Pag-sakay sa sasakyan,
tahimik pa rin ito. Pagod din si Prado kaya he doesn’t want to have a
confrontation between the two of them.
Pero wala sa sarili si
Anika, ipapasok na nya ang susi sa sasakyan ng sa hindi maipaliwanag na dahilan
ay hindi nya ito maipasok, in the end she snapped started to shout, nag iiyak
at ibinato ang susi sa windshield ng saksakyan.
And out of nowhere,
hinalikan sya ni Prado, to his surprise sinampal sya ni Anika,
“Shit Anika, what did you
just realized? Na mahal mo pa si Mickey? Na naging panakip butas mo lang ako?”
sa galit ay umalis at iniwan ni Joshua Prado si Anika sa kanyang saksakyan at
binagsak ang pinto. Naiwan naman ang nag uumiyak na head cheerleader, hindi
alam kung saan tutungo at kung ano ang gagawin.
***********
It is a good thing na
sprain lang ang inabot ni Mickey nung last game. Before leaving the hospital
dumaan muna si Mickey sa kwarto ni David.
Malapit na sya sa kwarto
ng may lumabas na hooded man sa pintuan ng silid ng silid ng pasyente, it was
not Adam or Allen, hindi nya naaninag ang mukha nito dahil sa sobrang bilis
nitong lumayo.
Susubukan sana nitong
habulin ito but he can’t, may saklay pa ngang hawak si Mickey paalis ng kanyang
kwarto. So hindi nya na lang ito inintindi at pumasok na lang sa kwarto ni
David.
“Ilang games na lang and
we are now headed into the championships. Mas ganado ako sa game ko ngayon, all
thanks to you. First time to, tuloy tuloy ang panalo namin.” And as usual
hinahaplos na naman nya ang mga kamay nito. He noticed something seemingly odd
with David, “Mukhang malungkot ka yata ngayon? Next time that I’ll be here
maybe I’ll cheer you up”.
Sinundo naman siya ng
kanyang best buddy na si Chester at sumakay sa sumundong sasakyan sa kanila.
“Doon ka na mag dinner sa
amin” Mickey suggested to his best buddy.
“Sige that is a good a
idea, matagal na rin akong di nakakain ng masarap na luto ni Manang Mena” as
Chester agreed with what Mickey told him.
After having a delectable
dinner ay sinamahan naman ni Chester ang kaibigan sa kanyang kwarto. Sinalubong
naman sila ng alagang aso ni Mickey na si King.
“Ang laki laki na nya…”
tuwang tuwa si Chester at hinimas himas ito. Tuwang tuwa rin ang kanyang kalooban
at dahil kasama nya sa iisang kwarto ang kanyang kaibigan na si Michael.
“Ches, I’ll just lounge
here on my bed, kaw na muna ang bahala kung ano ang gusto mong gawin dyan. As
usual if gusto mong mag sleep over, you can use the guest room.” Paanyaya ni
Mickey.
“Hehe, guest room? Kahit
naman noon hindi ako natulog sa guest room. Dating gawi, pwede nako sa sahig,
kumot at kaunting unan lang ako. Ang lambot kaya nitong carpet nyo, ang bango
pa.” sabi nito, sa isip isip nya, “Sana nga tabi na lang tayo…” at napa-iling
na lang si Chester.
Gumamit muna sandali si
Chester ng laptop ni Mickey, to check his Facebook account. As usual ang dami
na naman nyang messages and friend request from female admirers.
“Nasaan na ba ang guy
admirers when you needed them?” ang sabi nito sa sarili.
“Busy na busy ha? Tyak
dami ka na namang girl suitors?” tanong ni Mickey.
“Hahaha…” natawa si Ches,
“Hindi naman masyado”
“Kasi naman mag
girlfriend na… Para masipat kung bagay kayo… At pag hindi agawin ko na lang
sayo” biro nito sa kaibigan.
“Pwede bang ako na lang
agawin mo?” blurted ni Chester.
“What?” naguluhan si
Mickey sa narinig nito.
“Wala ang sabi ko, sige
subukan mong agawin, tignan natin kung kaya mo.” Lihis na sagot nito.
“Haha, ako pa hinamon mo?
Anyways maiba tayo. Siguro nga okay na ito, single ako. Mukhang happy naman si
Anika kay Prado. Siguro nga hindi ko pa oras para mag ka partner, marami pa
siguro akong dapat matutunan…” pag rerealize ni Mickey.
“Hmmm… Pwede ka naman
matuto even if you are inside a relationship…” syempre pabor pa rin si Chester
na makipag relasyon ito, at pangarap nya na sana sya na lang.
“Siguro nga, pwede naman,
pero not now…” and Mickey started to yawn.
“Kasi naman ikaw, why not
start to go out, go to dates, attend ka ng mga parties. Pwede rin na soul
searching, with someone special, or pwede naman ako na lang isama mo… Tama naman
Mickey di ba?” pero walang sumagot kay Chester, “Ui Mickey…” at nakatulog na
pala ito sa kanyang pag kakahiga.
“Tsk Tsk… Kaw talaga…
Tinulugan mo talaga ako?” and then Chester realized after a long time ngayon
lang ulit sya na nakatulog ulit sa room ni Mickey, and this is the first time
na nakitulog sya na he embraced his new sexuality.
Lumapit sya sa malambing
na natutulog na mukha ni Mickey, palapit ng palapit, his lips on Mickey’s face
ng
“Aw… Aw…” tinahulan sya ng aso ni Mickey na si King na kasama nila sa may
kwarto.
“King, pati ba naman ikaw
bantay sarado ako sayo? Dapat you are on my side…” napakamot na lang si Chester
sa kanyang ulo and he decided to lay down to bed, and in time sya naman ang
nakatulog.
The next morning, hindi
napansin ni Chester na tanghali na syang nagising.
“Shoot malelate nako with
my next class…” pag mamadali nito.
Ng tinawag sya ni Mickey
na papasok na sa banyo, bahagyang nakasilip ang pwetan nito, “sabay ka na Ches,
malelate na tayo?”
Chester was in awe upon
hearing that, pero ang sabi sa sarili it would be my very chance to be with
him, pag pasok sa banyo the steam from the heated shower almost blinded him and
from nowhere hinalikan sya ni Mickey, halos malunod sya sa sa mga halik ni
Mickey at ng tubig na nagmumula sa shower.
“Ui King stop that!
Chester gising!” tawag ng kaibigan rito. Ayun at nanaginip lang pala sya at
nalulunod sya sa laway ni King na dinidilaan sya sa buong mukha. Nagising naman
ito na tila gulat na gulat.
Madali naman nakarecover
si Mickey with his injuries, pero he was still adviced by the doctor na ingatan
ang sarili.
