Sunday, November 18, 2012

The Accident (CHAPTER 9)



The Accident
CHAPTER 9
Written by Adrianne Aguilar

"There are no mere accidents in life. It is just what you called destiny"

~*~






Pag-sakay sa sasakyan, tahimik pa rin ito. Pagod din si Prado kaya he doesn’t want to have a confrontation between the two of them.




Pero wala sa sarili si Anika, ipapasok na nya ang susi sa sasakyan ng sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nya ito maipasok, in the end she snapped started to shout, nag iiyak at ibinato ang susi sa windshield ng saksakyan.




And out of nowhere, hinalikan sya ni Prado, to his surprise sinampal sya ni Anika,




“Shit Anika, what did you just realized? Na mahal mo pa si Mickey? Na naging panakip butas mo lang ako?” sa galit ay umalis at iniwan ni Joshua Prado si Anika sa kanyang saksakyan at binagsak ang pinto. Naiwan naman ang nag uumiyak na head cheerleader, hindi alam kung saan tutungo at kung ano ang gagawin.




***********




It is a good thing na sprain lang ang inabot ni Mickey nung last game. Before leaving the hospital dumaan muna si Mickey sa kwarto ni David.





Malapit na sya sa kwarto ng may lumabas na hooded man sa pintuan ng silid ng silid ng pasyente, it was not Adam or Allen, hindi nya naaninag ang mukha nito dahil sa sobrang bilis nitong lumayo.


Susubukan sana nitong habulin ito but he can’t, may saklay pa ngang hawak si Mickey paalis ng kanyang kwarto. So hindi nya na lang ito inintindi at pumasok na lang sa kwarto ni David.




“Ilang games na lang and we are now headed into the championships. Mas ganado ako sa game ko ngayon, all thanks to you. First time to, tuloy tuloy ang panalo namin.” And as usual hinahaplos na naman nya ang mga kamay nito. He noticed something seemingly odd with David, “Mukhang malungkot ka yata ngayon? Next time that I’ll be here maybe I’ll cheer you up”.





Sinundo naman siya ng kanyang best buddy na si Chester at sumakay sa sumundong sasakyan sa kanila.




“Doon ka na mag dinner sa amin” Mickey suggested to his best buddy.




“Sige that is a good a idea, matagal na rin akong di nakakain ng masarap na luto ni Manang Mena” as Chester agreed with what Mickey told him.




After having a delectable dinner ay sinamahan naman ni Chester ang kaibigan sa kanyang kwarto. Sinalubong naman sila ng alagang aso ni Mickey na si King.


“Ang laki laki na nya…” tuwang tuwa si Chester at hinimas himas ito. Tuwang tuwa rin ang kanyang kalooban at dahil kasama nya sa iisang kwarto ang kanyang kaibigan na si Michael.




“Ches, I’ll just lounge here on my bed, kaw na muna ang bahala kung ano ang gusto mong gawin dyan. As usual if gusto mong mag sleep over, you can use the guest room.” Paanyaya ni Mickey.




“Hehe, guest room? Kahit naman noon hindi ako natulog sa guest room. Dating gawi, pwede nako sa sahig, kumot at kaunting unan lang ako. Ang lambot kaya nitong carpet nyo, ang bango pa.” sabi nito, sa isip isip nya, “Sana nga tabi na lang tayo…” at napa-iling na lang si Chester.




Gumamit muna sandali si Chester ng laptop ni Mickey, to check his Facebook account. As usual ang dami na naman nyang messages and friend request from female admirers.


“Nasaan na ba ang guy admirers when you needed them?” ang sabi nito sa sarili.




“Busy na busy ha? Tyak dami ka na namang girl suitors?” tanong ni Mickey.




“Hahaha…” natawa si Ches, “Hindi naman masyado”





“Kasi naman mag girlfriend na… Para masipat kung bagay kayo… At pag hindi agawin ko na lang sayo” biro nito sa kaibigan.




“Pwede bang ako na lang agawin mo?” blurted ni Chester.




“What?” naguluhan si Mickey sa narinig nito.




“Wala ang sabi ko, sige subukan mong agawin, tignan natin kung kaya mo.” Lihis na sagot nito.





“Haha, ako pa hinamon mo? Anyways maiba tayo. Siguro nga okay na ito, single ako. Mukhang happy naman si Anika kay Prado. Siguro nga hindi ko pa oras para mag ka partner, marami pa siguro akong dapat matutunan…” pag rerealize ni Mickey.




“Hmmm… Pwede ka naman matuto even if you are inside a relationship…” syempre pabor pa rin si Chester na makipag relasyon ito, at pangarap nya na sana sya na lang.




“Siguro nga, pwede naman, pero not now…” and Mickey started to yawn.




“Kasi naman ikaw, why not start to go out, go to dates, attend ka ng mga parties. Pwede rin na soul searching, with someone special, or pwede naman ako na lang isama mo… Tama naman Mickey di ba?” pero walang sumagot kay Chester, “Ui Mickey…” at nakatulog na pala ito sa kanyang pag kakahiga.




“Tsk Tsk… Kaw talaga… Tinulugan mo talaga ako?” and then Chester realized after a long time ngayon lang ulit sya na nakatulog ulit sa room ni Mickey, and this is the first time na nakitulog sya na he embraced his new sexuality.




Lumapit sya sa malambing na natutulog na mukha ni Mickey, palapit ng palapit, his lips on Mickey’s face ng 




“Aw… Aw…” tinahulan sya ng aso ni Mickey na si King na kasama nila sa may kwarto.




“King, pati ba naman ikaw bantay sarado ako sayo? Dapat you are on my side…” napakamot na lang si Chester sa kanyang ulo and he decided to lay down to bed, and in time sya naman ang nakatulog.




The next morning, hindi napansin ni Chester na tanghali na syang nagising.




“Shoot malelate nako with my next class…” pag mamadali nito.




Ng tinawag sya ni Mickey na papasok na sa banyo, bahagyang nakasilip ang pwetan nito, “sabay ka na Ches, malelate na tayo?”




Chester was in awe upon hearing that, pero ang sabi sa sarili it would be my very chance to be with him, pag pasok sa banyo the steam from the heated shower almost blinded him and from nowhere hinalikan sya ni Mickey, halos malunod sya sa sa mga halik ni Mickey at ng tubig na nagmumula sa shower.


“Ui King stop that! Chester gising!” tawag ng kaibigan rito. Ayun at nanaginip lang pala sya at nalulunod sya sa laway ni King na dinidilaan sya sa buong mukha. Nagising naman ito na tila gulat na gulat.




Madali naman nakarecover si Mickey with his injuries, pero he was still adviced by the doctor na ingatan ang sarili.




