Elijah and then, he wisks his hand, WHALAAAH! A coin!




Pumalakpak naman ng pumalakpak si Annie na parang bata, “ang galing naman nun TL, isa pa nga!”




“Annie, next time na lang ulit… Our shift is about to start na…” at tinuro ni TL ang orasan at humaripas sila ng takbo.




Hindi naman sila na late.




Habang nasa usual routine sa floor, hindi naman maiwasan ni Elijah na mapatingin sa kanyang boss, patayo tayo kasi ito to check the other agents in his team, minsan pa nga ay nahuhuli pa niya ito na nakatingin sa kanya, patay malisya naman ito kapag nagkakahulihan na sila.




“Paano kaya itong gift ko?” sabi ni Elijah sa kanyang sarili.




Makalipas ang mahigit sa dalawang oras ay napansin nya na wala sa kanyang desk si TL Paul Jake,




“Eto na ang pag kakataon mo Elijah!” dali dali naman itong itinag sa sarili na naka short break, sa punta sa desk ng kanyang boss at inilgay ang paperbag sa may table nito, sa kamamadali ay ang tanging nailagay niya ay “Thank You” sa may card nito. At dumercho na si Elijah sa may CR para makapag banyo.




After a while ay nakabalik na siya sa kanyang work station, as usual balik sa kanyang trabaho, after a while mayroon siyang cliente na kasalukuyang naka hold, ng maalala niya ang kanyang Panda Bear sa kanyang small bag pagkain.




Hinimas himas niya ito at sabay inilagay sa ibabaw ng kanyang work table.




Makalipas ang ilang oras ay lunchtime naman na, lunchtime sa gabi that is. Nagutom yata si Elijah at nagmamadaling pumunta sa pantry.




Pagkatapos ng isang masarap na tanghalian sa gabi ay bumalik na ito sa station.




Nagunat muna ito at sinabi, “Thank you Lord!” ng bmay bigla siyang naalala, hindi niya pala nalagyan ng kanyang pangalan ang card ng regalo na bibigay niya kay TL Paul Jake, and then napatingin siya sa kanyang desk ng bigla siyang nagulat, nawawala sa kanyang table ang kanyang bagong biling Panda Bear.




Pinuntahan niya si Annie at tinanong ito kung nakita niya, “Ah the, this time hindi kita pinagtitripan ha?” sagot nito kay Elijah.




Hindi naman ito mapakali at halos maikot na niya ang buong office sa paghahanap at pagtatanong, and the he realized, there is this one place na hindi pa nya napupuntahan.




He slowly went into this place na naisip niya, alam mong kinakabahan si Elijah dahil namumuo ang pawis sa kanyang noo, and the to his surprise…


NEXT CHAPTER:


6 comments:

  1. aghhhhhhh....sasapakin na kita dady eh.....sarap mo mabitin....pero infairness....medyo mahaba tong chapter na ito.....ehehehehe





    -Jhay Ehm-

    ReplyDelete
  2. ahahahaha :)) super like ko tlga to......sna pu mdlas k mg update :)tnx. m0re p0wer

    -reggie-

    ReplyDelete
  3. mis ko na ang robinson's manila....hmmm asan na panada bear....???

    ReplyDelete
  4. ano ba yan?!?! hahaha!! sobrang bitin :) sana po masundan na ito ;)

    ReplyDelete
  5. wala na po ba tong next chapter ? :D

    ReplyDelete
  6. @ swagger, meron na pong chapter 4, please visit the new updates... salamat sa pag tangkilik... : )

    ReplyDelete