Syempre ang usual setting
sa isang school, sama sama ang mga geeks, at kanya kanya din grupo ang mga
popular students.
And as for the jocks,
they do have this glorietta type na tambayan just across the school’s Japanese
coi pond. Yun ang tambayan ng mga pinakasikat dahil kitang kita sila lahat doon
ng buong population ng university, isama mo pa dyan na nakabandera ang dalawang
consecutive championship trophies ng basketball team, “Ang bilis ng oras ano?
After ilang weeks ng pag hahantay magiging tatlo na rin sya” tuloy ni AJ Agaton
regarding sa future nilang pagkapanalo, syempre mataas ang hopes at
expectations nya.
“Hindi ka naman masyadong
excited ha AJ?” bati ni Rahjie.
“Hehe, bakit bawal ba?
Ganyan ganyan din ung sinabi ko last year at kita mo and we got our second win…
Hindi mo naman maitatanggi Rahjs na mas okay ang game play natin ngayon di ba?”
paliwanag ni AJ.
“Sang ayon ako dyan, tama
ka naman AJ.” Ang singgit ni Raffy Chua, “Sya nga pala, nasan na ang ibang team
mates natin?”.
“May klase pa sina Drake
at Cap Jason…” paliwanag ni AJ, “Sina Marthy ayun sinundo pa ung girlfriend
nya, si Jechs wala pakong balita, pati na rin sina Mickey at Chester wala pa
rin…”
“At updated ka talaga?
Haha…” tawa ni Raffy dito.
“Ungas, syempre nag text
sila… Basa basa rin ng mobile phone tol. Oh sina Sy at Ylano na yang parating
ha?” pagtanaw nito from a distant.
“At talagang may saklay
pa?” puna ni Rahjie.
“Sabi ni coach okay ka na
raw Mickey?” napatanung tuloy si AJ.
“Ah eto ba? Wala sabi
lang ni doc, dalhin ko lang for some precaution, kung ako lang ayaw ko na, pero
mapilit si Doc, ang tita ko pati na rin si Chester…” paliwanag ni Mickey.
“Ui Chester ha, ikaw
sobrang pagke-care mo kay Mickey, wag mong sabihin na you are falling for him…”
biro ni master joker AJ Agaton.
Sinegundahan pa ito ni
Rahjie, “Don’t tell me tol’ kaw ung nababalita na…”
Hindi naman maipinta ang
mukha ni Chester upon hearing that. Syempre sabay tanggol naman ng kaibigan
nyang si Mickey, “Ui mga tol, wag naman ganyan. Si Chester parang kapatid ko na
ang turing ko dyan…”
“At kapatid talaga? Pwede
namang boyfriend? Kung yun ang sasabihin mo sa kanila I don’t give a damn kahit
apihin o asarin pa nila ako…” nasabi ni Chester sa sarili.
“Kayo naman di na mabiro,
napakaseryoso nyo mga tsong!” tugon ni AJ.
“At tyak naman akong
walang bading sa team natin. Mga barako yata to… Hahaha!” tawa ni Rahjie sabay
apir kay AJ.
“Tama ka dyan Rahj…”
pag-sangayon ng isa, “Oh, si Jech-jech yan ha… At bakit may dala dala syang
bola? May bastekball practice ba? Hindi ko dala ang practice jersey ko mga
tol’…”
Paparating nga si Mr.
Prado patungo sa kanilang pinag-kakaupuan, hindi mo maipaliwanag ang kanyang
mukha, napakaseryoso nito, sabay lapit kay Mickey, “Sy, one on one ulit… Ngayon
na… Kaya mo na ba?” sabay hagis ng bola kay Michael Sy, buti na lang at mabilis
ang reflexes nito, nabitawan nya ang saklay at nasambot ang bola. Ramdam nya
may nangyayari na naman kay Jech-jech Prado.
“Sige, game ako…” ang
tanging sinagot ni Sy kay Prado.
Kitang-kita ng lahat ang
hamon na iyon ni Jech-jech kay Mickey
“Pero Michael kagagaling
mo lang ng ospital…” pag-aalala ni Chester.
“Ches, okay nako I am
good as new…” bulong na sagot ni Mickey.
Narining naman ng ilang
tao sa glorietta ang imbitasyon ni Prado kay Sy. Kumalat ng mabilis ang balita,
kumalat ang iba’t ibang text tulad ng,
.
Before pa man sila
mag-simula has halos kalahati ng puno ang Gym ng ADLU.
“Ador, natanggap mo rin
pala yun text na yan…” ang sabi ni Marian kay baklitang columnist na si Ador.
“Palalagpasin ko ba ito? May
kumalat din na balita noon na nagtapat na yan sina Sy at Prado, pero close door
na laban yun, pero ngayon sa harap ng ng buong campus, papatunayan na nila kung
sino sa kanila ang tunay na star player…” paliwanag ni Ador,
Ng sumagot si Marian,
“Ahh may ganun na palang nangyari, so Sy-Prado 2.0 na pala ito. Pero okay na ba
si Sy? Kagagaling lang nyan sa ospital dahil sa incident last time ha?”
“Well it is time for us
to find out…” konklusion ni Ador.
“Ui Jechs ano na naman ba
ito? Okay na kayo ni Sy di ba? And besides kaagagaling lang nya sa injury and
walang bas-bas ni Cap Jason to at nina coach.” Paalala ni AJ kay Jech-jech.
“Wala sina coach may
meeting sa mga UAAP officials, si Cap Jason may exam ngayon. Kaya wag ka ng
kumontra dyan AJ.” Seriously Prado said to Agaton.
“Ui Chester di mo ba
aawatin yang dalawa?” sabi ni Rahjie rito.
“Knowing Mickey di rin
papaawat yan…” nasabi lang ni Ylano sa kanyang sarili.
Ng nilapitan ni Prado si
Ylano, “Chester ikaw muna ang mag-referee, wag na yan si AJ. Mag-sasabog na
naman yan.”
Hindi na nakapalag si
Chester Ylano at sila ay tumungo na sa game play.
“15 minute game, who ever
has the highest score wins…” ang sabi ni Chester sa kanilang dalawa.
“Make it 20…” sabi ni
Prado.
“Pero Jech-jech, si
Mickey…” hindi pa tapos si Chester ng sumingit si Sy, “Sige 20 minutes.” And
the hard headed jock agreed.
So nagsimula ang lahat sa
pag-explain ng rules, pero it seems wala naman pakialam ang dalawa. And the
next thing na nangyari was kanya kanya ng cheer ang mga estudyante sa loob ng
ADLU Gym. Kanya kanya silang bet, may maka Prado at may mga maka Sy.