Syempre ang usual setting sa isang school, sama sama ang mga geeks, at kanya kanya din grupo ang mga popular students.




And as for the jocks, they do have this glorietta type na tambayan just across the school’s Japanese coi pond. Yun ang tambayan ng mga pinakasikat dahil kitang kita sila lahat doon ng buong population ng university, isama mo pa dyan na nakabandera ang dalawang consecutive championship trophies ng basketball team, “Ang bilis ng oras ano? After ilang weeks ng pag hahantay magiging tatlo na rin sya” tuloy ni AJ Agaton regarding sa future nilang pagkapanalo, syempre mataas ang hopes at expectations nya.





“Hindi ka naman masyadong excited ha AJ?” bati ni Rahjie.




“Hehe, bakit bawal ba? Ganyan ganyan din ung sinabi ko last year at kita mo and we got our second win… Hindi mo naman maitatanggi Rahjs na mas okay ang game play natin ngayon di ba?” paliwanag ni AJ.




“Sang ayon ako dyan, tama ka naman AJ.” Ang singgit ni Raffy Chua, “Sya nga pala, nasan na ang ibang team mates natin?”.




“May klase pa sina Drake at Cap Jason…” paliwanag ni AJ, “Sina Marthy ayun sinundo pa ung girlfriend nya, si Jechs wala pakong balita, pati na rin sina Mickey at Chester wala pa rin…”




“At updated ka talaga? Haha…” tawa ni Raffy dito.




“Ungas, syempre nag text sila… Basa basa rin ng mobile phone tol. Oh sina Sy at Ylano na yang parating ha?” pagtanaw nito from a distant.




“At talagang may saklay pa?” puna ni Rahjie.


“Sabi ni coach okay ka na raw Mickey?” napatanung tuloy si AJ.




“Ah eto ba? Wala sabi lang ni doc, dalhin ko lang for some precaution, kung ako lang ayaw ko na, pero mapilit si Doc, ang tita ko pati na rin si Chester…” paliwanag ni Mickey.




“Ui Chester ha, ikaw sobrang pagke-care mo kay Mickey, wag mong sabihin na you are falling for him…” biro ni master joker AJ Agaton.





Sinegundahan pa ito ni Rahjie, “Don’t tell me tol’ kaw ung nababalita na…”




Hindi naman maipinta ang mukha ni Chester upon hearing that. Syempre sabay tanggol naman ng kaibigan nyang si Mickey, “Ui mga tol, wag naman ganyan. Si Chester parang kapatid ko na ang turing ko dyan…”




“At kapatid talaga? Pwede namang boyfriend? Kung yun ang sasabihin mo sa kanila I don’t give a damn kahit apihin o asarin pa nila ako…” nasabi ni Chester sa sarili.




“Kayo naman di na mabiro, napakaseryoso nyo mga tsong!” tugon ni AJ.




“At tyak naman akong walang bading sa team natin. Mga barako yata to… Hahaha!” tawa ni Rahjie sabay apir kay AJ.




“Tama ka dyan Rahj…” pag-sangayon ng isa, “Oh, si Jech-jech yan ha… At bakit may dala dala syang bola? May bastekball practice ba? Hindi ko dala ang practice jersey ko mga tol’…”




Paparating nga si Mr. Prado patungo sa kanilang pinag-kakaupuan, hindi mo maipaliwanag ang kanyang mukha, napakaseryoso nito, sabay lapit kay Mickey, “Sy, one on one ulit… Ngayon na… Kaya mo na ba?” sabay hagis ng bola kay Michael Sy, buti na lang at mabilis ang reflexes nito, nabitawan nya ang saklay at nasambot ang bola. Ramdam nya may nangyayari na naman kay Jech-jech Prado.


“Sige, game ako…” ang tanging sinagot ni Sy kay Prado.




Kitang-kita ng lahat ang hamon na iyon ni Jech-jech kay Mickey




“Pero Michael kagagaling mo lang ng ospital…” pag-aalala ni Chester.




“Ches, okay nako I am good as new…” bulong na sagot ni Mickey.




Narining naman ng ilang tao sa glorietta ang imbitasyon ni Prado kay Sy. Kumalat ng mabilis ang balita, kumalat ang iba’t ibang text tulad ng,




.


Before pa man sila mag-simula has halos kalahati ng puno ang Gym ng ADLU.




“Ador, natanggap mo rin pala yun text na yan…” ang sabi ni Marian kay baklitang columnist na si Ador.




“Palalagpasin ko ba ito? May kumalat din na balita noon na nagtapat na yan sina Sy at Prado, pero close door na laban yun, pero ngayon sa harap ng ng buong campus, papatunayan na nila kung sino sa kanila ang tunay na star player…” paliwanag ni Ador,




Ng sumagot si Marian, “Ahh may ganun na palang nangyari, so Sy-Prado 2.0 na pala ito. Pero okay na ba si Sy? Kagagaling lang nyan sa ospital dahil sa incident last time ha?”




“Well it is time for us to find out…” konklusion ni Ador.




“Ui Jechs ano na naman ba ito? Okay na kayo ni Sy di ba? And besides kaagagaling lang nya sa injury and walang bas-bas ni Cap Jason to at nina coach.” Paalala ni AJ kay Jech-jech.




“Wala sina coach may meeting sa mga UAAP officials, si Cap Jason may exam ngayon. Kaya wag ka ng kumontra dyan AJ.” Seriously Prado said to Agaton.




“Ui Chester di mo ba aawatin yang dalawa?” sabi ni Rahjie rito.




“Knowing Mickey di rin papaawat yan…” nasabi lang ni Ylano sa kanyang sarili.




Ng nilapitan ni Prado si Ylano, “Chester ikaw muna ang mag-referee, wag na yan si AJ. Mag-sasabog na naman yan.”




Hindi na nakapalag si Chester Ylano at sila ay tumungo na sa game play.




“15 minute game, who ever has the highest score wins…” ang sabi ni Chester sa kanilang dalawa.




“Make it 20…” sabi ni Prado.




“Pero Jech-jech, si Mickey…” hindi pa tapos si Chester ng sumingit si Sy, “Sige 20 minutes.” And the hard headed jock agreed.




So nagsimula ang lahat sa pag-explain ng rules, pero it seems wala naman pakialam ang dalawa. And the next thing na nangyari was kanya kanya ng cheer ang mga estudyante sa loob ng ADLU Gym. Kanya kanya silang bet, may maka Prado at may mga maka Sy.




Inihagis na ni Chester ang bola para sa isang jump ball, natahimik ang mga tao sa loob ng gymnasium, tamang tama naman na kararating lang ni Marthy Cojuangco kasama ang kanyang cheerleader girlfriend, “Anong nangyayari dito mga pre?” kitang-kita nila ang mataas na pag-talon ng dalawang player at sila’y manghang-mangha… Agad agad naman nag-text ang cheerleader girlfriend ni Marthy kay Anika para ibalita ang pangyayari.




Sa huli mas mataas ang itinalon ni Michael Sy kay Joshua “Jech-jech” Prado, ngunit may isang di inaasahang nangyari, napalakas din ang apak ni Sy sa kanyang paa na kagagaling lang sa injury. Lunod ang buong gym sa excitement kaya hindi nila napansin ang reaksyon sa mukha ni Sy. Tanging si Ylano at ang katunggali na si Prado ang nakakita nito.




“Go Mickey!” sigawan ng mga kabababaihan.




“Michael, kaya mo ba?” natanong ulit ni Ylano.




“Kaya nya yan Chester, may bayag naman lumaban yan si Sy. Takbo!” sigaw ni Jech-jech.
Sinalag naman ni Mickey si Chester a sign na kaya pa nyang lumaban at nag tatakbo ito.




Sinubukan harangin ni Prado si Sy ngunit mabilis si Sy, partida pa na may iniinda pa ito sa kanyang paa.




In the end Michael has made the first impression since sya ang nakaunang mag score. The crowd went wild.




“Chamba!” inis na sagot ni Prado, “Next ako naman…” and Prado made his three pointer shot.




In the next 10 minutes of the game, dikit ang laban, ina-assess pa rin ni Mickey kung ano nga ba na naman ang problema.




Ngayon ay mas nag-kadikit pa sila sa agawan ng bola, “Jech, ano na naman ba ang problema?” natanong ni Mr. Nice guy.




Tamang-tama naman na kararating lang ni Anika sa basketball court, nakita naman sya ni Jech-jech from a distance.




As if Prado’s alter ego black sheep came back he answered, “Ikaw, ikaw pa rin ang problema Sy.” Sabay sapak ng bola sa mukha ni Sy, dali dali naman ang shoot ni Prado.




Pumito si Chester ng foul. Pumuntos sya, 2 points ang lead.




“Hayaan mo na… He wants to play dirty. Sasabayan ko sya…” sabi ni Mickey kay Chester.




“Pero Mickey dayaan na to…” sagot ng kaibigan.




“Chester, hindi naman star player status ang pinag-lalabanan namin rito, gusto ko lang intindihin si Jech-jech kasi I know he is better than this. Idol ko sya sa basketball and I’ll prove him wrong na mali sya ng iniisip nya sakin…” sincerely Mickey said.




Halos matunaw si Chester sa narinig, napaka humble kasi ng intention ni Mickey kung bakit pumayag sya sa hamon ni Prado.




Kitang-kita naman ni Anika ang nangyari, gusto sana nyang lapitan si Mickey ngunit masama ang titig sa kanya ni Prado.




“Ano ba yan si Ylano parang sinapian ng demonyo…” ang sabi ni Marthy, sumunod naman ang GF nya na, 
“Anika, ano bang nangyari kay Jech-jech…?”




Hindi makasagot si Anika, hating-hati sya sa nakikita, naaawa sya kay Joshua Prado dahil dinurog nya ang puso nito while naaawa din sya sa ex-boyfriend dahil nadadamay ito sa problema nilang dalawa na alam nyang sya rin ang pinag-ugatan.




Umabot na ang fifteen minute mark, dikit pa rin ang laban ngunit ngayon lamang sa score si Sy. Intensyunal naman na dinaraya ni Prado si Mickey ngunit wala naman magawa ang ibang kasama sa team, ang dalawa ay focused lang makascore, “Sige pakitaan lang pala ha…” umikot sa likod ni Prado si Mickey and mockingly he dribbled it sa likod ni Prado sabay tira ng 3-pointer.




Sigawan ang buong campus. “Mabuti nga sa kanya!” ang sabi ng isang Michael Sy fan.




“Ikaw talaga Sy… Pinag-iinit mo ang ulo ko…” so under Prado’s possession ay naghabulan ang dalawa bago pa man siya tumira ng 3 pointer ay intensyunal nyang pinatid si Sy, una ang mukha ni to sa may sahig.
Halos nag-kagulo ang lahat, pati ang team ay pilit lumapit… “Mickey…” pag-aalalang sinabi ni Anika.
Tutulungan sana ni Chester ang kaibigan ng inawat sya ni Prado, “walang lalapit, kundi kayo ang tatamaan ng lintik sakin.”




Sumenyas lang si Mickey na okay sya, ngunit laking bigla ng lahat ng dumudugo ang mukha nito. Pumutok ang mapupulang labi ni Mickey.




“Boooooooo!...” sigaw ng mga Michael Sy fans. Protesta nila against kay Prado.




“Chester I’ll be okay sige tuloy lang…” at pinilit pa rin nyang tumayo kahit na ramdam nya ang sakit sa mukha at sa kanyang paa.




“Ibang klase ka rin ano? At di ka talaga susuko… This time tatalunin kita…” angas na sinabi ni Jech Jech Prado.




Sa pag kakataong yun ay dinura ni Sy ang dugo galing sa kanyang bibig at pinunasan ito ng suot na puting T-shirt, “at para saan Prado? Tatalunin mo ako para saan? Ako, I’ll make a point to you na mananalo ako dahil hindi sa gusto kitang talunin, kung hindi dahil tinuring kitang kaibigan. Take my word for it, ang mga tunay na mag-kakaibigan, walang gaguhan.” And from that point galit na rin si Michael Sy.
Bumuhos pa ang ilang 3 pointer sa magkatunggali. Bagamat pagod ay bumabawi si Mickey na habulin ito sa kombinasyon ng 3 pointers and lay-ups. At the last part of the game lamang ng 1 point si Prado, ang possession pa ng bola ay sa kanya. Last 17.5 seconds.


Nag-titigan ang dalawa. It is now or never, kung kanina ay rinig na rinig ang dagungdong ng ingay mula sa mga manoonood ngayon ang tanging narinig lang ay ang bawal pag dribble ni Prado sa hawak na bola.




“Mananalo ako Prado, for old times sake…” sincerely Mickey told him.




“Tignan na lang natin…” at ng akmang ishoshoot na ni Prado ang bola un naman ang bilis ni Mickey na inagaw ito sa kanya.




12.5 seconds





Tumakbo ito mula sa kabilang ring to the other side, binuhos na nya ang buo nyang lakas, alam nya na bibigay na ang kanyang katawan at ang kanyang mga paa…




Akala ng marami ay tatapusin ni Mickey ang laro sa isang 3 pointer or lay-up laking gulat nila ng buong pwersa nyang ginamit ang dating sprained na paa at buong taas na tumalon for a Slam Dunk. And he scored!
3.8 seconds, mabilis si Prado, nakuha nya ang bola, buong lakas na ibinato ito from Mickey’s side at pilit inihabol sa time,




0.0 tumunog na ang timer bago pa umabot ang last shot ni Prado ng bola.