Inihagis na ni Chester
ang bola para sa isang jump ball, natahimik ang mga tao sa loob ng gymnasium,
tamang tama naman na kararating lang ni Marthy Cojuangco kasama ang kanyang
cheerleader girlfriend, “Anong nangyayari dito mga pre?” kitang-kita nila ang
mataas na pag-talon ng dalawang player at sila’y manghang-mangha… Agad agad
naman nag-text ang cheerleader girlfriend ni Marthy kay Anika para ibalita ang
pangyayari.
Sa huli mas mataas ang
itinalon ni Michael Sy kay Joshua “Jech-jech” Prado, ngunit may isang di
inaasahang nangyari, napalakas din ang apak ni Sy sa kanyang paa na kagagaling
lang sa injury. Lunod ang buong gym sa excitement kaya hindi nila napansin ang
reaksyon sa mukha ni Sy. Tanging si Ylano at ang katunggali na si Prado ang
nakakita nito.
“Go Mickey!” sigawan ng
mga kabababaihan.
“Michael, kaya mo ba?”
natanong ulit ni Ylano.
“Kaya nya yan Chester,
may bayag naman lumaban yan si Sy. Takbo!” sigaw ni Jech-jech.
Sinalag naman ni Mickey
si Chester a sign na kaya pa nyang lumaban at nag tatakbo ito.
Sinubukan harangin ni
Prado si Sy ngunit mabilis si Sy, partida pa na may iniinda pa ito sa kanyang
paa.
In the end Michael has
made the first impression since sya ang nakaunang mag score. The crowd went
wild.
“Chamba!” inis na sagot
ni Prado, “Next ako naman…” and Prado made his three pointer shot.
In the next 10 minutes of
the game, dikit ang laban, ina-assess pa rin ni Mickey kung ano nga ba na naman
ang problema.
Ngayon ay mas nag-kadikit
pa sila sa agawan ng bola, “Jech, ano na naman ba ang problema?” natanong ni
Mr. Nice guy.
Tamang-tama naman na
kararating lang ni Anika sa basketball court, nakita naman sya ni Jech-jech
from a distance.
As if Prado’s alter ego
black sheep came back he answered, “Ikaw, ikaw pa rin ang problema Sy.” Sabay sapak
ng bola sa mukha ni Sy, dali dali naman ang shoot ni Prado.
Pumito si Chester ng
foul. Pumuntos sya, 2 points ang lead.
“Hayaan mo na… He wants
to play dirty. Sasabayan ko sya…” sabi ni Mickey kay Chester.
“Pero Mickey dayaan na
to…” sagot ng kaibigan.
“Chester, hindi naman
star player status ang pinag-lalabanan namin rito, gusto ko lang intindihin si
Jech-jech kasi I know he is better than this. Idol ko sya sa basketball and
I’ll prove him wrong na mali sya ng iniisip nya sakin…” sincerely Mickey said.
Halos matunaw si Chester
sa narinig, napaka humble kasi ng intention ni Mickey kung bakit pumayag sya sa
hamon ni Prado.
Kitang-kita naman ni
Anika ang nangyari, gusto sana nyang lapitan si Mickey ngunit masama ang titig
sa kanya ni Prado.
“Ano ba yan si Ylano
parang sinapian ng demonyo…” ang sabi ni Marthy, sumunod naman ang GF nya na,
“Anika, ano bang nangyari kay Jech-jech…?”
Hindi makasagot si Anika,
hating-hati sya sa nakikita, naaawa sya kay Joshua Prado dahil dinurog nya ang
puso nito while naaawa din sya sa ex-boyfriend dahil nadadamay ito sa problema
nilang dalawa na alam nyang sya rin ang pinag-ugatan.
Umabot na ang fifteen
minute mark, dikit pa rin ang laban ngunit ngayon lamang sa score si Sy. Intensyunal
naman na dinaraya ni Prado si Mickey ngunit wala naman magawa ang ibang kasama
sa team, ang dalawa ay focused lang makascore, “Sige pakitaan lang pala ha…”
umikot sa likod ni Prado si Mickey and mockingly he dribbled it sa likod ni
Prado sabay tira ng 3-pointer.
Sigawan ang buong campus.
“Mabuti nga sa kanya!” ang sabi ng isang Michael Sy fan.
“Ikaw talaga Sy…
Pinag-iinit mo ang ulo ko…” so under Prado’s possession ay naghabulan ang
dalawa bago pa man siya tumira ng 3 pointer ay intensyunal nyang pinatid si Sy,
una ang mukha ni to sa may sahig.
Halos nag-kagulo ang
lahat, pati ang team ay pilit lumapit… “Mickey…” pag-aalalang sinabi ni Anika.
Tutulungan sana ni
Chester ang kaibigan ng inawat sya ni Prado, “walang lalapit, kundi kayo ang
tatamaan ng lintik sakin.”
Sumenyas lang si Mickey
na okay sya, ngunit laking bigla ng lahat ng dumudugo ang mukha nito. Pumutok
ang mapupulang labi ni Mickey.
“Boooooooo!...” sigaw ng
mga Michael Sy fans. Protesta nila against kay Prado.
“Chester I’ll be okay
sige tuloy lang…” at pinilit pa rin nyang tumayo kahit na ramdam nya ang sakit
sa mukha at sa kanyang paa.
“Ibang klase ka rin ano?
At di ka talaga susuko… This time tatalunin kita…” angas na sinabi ni Jech Jech
Prado.
Sa pag kakataong yun ay
dinura ni Sy ang dugo galing sa kanyang bibig at pinunasan ito ng suot na
puting T-shirt, “at para saan Prado? Tatalunin mo ako para saan? Ako, I’ll make
a point to you na mananalo ako dahil hindi sa gusto kitang talunin, kung hindi
dahil tinuring kitang kaibigan. Take my word for it, ang mga tunay na
mag-kakaibigan, walang gaguhan.” And from that point galit na rin si Michael
Sy.
Bumuhos pa ang ilang 3
pointer sa magkatunggali. Bagamat pagod ay bumabawi si Mickey na habulin ito sa
kombinasyon ng 3 pointers and lay-ups. At the last part of the game lamang ng 1
point si Prado, ang possession pa ng bola ay sa kanya. Last 17.5 seconds.
Nag-titigan ang dalawa.
It is now or never, kung kanina ay rinig na rinig ang dagungdong ng ingay mula
sa mga manoonood ngayon ang tanging narinig lang ay ang bawal pag dribble ni
Prado sa hawak na bola.
“Mananalo ako Prado, for
old times sake…” sincerely Mickey told him.
“Tignan na lang natin…” at
ng akmang ishoshoot na ni Prado ang bola un naman ang bilis ni Mickey na inagaw
ito sa kanya.
12.5 seconds
Tumakbo ito mula sa
kabilang ring to the other side, binuhos na nya ang buo nyang lakas, alam nya
na bibigay na ang kanyang katawan at ang kanyang mga paa…
Akala ng marami ay
tatapusin ni Mickey ang laro sa isang 3 pointer or lay-up laking gulat nila ng
buong pwersa nyang ginamit ang dating sprained na paa at buong taas na tumalon
for a Slam Dunk. And he scored!
3.8 seconds, mabilis si
Prado, nakuha nya ang bola, buong lakas na ibinato ito from Mickey’s side at
pilit inihabol sa time,
0.0 tumunog na ang timer
bago pa umabot ang last shot ni Prado ng bola.
Napatayo lang sya sa
kinatatayuan, walang naririning, sinamsam ang bawat salita ni Mickey tungkol sa
pag-kakaibigan.
Hindi napansin ni Prado
na nagkakagulo sa side ng ring ni Mickey. Mr. Sy fell flat in the ground, naitukod
pa nya ang kanyang kanang kamay sa pagbagsak.
Lumapit ang lahat ng Quicksilvers
team, at ang mga fans na nanunuod, Michael Sy was in terrible pain, unang unang
lumapit ang nagreferee na si Chester, ng mapansin nya na lumapit din si Anika,
“Anika, I think it would
be better if si Prado ang lalapitan mo…” paalala nito sa cheerleading head,
napapiyok naman ang babae at palunok na sinabi, “Sorry…” sabay haripas ng
takbo.
Tamang-tama naman ang
pagdating nina coach Leon at Cap Helguera.
“What’s the meaning of
this?” and with all his cool ay lumapit ito sa team, ng nakita ang nangyari ay
sumigaw si coach sa lahat ng nanuod, “Scram!”
At nag takbuhan ang lahat
ng nanunuod palabas ng gymnasium.
On the other hand,
nakatayo pa rin si Prado sa same spot kung saan sya nakatayo kanina pa, nirerealize
ang isang pag-kakamali na kanya na namang ginawa, ng maramdaman nya ang isang
kamay na pumatong sa kanyang balikat.
“Jechs…” si Anika yun ang
pinag-mulan ng puot sa kanyang puso. At ng puntong yun ay tumulo ang isang
patak ng luha sa kanyang mga mata.
Sa pinag-halong sama ng
loob at galit ay itinaboy nya ang mga kamay ni Anika at tumakbo ito paalis.
While ang naiwang girlfriend ay naiwan doon na lumuluha.
“Prado!” sigaw ni coach
Leon,
“Nasaan na si Prado?”
tanong ni Cap Jason.
Ngunit hindi na nila ito
inabutan.
~*~
Kinagabihan kumalat ang
video ng laban nina Michael Sy at Joshua Jech Jech Prado partikular sa Youtube
at tinawag nila itong “The ADLU Black Friday” umani ng magkahalong paghanga at
pagbatikos ang laban nilang ito, ngunit mas nangibabaw ang pagpuri sa hindi
sumukong si Michael Sy. Nagtatanong lamang ang karamihan kung bakit kailangan
niyang isakripisyo ang sarili at hayaan masaktan lamang ito kapalit ang
pangarap na ikatlong titulo sa UAAP. Kung alam lang nila ang tunay na dahilan
ay tyak na mawawala ang agam-agam ng nagtatanong. Sa ibang team maaring
oportunidad ang nangyari dahil nabawasan ang kanilang team ng mag-lalaro sa mga
nalalabing qualifying games, ngunit para kay Michael Sy sa kanyang puso ay
naparating nya sa humamong katunggali o kaibigan na si Joshua Prado na for all
this time, hindi sya ginago nito.
Samantala ilang araw na
namang namalagi si Mickey sa ospital, maswerte pa rin ang star jock ng ADLU
team at walang nabali na buto at puro pamamaga at sprain ang nangyari a kanya.
“Mickey ano ba ito,
napapadalas na yata ang pag kakaospital mo, dito ka na lang kaya tumira?” biro
ng kanyang tiyahin na si Aunt Nina.
Bumulong naman itong
sinabi, “Kung pwede lang eh… Hehe…” tawa ni Michael.
“Huh? Anong sabi mo?” ang
sabi ng doctor na tiyahin.
“Sabi ko po, salamat at
dadalhin nyo ako sa kwarto ni David…” palusot ni Mickey.
“Eh ikaw naman kasi di mo
pa mahintay ang nurse mo, at alam mo naman super lakas mo sakin…” at inihatid
ni Nina ang kanyang pamangkin patungo sa kwarto ni David.
Ng mapansin ni Mickey sa
may pintuan ang isang lalaking nakahoodie na may itinatanong sa may nurse,
namukhaan nya ito from the last time.
Ng napansin ng lalaki na
tinitignan sya ni Mickey ay tumungo ito sa direksyon palabas sa dadaanan din
nina Aunt Nina. Ginamit ni Sy ang kamay na hindi injured at inabot ang braso ng
lalaki, “Pare…” at nagkatitigan ang dalawa, wari ba nakipag usap ang mata nito
na wag syang hawakan ay bumitiw na si Mickey. At dali-daling itong humarurot ng
alis.
Tinanong naman ni Dr.
Nina Ricafuente ang attending nurse, “Do you know that guy that you are talking
to earlier…?”
Nagpaliwanag naman ang
babaeng nurse, “Yes Doktora, matagal na po syang bumibista rito. Ang pakilala
nya kay doc malayong kamag-anak daw kaya hinahayaan naman po namin sya na bisitahin
ang pasyente.”
“Pero, wala pong
kamag-anak si David sa pag-kakaalam ko…” nasabi tuloy ni Mickey.
“Nurse next time, mag-ask
muna kayo ng ID bago nyo papayagan ang isang tao na bumisita. Pero ilang beses
na syang nakakabisita. Bakit di ko nalaman ito? Kung sabagay di naman ako ang
attending physician ni David at mukha namang walang masamang ginawa kung sino
mang-kamag anak nya na yun…” konklusion ni Nina.
At iniwan naman ng
doktora ang pamangkin sa silid ni David na ngayon ay nasa coma pa rin, kukuha
lang sya ng masarap nilang mahahapunan kaya naiwan lang nya si David at Mickey
sa kwarto, hindi naman maalis sa isip ni Mickey ang lalaking bumisita
kani-kanina lang.
Just like the last time
nung bumisita ung same guy na iyon ay mukhang malungkot na naman ang mukha ni
David.