Napatayo lang sya sa kinatatayuan, walang naririning, sinamsam ang bawat salita ni Mickey tungkol sa pag-kakaibigan.




Hindi napansin ni Prado na nagkakagulo sa side ng ring ni Mickey. Mr. Sy fell flat in the ground, naitukod pa nya ang kanyang kanang kamay sa pagbagsak.




Lumapit ang lahat ng Quicksilvers team, at ang mga fans na nanunuod, Michael Sy was in terrible pain, unang unang lumapit ang nagreferee na si Chester, ng mapansin nya na lumapit din si Anika,




“Anika, I think it would be better if si Prado ang lalapitan mo…” paalala nito sa cheerleading head, napapiyok naman ang babae at palunok na sinabi, “Sorry…” sabay haripas ng takbo.




Tamang-tama naman ang pagdating nina coach Leon at Cap Helguera.




“What’s the meaning of this?” and with all his cool ay lumapit ito sa team, ng nakita ang nangyari ay sumigaw si coach sa lahat ng nanuod, “Scram!”




At nag takbuhan ang lahat ng nanunuod palabas ng gymnasium.




On the other hand, nakatayo pa rin si Prado sa same spot kung saan sya nakatayo kanina pa, nirerealize ang isang pag-kakamali na kanya na namang ginawa, ng maramdaman nya ang isang kamay na pumatong sa kanyang balikat.




“Jechs…” si Anika yun ang pinag-mulan ng puot sa kanyang puso. At ng puntong yun ay tumulo ang isang patak ng luha sa kanyang mga mata.




Sa pinag-halong sama ng loob at galit ay itinaboy nya ang mga kamay ni Anika at tumakbo ito paalis. While ang naiwang girlfriend ay naiwan doon na lumuluha.




“Prado!” sigaw ni coach Leon,




“Nasaan na si Prado?” tanong ni Cap Jason.




Ngunit hindi na nila ito inabutan.




~*~



Kinagabihan kumalat ang video ng laban nina Michael Sy at Joshua Jech Jech Prado partikular sa Youtube at tinawag nila itong “The ADLU Black Friday” umani ng magkahalong paghanga at pagbatikos ang laban nilang ito, ngunit mas nangibabaw ang pagpuri sa hindi sumukong si Michael Sy. Nagtatanong lamang ang karamihan kung bakit kailangan niyang isakripisyo ang sarili at hayaan masaktan lamang ito kapalit ang pangarap na ikatlong titulo sa UAAP. Kung alam lang nila ang tunay na dahilan ay tyak na mawawala ang agam-agam ng nagtatanong. Sa ibang team maaring oportunidad ang nangyari dahil nabawasan ang kanilang team ng mag-lalaro sa mga nalalabing qualifying games, ngunit para kay Michael Sy sa kanyang puso ay naparating nya sa humamong katunggali o kaibigan na si Joshua Prado na for all this time, hindi sya ginago nito.




Samantala ilang araw na namang namalagi si Mickey sa ospital, maswerte pa rin ang star jock ng ADLU team at walang nabali na buto at puro pamamaga at sprain ang nangyari a kanya.




“Mickey ano ba ito, napapadalas na yata ang pag kakaospital mo, dito ka na lang kaya tumira?” biro ng kanyang tiyahin na si Aunt Nina.




Bumulong naman itong sinabi, “Kung pwede lang eh… Hehe…” tawa ni Michael.




“Huh? Anong sabi mo?” ang sabi ng doctor na tiyahin.




“Sabi ko po, salamat at dadalhin nyo ako sa kwarto ni David…” palusot ni Mickey.




“Eh ikaw naman kasi di mo pa mahintay ang nurse mo, at alam mo naman super lakas mo sakin…” at inihatid ni Nina ang kanyang pamangkin patungo sa kwarto ni David.




Ng mapansin ni Mickey sa may pintuan ang isang lalaking nakahoodie na may itinatanong sa may nurse, namukhaan nya ito from the last time.


Ng napansin ng lalaki na tinitignan sya ni Mickey ay tumungo ito sa direksyon palabas sa dadaanan din nina Aunt Nina. Ginamit ni Sy ang kamay na hindi injured at inabot ang braso ng lalaki, “Pare…” at nagkatitigan ang dalawa, wari ba nakipag usap ang mata nito na wag syang hawakan ay bumitiw na si Mickey. At dali-daling itong humarurot ng alis.




Tinanong naman ni Dr. Nina Ricafuente ang attending nurse, “Do you know that guy that you are talking to earlier…?”




Nagpaliwanag naman ang babaeng nurse, “Yes Doktora, matagal na po syang bumibista rito. Ang pakilala nya kay doc malayong kamag-anak daw kaya hinahayaan naman po namin sya na bisitahin ang pasyente.”




“Pero, wala pong kamag-anak si David sa pag-kakaalam ko…” nasabi tuloy ni Mickey.




“Nurse next time, mag-ask muna kayo ng ID bago nyo papayagan ang isang tao na bumisita. Pero ilang beses na syang nakakabisita. Bakit di ko nalaman ito? Kung sabagay di naman ako ang attending physician ni David at mukha namang walang masamang ginawa kung sino mang-kamag anak nya na yun…” konklusion ni Nina.




At iniwan naman ng doktora ang pamangkin sa silid ni David na ngayon ay nasa coma pa rin, kukuha lang sya ng masarap nilang mahahapunan kaya naiwan lang nya si David at Mickey sa kwarto, hindi naman maalis sa isip ni Mickey ang lalaking bumisita kani-kanina lang.




Just like the last time nung bumisita ung same guy na iyon ay mukhang malungkot na naman ang mukha ni David.




“Kailan ka kaya magigising?” bulong ni Mickey sa kasamang nakaratay sa kama. “Sana on that very day na magising ka ay nandoon ako. First is to apologize sa ginawa ko sayo and more importantly, that would be the time na…” he was about to finish his sentence ng napansin nya ang side table ni David na mas marami pa yata ang well wishers na dumating at nag uumapaw na ang messages sa corkboard nya. Ng may umagaw ng pansin sa mga mata ni Mickey, natatabunan ng mga post its ay isang puting envelope. Akmang aabutin na sana nya ito ng,




“Iho, nandoon na sa kwarto mo ung pinadeliver kong pag-kain. So pwede naman na tayo siguro bumalik?” paliwanag ni doktora Nina sa kanya.