“Kailan ka kaya
magigising?” bulong ni Mickey sa kasamang nakaratay sa kama. “Sana on that very
day na magising ka ay nandoon ako. First is to apologize sa ginawa ko sayo and
more importantly, that would be the time na…” he was about to finish his
sentence ng napansin nya ang side table ni David na mas marami pa yata ang well
wishers na dumating at nag uumapaw na ang messages sa corkboard nya. Ng may
umagaw ng pansin sa mga mata ni Mickey, natatabunan ng mga post its ay isang
puting envelope. Akmang aabutin na sana nya ito ng,
“Iho, nandoon na sa
kwarto mo ung pinadeliver kong pag-kain. So pwede naman na tayo siguro
bumalik?” paliwanag ni doktora Nina sa kanya.
Syempre hindi na
nag-atubili ang isa, sumama na ito sa kanyang tiyahin. Sa mga susunod pang mga
araw ay matatabunan ng matatabunan na ang envelope na iyon ng iba pang mga
messages hanggang sa hindi na ito maalala pa ni Mickey hanggang sa isang
nakatakdang araw.
Samantala sa hospital
room ni Mickey, ay tinutulungan naman sya makakain ng kanyang mabait na tiyahin
na si Nina.
“Mickey, ano ba yung
video na kumakalat sa Youtube… And ever since ng na-admit ka sa ospital hindi
mo pa naikukwento sa akin kung ano ba ang nangyari sayo…” pag-aalala na sinabi
ng pinakamamahal nyang Tita.
Ngumiti lang si Mickey,
and he just gave her a brief answer na, “Tita okay na, I just made a point that
day and feeling ko baka may magbago na… Who knows… Kailangan ko lang din gawin
yun para sa sarili ko. Para ma prove ko rin sa sarili ko na I have already moved
on…”
Naiiyak na sumagot si
Nina, “But look at you… Do you think it is all worth it?”
Napagkagat ng kanyang
labi si Mickey at buong paninindigan nyang sinabi na it, “Actually it is… It is
all worth it…”
At niyakap ni Dr.
Ricafuente ang mahal na mahal nyang pamangkin.
Dumating ang ilang araw
at doon na rin ginawa ni Mickey ang therapy. Masaya naman sya at dahil
nadadalaw nya si David halos araw-araw. Parang kasi silang mag-kapitbahay.
Isang araw ng bumisita si
Chester sa kanya.
“Ches… Okay lang ba,
samahan mo akong dalawin si David today?” medyo naigagalaw na ni Mickey ang
kanyang mga kamay by that time.
Syempre bahagyang
nagselos na naman ang best friend nyang si Chester ngunit wala naman itong
magagawa. On the way there ikinuwento naman ni Chester ang status ng team.
“Prado was suspended sa
next game kaya di sya nakapag-laro, medyo struggle sa team yung laban, buti na
lang at nahabol naman yung points, the next game ayun nakabalik na si Prado.
Pero parang walang nangyari, sisipot lang sya tapos aalis lang din. Kahit nga
kina coach di sya masyadong nakikipag-usap… Buti na lang kahit medyo malayo sya
sa amin ay nanalo ang team sa mga sumunod na games natin” kwento ni Ylano.
“Ahh it is nice to hear
at nakabalik na rin si Jech-jech sa team… Good for him… Kaya na pala ng team
kahit wala ako…” and Mickey just smiled of that said news na narinig nya kay
Chester.
Si Chester naman ay
manghang mangha on how down to earth his best friend is. Miss na miss na rin
kaya nya ang kanyang partner in crime, and secret crush.
“Eh ikaw, kailan ka
babalik? I just hope in the next games bago man lang matapos ung qualifiers makahabol
ka pa… Syempre kailangan ka ng ating
team.” Chester stated.
Sy responded by saying,
“Sabi ng therapist ko ilang days or weeks siguro pwede nakong bumalik provided
na mag-ingat ingat lang daw, kasi pag ligaments ko na ang nagkapromblema, iba
ng istorya yun… Kaya humanda ka Ylano we’ll be playing some balls very soon!
Hahaha!”
At sabay nagtawanan ang
dalawa habang papasok na sila sa kwarto ni David, ng laking gulat ni Ylano,
“Ikaw?”
“Yeah ako nga…” si Allen
yun at bumibisita sya kay David.
“At magkakilala na kayong
dalawa?” pagtataka ni Mickey, and then he realized, “Ay oo nga pala napakilala
ko na kayo sa isat isa… Eh bakit parang gulat na gulat ka Chester…”
“Ah eh wala… Syempre
tagal na rin since huli kaming nagkita…” palusot ni Ylano, just last weekend
nandun sya sa place ni Allen and they had sex there.
“Biglaan naman ang punta
ko rito… Alam mo naman marami din kasi nangangamusta sa kaibigan namin na itong
si David. Good thing nga magaganda ang balita na nakukuha ko sa mga doctor like
his vital signs. At mukhang nag rerespond naman na sya sa kanyang mga
treatments…” paliwanag nito.
“Yup yun din ang balita
sakin ni tita Nina… Anytime soon there might be a chance na magising sya. Kasi
lumalaban naman si David…” at lumapit na naman si Mickey kay David, naramdaman
nya na ngayon ay maiinit na ang mga kamay nito. “You seem okay today and
mukhang maaliwalas ang mukha mo ngayon…” bati ni Mickey. Hindi naman nya pansin
na nagmamaktol si Chester sa likuran nya, kaya sinenyasan sya ni Allen na
lumabas muna.
“Ei Mickey I’ll just get
some coffee at the vendo machine, ikaw? Would you like to have some hot choco?”
alok nito.
“Sige Chester, one hot
choco for me…” at sumang-ayon naman ang kanyang best buddy.
“Ei Michael sasabay nako
kay Mr. Ylano, may meeting din kasi ako ng around 5pm, hey see you around…”
paalam nito.
At sabay na lumabas ang
dalawa ng kwarto, pagkalabas na pagkalabas ay hinalikan ni Allen si Chester sa
may hallway.
“Hey hey hey, not here…”
paalala ni Ylano kay Allen.
“Eh wala naman tao. And
besides I missed you…” paliwanag ni Mr. Marciano.
“We just had sex last
weekend, miss mo na kagad ako? And besides baka lumabas si Mickey makita pa nya
yung ginagawa natin?” Chester reiterated.
“Makita eh so what? It is
so obvious na gustong gusto na ni Mickey si David, nakita mo ba ung mga hawak
nya at kung paano ito makipag usap rito??” Allen pointed out to him.
“Gusto? So you are saying
ang competition ko pa is a guy in a coma, na hindi pa natin alam kung kailan
magigising?” natanto ni Ylano.
“Tumpak! And the sad
thing is hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon ni David pag-gising
nito.” Konklusyon ni Allen.
Tama naman ang dalawang
Fuck Buddies, kahit si Mickey ay may feeling or may mga katanungan din sa
sarili, na mga what ifs. Ngunit mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang isang di
maipaliwanag na overwhelming feeling.