Syempre hindi na nag-atubili ang isa, sumama na ito sa kanyang tiyahin. Sa mga susunod pang mga araw ay matatabunan ng matatabunan na ang envelope na iyon ng iba pang mga messages hanggang sa hindi na ito maalala pa ni Mickey hanggang sa isang nakatakdang araw.
Samantala sa hospital room ni Mickey, ay tinutulungan naman sya makakain ng kanyang mabait na tiyahin na si Nina.




“Mickey, ano ba yung video na kumakalat sa Youtube… And ever since ng na-admit ka sa ospital hindi mo pa naikukwento sa akin kung ano ba ang nangyari sayo…” pag-aalala na sinabi ng pinakamamahal nyang Tita.




Ngumiti lang si Mickey, and he just gave her a brief answer na, “Tita okay na, I just made a point that day and feeling ko baka may magbago na… Who knows… Kailangan ko lang din gawin yun para sa sarili ko. Para ma prove ko rin sa sarili ko na I have already moved on…”




Naiiyak na sumagot si Nina, “But look at you… Do you think it is all worth it?”




Napagkagat ng kanyang labi si Mickey at buong paninindigan nyang sinabi na it, “Actually it is… It is all worth it…”




At niyakap ni Dr. Ricafuente ang mahal na mahal nyang pamangkin.




Dumating ang ilang araw at doon na rin ginawa ni Mickey ang therapy. Masaya naman sya at dahil nadadalaw nya si David halos araw-araw. Parang kasi silang mag-kapitbahay.




Isang araw ng bumisita si Chester sa kanya.




“Ches… Okay lang ba, samahan mo akong dalawin si David today?” medyo naigagalaw na ni Mickey ang kanyang mga kamay by that time.




Syempre bahagyang nagselos na naman ang best friend nyang si Chester ngunit wala naman itong magagawa. On the way there ikinuwento naman ni Chester ang status ng team.




“Prado was suspended sa next game kaya di sya nakapag-laro, medyo struggle sa team yung laban, buti na lang at nahabol naman yung points, the next game ayun nakabalik na si Prado. Pero parang walang nangyari, sisipot lang sya tapos aalis lang din. Kahit nga kina coach di sya masyadong nakikipag-usap… Buti na lang kahit medyo malayo sya sa amin ay nanalo ang team sa mga sumunod na games natin” kwento ni Ylano.




“Ahh it is nice to hear at nakabalik na rin si Jech-jech sa team… Good for him… Kaya na pala ng team kahit wala ako…” and Mickey just smiled of that said news na narinig nya kay Chester.




Si Chester naman ay manghang mangha on how down to earth his best friend is. Miss na miss na rin kaya nya ang kanyang partner in crime, and secret crush.




“Eh ikaw, kailan ka babalik? I just hope in the next games bago man lang matapos ung qualifiers makahabol ka pa…  Syempre kailangan ka ng ating team.” Chester stated.




Sy responded by saying, “Sabi ng therapist ko ilang days or weeks siguro pwede nakong bumalik provided na mag-ingat ingat lang daw, kasi pag ligaments ko na ang nagkapromblema, iba ng istorya yun… Kaya humanda ka Ylano we’ll be playing some balls very soon! Hahaha!”




At sabay nagtawanan ang dalawa habang papasok na sila sa kwarto ni David, ng laking gulat ni Ylano,
“Ikaw?”




“Yeah ako nga…” si Allen yun at bumibisita sya kay David.




“At magkakilala na kayong dalawa?” pagtataka ni Mickey, and then he realized, “Ay oo nga pala napakilala ko na kayo sa isat isa… Eh bakit parang gulat na gulat ka Chester…”




“Ah eh wala… Syempre tagal na rin since huli kaming nagkita…” palusot ni Ylano, just last weekend nandun sya sa place ni Allen and they had sex there.




“Biglaan naman ang punta ko rito… Alam mo naman marami din kasi nangangamusta sa kaibigan namin na itong si David. Good thing nga magaganda ang balita na nakukuha ko sa mga doctor like his vital signs. At mukhang nag rerespond naman na sya sa kanyang mga treatments…” paliwanag nito.




“Yup yun din ang balita sakin ni tita Nina… Anytime soon there might be a chance na magising sya. Kasi lumalaban naman si David…” at lumapit na naman si Mickey kay David, naramdaman nya na ngayon ay maiinit na ang mga kamay nito. “You seem okay today and mukhang maaliwalas ang mukha mo ngayon…” bati ni Mickey. Hindi naman nya pansin na nagmamaktol si Chester sa likuran nya, kaya sinenyasan sya ni Allen na lumabas muna.




“Ei Mickey I’ll just get some coffee at the vendo machine, ikaw? Would you like to have some hot choco?” alok nito.

“Sige Chester, one hot choco for me…” at sumang-ayon naman ang kanyang best buddy.




“Ei Michael sasabay nako kay Mr. Ylano, may meeting din kasi ako ng around 5pm, hey see you around…” paalam nito.





At sabay na lumabas ang dalawa ng kwarto, pagkalabas na pagkalabas ay hinalikan ni Allen si Chester sa may hallway.


“Hey hey hey, not here…” paalala ni Ylano kay Allen.




“Eh wala naman tao. And besides I missed you…” paliwanag ni Mr. Marciano.




“We just had sex last weekend, miss mo na kagad ako? And besides baka lumabas si Mickey makita pa nya yung ginagawa natin?” Chester reiterated.




“Makita eh so what? It is so obvious na gustong gusto na ni Mickey si David, nakita mo ba ung mga hawak nya at kung paano ito makipag usap rito??” Allen pointed out to him.




“Gusto? So you are saying ang competition ko pa is a guy in a coma, na hindi pa natin alam kung kailan magigising?” natanto ni Ylano.





“Tumpak! And the sad thing is hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon ni David pag-gising nito.” Konklusyon ni Allen.




Tama naman ang dalawang Fuck Buddies, kahit si Mickey ay may feeling or may mga katanungan din sa sarili, na mga what ifs. Ngunit mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang isang di maipaliwanag na overwhelming feeling.




~*~



Mas mabuti na si Michael Sy ngayon, at least sya na ang nagpapatakbo ng kanyang wheelchair.




Ang nakakatuwa pa ay kung ano anong mga tricks pa ang natutunan nya using a wheelchair, courtesy of course ng Youtube.




“Oh ano na namang pauso yan Mickey?” natanong ni Chester, sya kasi ang sumundo rito para maihatid pauwi ng kanilang bahay.




“Ewan ko ba dyan sa pamangkin ko, na bored yata rito sa ospital, kaya nilabas ang boredom sa pag aaral ng tricks… Haha…” natawang sinabi ni Dra. Ricafuente.