~*~
Mas mabuti na si Michael
Sy ngayon, at least sya na ang nagpapatakbo ng kanyang wheelchair.
Ang nakakatuwa pa ay kung
ano anong mga tricks pa ang natutunan nya using a wheelchair, courtesy of
course ng Youtube.
“Oh ano na namang pauso
yan Mickey?” natanong ni Chester, sya kasi ang sumundo rito para maihatid pauwi
ng kanilang bahay.
“Ewan ko ba dyan sa
pamangkin ko, na bored yata rito sa ospital, kaya nilabas ang boredom sa pag
aaral ng tricks… Haha…” natawang sinabi ni Dra. Ricafuente.
“Masaya naman ha? Mas
challenging nga ito eh…” nasabi ni Mickey sa dalawa.
As usual bago umalis ng
ospital ay nakiusap si Mickey na idaan muna sya kay David upang makapag paalam.
And as usual, walang
magawa si Chester about it, “Iba ka talaga David, ano bang ginawa mo sa Mickey
ko?” nasabi na naman nya sa kanyang sarili.
Sa kwarto ni David ayun
nag pasiklab si Sy ng kung ano anong stunts using a wheel chair na nakuha nya
sa Youtube.
“Chester, please paki
tignan tignan mo naman si Mickey for me, for all I know sa ginagawa nyang yan
baka next week nandito na naman sya sa ospital…” pakiusap ng tiyahin ni Mickey
sa kanyang kaibigan na tumugon ng, “Oo naman, syempre naman tita, ako pa ang
mag susumbong sa inyo…”
Bago lisanin ang nasabing
kwarto ay nag-paalam na si Mickey kay David Castillejos, “I promise you, I’ll
recover in no time, and I’ll bring home the championship trophy para sayo…” at
hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni David.
At inihatid na ni Chester
kasama ang family driver si Mickey sa kanilang bahay. Doon na muna rin sya
nag-sleep over para matulungan ang kaibigan hanggang sa makarecover ito.
Sa next game ng
Quicksilvers Team ay umattend pa si Michael Sy, not as a player but someone who
is on the side benches para manuod sa game play ng team.
Pero bago pa mag-simula
ang laro ay bumuhos na ang pag mamahal sa kanya. Pag-labas pa lang nya sa court
ay nag-hiyawan ang lahat, he was even playing like a child with the Silverbelle
Girls, syempre minus si Anika dahil kararating lang nito.
“Mickey mukhang okay na
okay ka na ha, athletic pa rin kahit you are in the wheel chair…” bati ng isang
cheerleader.
Ng bumulong ung isang
kasama “Sis, nandyan na si Anika, alam mo naman yan, let’s not mess with his
so-called boys…”
“Alright sis, sige sa
kanya na lahat… Sige Mickey see you around…” at nagpaalam na yung dalawa. Halos
narinig naman ni Michael Sy ang sinabi ng dalawa.
Ng dumaan si Anika,
syempre binati nya naman si Mr. Nice guy, “Good Morning, I’ve heard you are
doing well…”
Tumungo naman ito sign na
inaacknowledge nya ang sinabi ni ex-GF nya, he responded, “Salamat, yes I am
better now…”
At mukhang alarmed dali
daling umalis si Anika, dahil kararating lang ni Jech-jech Prado, it was the
first time na nagkita ulit sila since nangyari ung gulo sa team last time,
parang walang nangyari ay pumunta na si Prado sa warm up exercises.
“Ui Chester, hiwalay na
ba sina Prado at Anika? And si Sy nagkabalikan na ba sila?” patagong tinanong
ni AJ Agaton sa best friend ni Mickey.
“Kalalaking tao napaka
chismoso. Syempre kami muna bago sila ni Anika” Chester said to himself, pero
napilitan pa rin syang sumagot, “I don’t think so, alam ko may iba ng
nagugustuhan si Mickey…” nadulas naman si Chester sa nasabi.
“Ahh totoo ba yan? Share
mo naman kung sino tol’” pakiusap ni AJ sa kanya.
Doon na napuno si Chester
at pilit lumayo sa team mate.
“Suplado, damot…” pag
hihumutok ni Agaton.
Kakalat ang sinabi ni
Chester na iyon hanggang makarating kay Anika,
Yung dalawang cheerer
kanina, nag-uusap, “Oo sabi ni AJ kanina, may gusto na raw na iba si Mickey.”
“Ayy salamat, at hindi na
si Anika, di naman kaya ikaw o ako yun sis…” kilig na sinabi ng isa.
Narinig syempre ni Anika
ang pinag-uusapan, “Kung mag-dadaldalan lang, wag na dito kasi kailangan mag
focus sa routine…” parinig ng head cheerleader.
“Party pooper talaga
itong babaeng to…” bulong nung isa sa cheerleader wala naman silang magawa
kundi ang sumunod.
Nabahala si Anika sa mga
narining na balita, ngayon nakita na naman nya sa isang court ang dalawang
lalaking malapit sa kanya. Ang masama pa, nakita pa sya ni Prado na tumitingin sya
kay Mickey.
Umalis na lang sandali si
Prado upang mag-palamig sa labas. Pag-balik nya, duguan ang kamay nito at may
balot ng towel ang kamay.
“Oh ano nangyari sa kamay
mo?” tanong ni Cap Jason Helguera.
“Wala to, kaya ko pa mag
laro cap…” bruskong sagot ni Jech-jech.
At nag-simula na ang
game. Naisip ni Mickey na isa itong magandang pag-kakataon para
makapag-observe. Ngayon lang kasi sya magiging expectator sa isa sa mga games
nila na usually kasama sya sa laro. Tingin nya kung ano man ang matutunan nya
ngayon at sa mga susunod pa ay magagamit nya sa Finals ng game.
Hindi naging maganda ang
simula ng laro ng Quicksilver Team, naungusan sila ng malaki ng kalabang team,
dismayado ang mga fans dahil baka ngayon pa mangyari ang di nilang inaasahan na
unang talo ng team. Pansin naman ni Mickey na mukhang hirap si Prado ngayon, at
dahil nga sa nasabing injury.
He then suggested
discreetly kay Cap Jason na i-pull out si Prado para makapagpahinga ito at
maiayos ang kanyang namamagang kamay.
Wala naman nagawa si Jech dahil si coach na ang nag utos na magpahinga
muna ito.
Bahagyang nakahabol ang
team ng ilang points ngunit hindi pa ito sapat para masigurado ang panalo, lalo
pa at nasa huling part na sila ng last quarter ng basketball game. Namumuo ang
tension sa loob ng court.
“Coach ipasok nyo nako…”
pakiusap ni Prado.
Ngunit hindi pa rin
natinag si Coach Leon, para kasi sa kanya may tamang timing syang dapat sundan.