“Masaya naman ha? Mas challenging nga ito eh…” nasabi ni Mickey sa dalawa.




As usual bago umalis ng ospital ay nakiusap si Mickey na idaan muna sya kay David upang makapag paalam.




And as usual, walang magawa si Chester about it, “Iba ka talaga David, ano bang ginawa mo sa Mickey ko?” nasabi na naman nya sa kanyang sarili.




Sa kwarto ni David ayun nag pasiklab si Sy ng kung ano anong stunts using a wheel chair na nakuha nya sa Youtube.




“Chester, please paki tignan tignan mo naman si Mickey for me, for all I know sa ginagawa nyang yan baka next week nandito na naman sya sa ospital…” pakiusap ng tiyahin ni Mickey sa kanyang kaibigan na tumugon ng, “Oo naman, syempre naman tita, ako pa ang mag susumbong sa inyo…”




Bago lisanin ang nasabing kwarto ay nag-paalam na si Mickey kay David Castillejos, “I promise you, I’ll recover in no time, and I’ll bring home the championship trophy para sayo…” at hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni David.


At inihatid na ni Chester kasama ang family driver si Mickey sa kanilang bahay. Doon na muna rin sya nag-sleep over para matulungan ang kaibigan hanggang sa makarecover ito.




Sa next game ng Quicksilvers Team ay umattend pa si Michael Sy, not as a player but someone who is on the side benches para manuod sa game play ng team.




Pero bago pa mag-simula ang laro ay bumuhos na ang pag mamahal sa kanya. Pag-labas pa lang nya sa court ay nag-hiyawan ang lahat, he was even playing like a child with the Silverbelle Girls, syempre minus si Anika dahil kararating lang nito.




“Mickey mukhang okay na okay ka na ha, athletic pa rin kahit you are in the wheel chair…” bati ng isang cheerleader.




Ng bumulong ung isang kasama “Sis, nandyan na si Anika, alam mo naman yan, let’s not mess with his so-called boys…”




“Alright sis, sige sa kanya na lahat… Sige Mickey see you around…” at nagpaalam na yung dalawa. Halos narinig naman ni Michael Sy ang sinabi ng dalawa.




Ng dumaan si Anika, syempre binati nya naman si Mr. Nice guy, “Good Morning, I’ve heard you are doing well…”




Tumungo naman ito sign na inaacknowledge nya ang sinabi ni ex-GF nya, he responded, “Salamat, yes I am better now…”




At mukhang alarmed dali daling umalis si Anika, dahil kararating lang ni Jech-jech Prado, it was the first time na nagkita ulit sila since nangyari ung gulo sa team last time, parang walang nangyari ay pumunta na si Prado sa warm up exercises.




“Ui Chester, hiwalay na ba sina Prado at Anika? And si Sy nagkabalikan na ba sila?” patagong tinanong ni AJ Agaton sa best friend ni Mickey.




“Kalalaking tao napaka chismoso. Syempre kami muna bago sila ni Anika” Chester said to himself, pero napilitan pa rin syang sumagot, “I don’t think so, alam ko may iba ng nagugustuhan si Mickey…” nadulas naman si Chester sa nasabi.




“Ahh totoo ba yan? Share mo naman kung sino tol’” pakiusap ni AJ sa kanya.




Doon na napuno si Chester at pilit lumayo sa team mate.




“Suplado, damot…” pag hihumutok ni Agaton.




Kakalat ang sinabi ni Chester na iyon hanggang makarating kay Anika,




Yung dalawang cheerer kanina, nag-uusap, “Oo sabi ni AJ kanina, may gusto na raw na iba si Mickey.”




“Ayy salamat, at hindi na si Anika, di naman kaya ikaw o ako yun sis…” kilig na sinabi ng isa.




Narinig syempre ni Anika ang pinag-uusapan, “Kung mag-dadaldalan lang, wag na dito kasi kailangan mag focus sa routine…” parinig ng head cheerleader.




“Party pooper talaga itong babaeng to…” bulong nung isa sa cheerleader wala naman silang magawa kundi ang sumunod.




Nabahala si Anika sa mga narining na balita, ngayon nakita na naman nya sa isang court ang dalawang lalaking malapit sa kanya. Ang masama pa, nakita pa sya ni Prado na tumitingin sya kay Mickey.




Umalis na lang sandali si Prado upang mag-palamig sa labas. Pag-balik nya, duguan ang kamay nito at may balot ng towel ang kamay.


“Oh ano nangyari sa kamay mo?” tanong ni Cap Jason Helguera.




“Wala to, kaya ko pa mag laro cap…” bruskong sagot ni Jech-jech.




At nag-simula na ang game. Naisip ni Mickey na isa itong magandang pag-kakataon para makapag-observe. Ngayon lang kasi sya magiging expectator sa isa sa mga games nila na usually kasama sya sa laro. Tingin nya kung ano man ang matutunan nya ngayon at sa mga susunod pa ay magagamit nya sa Finals ng game.
Hindi naging maganda ang simula ng laro ng Quicksilver Team, naungusan sila ng malaki ng kalabang team, dismayado ang mga fans dahil baka ngayon pa mangyari ang di nilang inaasahan na unang talo ng team. Pansin naman ni Mickey na mukhang hirap si Prado ngayon, at dahil nga sa nasabing injury.




He then suggested discreetly kay Cap Jason na i-pull out si Prado para makapagpahinga ito at maiayos ang kanyang namamagang kamay.  Wala naman nagawa si Jech dahil si coach na ang nag utos na magpahinga muna ito.




Bahagyang nakahabol ang team ng ilang points ngunit hindi pa ito sapat para masigurado ang panalo, lalo pa at nasa huling part na sila ng last quarter ng basketball game. Namumuo ang tension sa loob ng court.




“Coach ipasok nyo nako…” pakiusap ni Prado.




Ngunit hindi pa rin natinag si Coach Leon, para kasi sa kanya may tamang timing syang dapat sundan.




Ilang minuto na lang bago matapos ang last quarter. Tumawag ng time-out si Coach Leon, may pinaplano ito,




“Sy halika, lumapit ka rito…” pakiusap ni coach, at lumapit naman ang batang Sy.




“Kanina ko pang napansin na matyagang nagmamasid si Sy sa game nyo. Sy take charge, you lead the team, kaw ang mag coach, lahat kayo makinig kay Sy…” utos ni Leon, nagulat ang lahat ng team mates kahit na si assistant coach Bong Aguila, “Leon, risk na naman itong ginagawa mo…”




“I know it is a risk pero alam ko it will pay off, malaki na ang ipinuhunan ni Prado sa game na ito, kaya he has nothing to loose kung makikinig sya kay Sy. Na kahit hindi nakakapaglaro ay malaki pa rin ang makokontribute sa team mates nya…” buong tiwala na sinabi ng head coach ng ADLU basketball Team.




In the end tama naman ang naging desisyon ng coach, at nakinig naman ang lahat pati si Prado sa mga nasabi ni Mickey, there is no time to lose at kailangan na nilang kainin ang kani-kanilang mga pride, “So malinaw ba team? Go go go, Quicksilvers!” sigaw ni Mickey sa huli, at mukhang nabuhayan ang loob ang buong basketball team.




Naging solid ang depensa ng team, kaya nahirapan ng maka score ulit ang kalaban, doble kayod naman sila sa offense para maka score… In no time na habol nila ang kalaban with all their fluidity. 1 point na lang ang lead ng kalaban.




Now comes the last few seconds, Prado made a 3 pointer pero pumitik ang sakit sa kanyang kamay. Tumama ang bola sa ring tumalbog ito, for all they know tapos na ang lahat para sa kanilang team ng laking gulat ng lahat ng hinabol ni AJ Agaton ang rebound, and he made a slam dunk. And he scored! Ang last score was, 96-95 in favor of the ADLU basketball team.


At nagsaya ang lahat, di pa nababali ang winning streak ng Quicksilvers team, pati ang fans ay nagkakagulo sa nangyari.




“Good game team! Great job AJ!” bati ni Mickey.




Napansin naman nila na umalis na kagad si Prado.




Ng lumapit naman ang magagandang cheerleader sa bago nilang hero na si AJ Agaton, “AJ, trending ka sa twitter ngayon…” bati ng isa sa magagandang dilag.




“Mickey ganito pala yun feeling, ngayon may kompetisyon na kayo ni Prado… Hahaha!” biro ni Agaton.




“Gunggong, chamba lang yun tol” sabay batok ni Marthy sa kaibigan.




Nag-tawanan ang lahat, pero feeling nila it is time for a celebration, kasi bumalik na ulit ang sigla ng team.




“Guys open ang place ko… Doon tayo sa pad! Free beer for everyone!” imbita ni Drake Parker, ang kanilang foreign co-team player, sa ika fourth year nya ay natuto na ito mag-tagalog.




Sumama ang buong team pati na rin sina coach at ang Silverbelle Girls maliban ka Prado, na mukhang nag mumukmok pa rin sa sitwasyon nila ni Anika.




“Ano ang ginagawa ni Anika rito?” tanong ng isang cheerleader na si Marj.




“Eh ano pa? E di sumusunod kay Mickey…” konklusyon ng isa pang cheerer na si Diane.




“Di na nahiya, di ba sila pa ni Jech-jech… Lahat na lang gusto nyang angkinin, baka buong basketball team gusto nya na sa kanya…” reklamo ni Marj.




Napadaan lang si Chester sa mga nag uusap na girls at nakita si Anika sa isang sulok, walang makausap. 




Napailing na lang ito, sa pinag halong awa at the same time ay inis. “In the first place hindi naman magkakaganito kung di mo hiniwalayan si Mickey noon…”




At tinungo na ni Mr. Ylano si associate assistant coach Michael Sy, coach ang biru biruang tawag nila ngayon sa kanya. Inabutan nya ng isang basong juice ang kaibigan.




“Chester, no liquor for me tonight alright? Para bumilis ang pag-galing ko…” paalala ni Mr. Nice guy.




“Syempre wala, pagalitan pako ni Tita Nina at pinainum kita… Hahaha!” tugon nito.




Napansin naman nila na popular si AJ Agaton sa mga kababaihan ng gabing yun.




“Tignan mo ang mokong, tuwang-tuwa…” sabi ni JM Roda isa pa rin sa mga players ADLU.




“Hayaan mo na, ng malihis naman sa kanya at medyo nauumay nako sa mga babae… Hahaha!”  biro ni Mickey Sy.




“The great Michael Sy umay sa mga babae how come?” the power forward Raffy Chua said.




“Ikaw ba naman, hindi mo mareplyan lahat ng twitter followers mo. And ang daming friend request sa FB, sino ba ang hindi mauumay… Haha!” sagot ni Mickey sa kanya.




“Kungsabay…” pag-sang ayon ni Cap Jason sa mga ito. Totoo namang ang pagiging isang basketball player is something na minsan ay nagiging out of hand, dahil at some point nararating din nila ang celebrity status. 




Lahat sila ay umagree kay Sy dahil ganun din ang nangyayari sa kani-kanilang mg social media sites. Para bang wala na silang laya.




Lumapit naman ang dalawang coach sa kanila, sina coach Leon at assistant coach Bong. “So team mauna na kami, may meeting ang academe tomorrow. We’ll be meeting about sa ad campaign ng school natin. Kaya enjoy nyo lang yung party tutal weekend naman team.” Sabi ni coach Bong




“Team congratulations… You do really make me proud…” ang huling mensahe ni coach Leon, something na madalang nyang sabihin, pero pag sinabi nya ito this time kasi he really meant it.
Ilang oras pa ang lumipas napadami na ang inom ni AJ Agaton, lunod sa kasikatan at sa alak, kaya ayon bagsak sa sofang kinahihigaan. While ang ibang team members ayun nag lalaro ng card games at yung iba Wii.




“Chester sayaw tayo…” aya ni Marj.  Madaling tumanggi ang basketball jock dahil nahihiya ito, pero wala syang nagawa dahil napilit rin sya nito.




Si Marj ang pumili ng kanta. “On The Floor” by Jennifer Lopez.


Umpisa pa lang parang kita na na may tama si Chester sa alak, ngunit ginulat nya ang lahat sa kalagitnaan ng kanta. Ang galing pala nitong sumayaw. Sigawan ang lahat!




Pagod na pagod si Chester after that, “mukhang dapat sa cheerdance ka dapat sumali tsong…” bati ni Cap Jason.




“Oo nga Ches… Haha that would be awesome, cheerleader na basketball player pa…” sabi ni Diane.
Medyo lango na ito sa alak ng sumagot, “Hindi ba pwedeng mag-karoon ng hidden talent? Haha!” tawa ni Chester ng maramdaman niyang may lalabas sa kanyang bibig ay nagtatakbo ito sa kusina.




Mamaya maya pa ng sina Diane at Marj na ang gagamit ng gaming consul para sa susunod na sayaw.




“Hey bitches, ako naman okay? Pansin ko puro kayo na lang ang flirt ng flirt ha? Ako naman, sasayaw…” si Anika yun, mukhang lasing na rin ang head cheerleader at student council president at mukhang wala na sya sa sarili.




“And look who’s talking…” patutsada ni Marj.