Ilang minuto na lang bago
matapos ang last quarter. Tumawag ng time-out si Coach Leon, may pinaplano ito,
“Sy halika, lumapit ka
rito…” pakiusap ni coach, at lumapit naman ang batang Sy.
“Kanina ko pang napansin
na matyagang nagmamasid si Sy sa game nyo. Sy take charge, you lead the team,
kaw ang mag coach, lahat kayo makinig kay Sy…” utos ni Leon, nagulat ang lahat
ng team mates kahit na si assistant coach Bong Aguila, “Leon, risk na naman
itong ginagawa mo…”
“I know it is a risk pero
alam ko it will pay off, malaki na ang ipinuhunan ni Prado sa game na ito, kaya
he has nothing to loose kung makikinig sya kay Sy. Na kahit hindi nakakapaglaro
ay malaki pa rin ang makokontribute sa team mates nya…” buong tiwala na sinabi
ng head coach ng ADLU basketball Team.
In the end tama naman ang
naging desisyon ng coach, at nakinig naman ang lahat pati si Prado sa mga
nasabi ni Mickey, there is no time to lose at kailangan na nilang kainin ang
kani-kanilang mga pride, “So malinaw ba team? Go go go, Quicksilvers!” sigaw ni
Mickey sa huli, at mukhang nabuhayan ang loob ang buong basketball team.
Naging solid ang depensa
ng team, kaya nahirapan ng maka score ulit ang kalaban, doble kayod naman sila
sa offense para maka score… In no time na habol nila ang kalaban with all their
fluidity. 1 point na lang ang lead ng kalaban.
Now comes the last few
seconds, Prado made a 3 pointer pero pumitik ang sakit sa kanyang kamay. Tumama
ang bola sa ring tumalbog ito, for all they know tapos na ang lahat para sa
kanilang team ng laking gulat ng lahat ng hinabol ni AJ Agaton ang rebound, and
he made a slam dunk. And he scored! Ang last score was, 96-95 in favor of the
ADLU basketball team.
At nagsaya ang lahat, di
pa nababali ang winning streak ng Quicksilvers team, pati ang fans ay
nagkakagulo sa nangyari.
“Good game team! Great
job AJ!” bati ni Mickey.
Napansin naman nila na
umalis na kagad si Prado.
Ng lumapit naman ang
magagandang cheerleader sa bago nilang hero na si AJ Agaton, “AJ, trending ka
sa twitter ngayon…” bati ng isa sa magagandang dilag.
“Mickey ganito pala yun
feeling, ngayon may kompetisyon na kayo ni Prado… Hahaha!” biro ni Agaton.
“Gunggong, chamba lang
yun tol” sabay batok ni Marthy sa kaibigan.
Nag-tawanan ang lahat,
pero feeling nila it is time for a celebration, kasi bumalik na ulit ang sigla
ng team.
“Guys open ang place ko…
Doon tayo sa pad! Free beer for everyone!” imbita ni Drake Parker, ang kanilang
foreign co-team player, sa ika fourth year nya ay natuto na ito mag-tagalog.
Sumama ang buong team
pati na rin sina coach at ang Silverbelle Girls maliban ka Prado, na mukhang
nag mumukmok pa rin sa sitwasyon nila ni Anika.
“Ano ang ginagawa ni
Anika rito?” tanong ng isang cheerleader na si Marj.
“Eh ano pa? E di
sumusunod kay Mickey…” konklusyon ng isa pang cheerer na si Diane.
“Di na nahiya, di ba sila
pa ni Jech-jech… Lahat na lang gusto nyang angkinin, baka buong basketball team
gusto nya na sa kanya…” reklamo ni Marj.
Napadaan lang si Chester
sa mga nag uusap na girls at nakita si Anika sa isang sulok, walang makausap.
Napailing na lang ito, sa pinag halong awa at the same time ay inis. “In the
first place hindi naman magkakaganito kung di mo hiniwalayan si Mickey noon…”
At tinungo na ni Mr.
Ylano si associate assistant coach Michael Sy, coach ang biru biruang tawag
nila ngayon sa kanya. Inabutan nya ng isang basong juice ang kaibigan.
“Chester, no liquor for
me tonight alright? Para bumilis ang pag-galing ko…” paalala ni Mr. Nice guy.
“Syempre wala, pagalitan
pako ni Tita Nina at pinainum kita… Hahaha!” tugon nito.
Napansin naman nila na
popular si AJ Agaton sa mga kababaihan ng gabing yun.
“Tignan mo ang mokong,
tuwang-tuwa…” sabi ni JM Roda isa pa rin sa mga players ADLU.
“Hayaan mo na, ng malihis
naman sa kanya at medyo nauumay nako sa mga babae… Hahaha!” biro ni Mickey Sy.
“The great Michael Sy
umay sa mga babae how come?” the power forward Raffy Chua said.
“Ikaw ba naman, hindi mo
mareplyan lahat ng twitter followers mo. And ang daming friend request sa FB,
sino ba ang hindi mauumay… Haha!” sagot ni Mickey sa kanya.
“Kungsabay…” pag-sang
ayon ni Cap Jason sa mga ito. Totoo namang ang pagiging isang basketball player
is something na minsan ay nagiging out of hand, dahil at some point nararating
din nila ang celebrity status.
Lahat sila ay umagree kay Sy dahil ganun din ang
nangyayari sa kani-kanilang mg social media sites. Para bang wala na silang
laya.
Lumapit naman ang
dalawang coach sa kanila, sina coach Leon at assistant coach Bong. “So team
mauna na kami, may meeting ang academe tomorrow. We’ll be meeting about sa ad
campaign ng school natin. Kaya enjoy nyo lang yung party tutal weekend naman
team.” Sabi ni coach Bong
“Team congratulations…
You do really make me proud…” ang huling mensahe ni coach Leon, something na
madalang nyang sabihin, pero pag sinabi nya ito this time kasi he really meant
it.
Ilang oras pa ang lumipas
napadami na ang inom ni AJ Agaton, lunod sa kasikatan at sa alak, kaya ayon
bagsak sa sofang kinahihigaan. While ang ibang team members ayun nag lalaro ng
card games at yung iba Wii.
“Chester sayaw tayo…” aya
ni Marj. Madaling tumanggi ang
basketball jock dahil nahihiya ito, pero wala syang nagawa dahil napilit rin
sya nito.
Si Marj ang pumili ng
kanta. “On The Floor” by Jennifer Lopez.
Umpisa pa lang parang
kita na na may tama si Chester sa alak, ngunit ginulat nya ang lahat sa kalagitnaan
ng kanta. Ang galing pala nitong sumayaw. Sigawan ang lahat!
Pagod na pagod si Chester
after that, “mukhang dapat sa cheerdance ka dapat sumali tsong…” bati ni Cap
Jason.