“Hey bitch, anong pinag sasabi mo, kung hindi dahil sa ate mo hindi kita ipapasok sa team…” pag papahiya ni Anika kay Marj, napansin naman ng mga boys na nagpangabot na ang dalawa kaya inawat na nila ito. Tumakbo paalis ang isa paalis ng pad ni Drake.


Nagulat sila ng napatayo si Mickey sa kinauupuang wheel chair. Kahit yung lasing na na si Anika medyo nagulat.




“Guys nakakatayo na talaga ako, pero di pako masyado makalakad…” paliwanag nito, “Drake can you get me some hot water and towel please?” pakiusap ni Mickey.




Inihiga naman nila sa may malaking lounge chair si Anika at doon nilapatan ng lunas ni Mickey. Malabo labo pa ang paningin ni Anika ng maalala nya ang nakaraan nila. Sa totoo lang sobrang lapit nila sa isa’t isa na dahil dumarating sila minsan sa ganitong point noong sila ay magkapareha pa. Marami din kasing problema sa pamilya si Anika, kaya si Mickey lang ang naging sumbungan nito, minsan they hang out na sila lang, at napaparami ang inom ng kanyang girlfriend, pag ganoon ang nangyari ay lilimitahan nya ang pag inom, para maasikaso nya ito. Something na namimiss na ni Anika sa dating nobyo.


“Mickey, kasalanan ko, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nakipaghiwalay ako sayo…” maiyak iyak na sabi ni Anika, ngunit hindi pa rin sya kinikibo nito, “Hindi ka talaga magsasalita? Ayaw mo talaga akong kausapin…” pagmumukmok nito.


Ng biglang nagkagulo, hindi nila inaasahan dumating si Prado sa scene, “Nasaan si Anika?” tanong niya sa mga kasama, hindi naman nila maituro kung nasaan si Anika kaya dirediretso lang ito sa loob,



Aawat ang lahat, dahil ayaw nilang magkagulo, “Jech-jech wait…” habol habol ni Cap Jason si Prado.




Biglang niyakap ni Anika si Mickey, tamang tama naman na kakikita lang ni Prado ang pangyayaring ito.




Hinablot naman ni Jechjech si Anika, “Iuuwi na kita…” sabay buhat dito, pero nagpumiglas ito, nag-sisigaw, “Mickeeeeey… Mickey…”



Napatayo si Michael Sy, at inabot ang balikat ni Prado, “Jechs, please go easy with her…” pag-aalala lang niya.




Hindi na dapat mag-rereact si Jech-jech at mabilis na lang sana na aalis, ngunit puno na sya. “At nakakatayo ka na pala. Gustong gusto mo naman na sinisigaw pa ng GIRLFRIEND ko ang pangalan mo? Ano bang gusto mo? Di ka pa nadala, parang gusto mo pa yatang…” di pa tapos si Prado ng pumagitna na si Cap Jason.




“Guys, chill…” awat ni Helguera.





“Cap, pagsabihan mo yang si Sy…” at umalis na ang dalawa sa pad ni Drake.




Nakahinga naman ng maluwag ang team at hindi nag-pang abot ang dalawa.




“Muntik na yun’…” ang sabi ni JM Roda. “Oo nga, alam mo naman yun si Prado…” pag sang ayon ng isa pang player na si TJ Baraquiel.




“Guys did I miss something?” kababalik lang ni Chester, puro suka ang kanyang shirt.


“Wala, mukhang ikaw you missed to shoot your puke sa lababo…” birong sagot ni Cap Jason. At nagtawanan ang lahat sa sitwasyon ni Chester.





Napangiti rin si Mickey, ngunit di pa rin nya maalis ang pag-aalala sa dating girlfriend na si Anika.




Dahil wala na rin sa sarili si Chester ay nagpasundo na lang si Mickey sa kanilang family driver, at pinabitbit na lang ang kaibigan sa kanyang kwarto pag-dating nila sa bahay.




Nagpatulong sya kay Manang Mena para mabihisan ng malinis na damit ang may tamang si Chester.




“Truly this was a very long day, minsan napapagod nakong mag-isip ngunit I needed to be strong dahil nangako ako kay David na kakayanin ko ang lahat ng ito…” bago matulog ay nagstatus pa si Mickey sa kanyang Twitter, #tomorrowisanotherday


And indeed tomorrow is another day, ginising si Mickey ng mga kaluskos, bahagyang hindi pa sya makakita dahil literal na medyo madilim pa sa kanyang kwarto, ng sumikat ang araw naaninagan nya ang taong ngayon ay nakaibabaw na nakatingin sa kanya… Si Chester yun, walang kagalaw galaw syang nakatitig sa mga mata ni Mickey na ngayon ay gulong gulo ang isip, hindi naman makagalaw si Sy sa kanyang pagkakahiga na animo’y napako sa kama, ng biglang hinalikan siya ni Chester sa kanyang mga labi, nagulat ito ngunit hindi sya nakalaban, hindi nya maipaliwanag ang naramdaman… There is a part of him na gustong pumiglas pero the more na iniisip nya ito ay mas lalo pang bumabaon ang mg labi ng kanyang kaibigan sa kanya. Ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata.



1... 2… 3…




Bigla na lang napabangon si Mickey sa kanyang kinahihigaan, “What the heck just happened?” at ng tinignan naman nya si Chester ay mahimbing itong natutulog sa kanyang kinahihigaan, “Am I turning into…” ang tanging nasabi ni Mr. Nice guy sa kanyang sarili.




Samantala, ang akala ni Mickey na natutulog na si Chester ay nakatingin sa may bintana, lunod na lunod sa kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.





NEXT CHAPTER:
The Accident - CHAPTER 10 - ****** For the next chapter, it is still a continuous process na pagsusulat... Update ko kayo as soon as naisulat ko na...

6 comments:

  1. Sulit ang paghihintay sana may kasunod na ang homophobic...=Dereck=

    ReplyDelete
  2. Sulit ang paghihintay sana may kasunod na ang homophobic...=Dereck=

    ReplyDelete
  3. googogogo mr author

    ReplyDelete
  4. Why iba pag ikaw ang nagsulat? dont like ung isang stories mo with rouge mercado. Pls wag ka ng mag sama ng iba s stories mo pumapangit kasi mmya bka kopyahin pa nya ang mga ideas mo uso pa naman ngayun yun copy paste.
    Ur avid kissers.

    ReplyDelete
  5. thanks sa cahpter na ito good work,. pls more update..

    ReplyDelete
  6. Mukang bc ka balita ko wala na kayu ni mark sayang nman cute pa naman kayung dlawa and mahal nyo ang isat isa anong nangyari ba may 3rd party ba? Ikaw o siya?

    ReplyDelete