“Oo nga Ches… Haha that
would be awesome, cheerleader na basketball player pa…” sabi ni Diane.
Medyo lango na ito sa
alak ng sumagot, “Hindi ba pwedeng mag-karoon ng hidden talent? Haha!” tawa ni
Chester ng maramdaman niyang may lalabas sa kanyang bibig ay nagtatakbo ito sa
kusina.
Mamaya maya pa ng sina
Diane at Marj na ang gagamit ng gaming consul para sa susunod na sayaw.
“Hey bitches, ako naman
okay? Pansin ko puro kayo na lang ang flirt ng flirt ha? Ako naman, sasayaw…”
si Anika yun, mukhang lasing na rin ang head cheerleader at student council
president at mukhang wala na sya sa sarili.
“And look who’s talking…”
patutsada ni Marj.
“Hey bitch, anong pinag
sasabi mo, kung hindi dahil sa ate mo hindi kita ipapasok sa team…” pag
papahiya ni Anika kay Marj, napansin naman ng mga boys na nagpangabot na ang dalawa kaya inawat na nila ito. Tumakbo paalis ang isa paalis ng pad ni Drake.
Nagulat sila ng napatayo
si Mickey sa kinauupuang wheel chair. Kahit yung lasing na na si Anika medyo
nagulat.
“Guys nakakatayo na
talaga ako, pero di pako masyado makalakad…” paliwanag nito, “Drake can you get
me some hot water and towel please?” pakiusap ni Mickey.
Inihiga naman nila sa may
malaking lounge chair si Anika at doon nilapatan ng lunas ni Mickey. Malabo
labo pa ang paningin ni Anika ng maalala nya ang nakaraan nila. Sa totoo lang
sobrang lapit nila sa isa’t isa na dahil dumarating sila minsan sa ganitong
point noong sila ay magkapareha pa. Marami din kasing problema sa pamilya si
Anika, kaya si Mickey lang ang naging sumbungan nito, minsan they hang out na
sila lang, at napaparami ang inom ng kanyang girlfriend, pag ganoon ang
nangyari ay lilimitahan nya ang pag inom, para maasikaso nya ito. Something na
namimiss na ni Anika sa dating nobyo.
“Mickey, kasalanan ko,
ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nakipaghiwalay ako sayo…” maiyak
iyak na sabi ni Anika, ngunit hindi pa rin sya kinikibo nito, “Hindi ka talaga
magsasalita? Ayaw mo talaga akong kausapin…” pagmumukmok nito.
Ng biglang nagkagulo,
hindi nila inaasahan dumating si Prado sa scene, “Nasaan si Anika?” tanong niya
sa mga kasama, hindi naman nila maituro kung nasaan si Anika kaya dirediretso
lang ito sa loob,
Aawat ang lahat, dahil
ayaw nilang magkagulo, “Jech-jech wait…” habol habol ni Cap Jason si Prado.
Biglang niyakap ni Anika
si Mickey, tamang tama naman na kakikita lang ni Prado ang pangyayaring ito.
Hinablot naman ni
Jechjech si Anika, “Iuuwi na kita…” sabay buhat dito, pero nagpumiglas ito,
nag-sisigaw, “Mickeeeeey… Mickey…”
Napatayo si Michael Sy,
at inabot ang balikat ni Prado, “Jechs, please go easy with her…” pag-aalala
lang niya.
Hindi na dapat
mag-rereact si Jech-jech at mabilis na lang sana na aalis, ngunit puno na sya.
“At nakakatayo ka na pala. Gustong gusto mo naman na sinisigaw pa ng GIRLFRIEND
ko ang pangalan mo? Ano bang gusto mo? Di ka pa nadala, parang gusto mo pa
yatang…” di pa tapos si Prado ng pumagitna na si Cap Jason.
“Guys, chill…” awat ni
Helguera.
“Cap, pagsabihan mo yang
si Sy…” at umalis na ang dalawa sa pad ni Drake.
Nakahinga naman ng
maluwag ang team at hindi nag-pang abot ang dalawa.
“Muntik na yun’…” ang
sabi ni JM Roda. “Oo nga, alam mo naman yun si Prado…” pag sang ayon ng isa
pang player na si TJ Baraquiel.
“Guys did I miss
something?” kababalik lang ni Chester, puro suka ang kanyang shirt.
“Wala, mukhang ikaw you
missed to shoot your puke sa lababo…” birong sagot ni Cap Jason. At nagtawanan
ang lahat sa sitwasyon ni Chester.
Napangiti rin si Mickey,
ngunit di pa rin nya maalis ang pag-aalala sa dating girlfriend na si Anika.
Dahil wala na rin sa
sarili si Chester ay nagpasundo na lang si Mickey sa kanilang family driver, at
pinabitbit na lang ang kaibigan sa kanyang kwarto pag-dating nila sa bahay.
Nagpatulong sya kay
Manang Mena para mabihisan ng malinis na damit ang may tamang si Chester.
“Truly this was a very
long day, minsan napapagod nakong mag-isip ngunit I needed to be strong dahil
nangako ako kay David na kakayanin ko ang lahat ng ito…” bago matulog ay
nagstatus pa si Mickey sa kanyang Twitter, #tomorrowisanotherday
And indeed tomorrow is
another day, ginising si Mickey ng mga kaluskos, bahagyang hindi pa sya
makakita dahil literal na medyo madilim pa sa kanyang kwarto, ng sumikat ang
araw naaninagan nya ang taong ngayon ay nakaibabaw na nakatingin sa kanya… Si
Chester yun, walang kagalaw galaw syang nakatitig sa mga mata ni Mickey na
ngayon ay gulong gulo ang isip, hindi naman makagalaw si Sy sa kanyang
pagkakahiga na animo’y napako sa kama, ng biglang hinalikan siya ni Chester sa
kanyang mga labi, nagulat ito ngunit hindi sya nakalaban, hindi nya
maipaliwanag ang naramdaman… There is a part of him na gustong pumiglas pero
the more na iniisip nya ito ay mas lalo pang bumabaon ang mg labi ng kanyang
kaibigan sa kanya. Ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata.
1... 2… 3…
Bigla na lang napabangon
si Mickey sa kanyang kinahihigaan, “What the heck just happened?” at ng
tinignan naman nya si Chester ay mahimbing itong natutulog sa kanyang
kinahihigaan, “Am I turning into…” ang tanging nasabi ni Mr. Nice guy sa
kanyang sarili.
Samantala, ang akala ni
Mickey na natutulog na si Chester ay nakatingin sa may bintana, lunod na lunod
sa kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
NEXT CHAPTER:
The Accident - CHAPTER 10 - ****** For the next chapter, it is still a continuous process na pagsusulat... Update ko kayo as soon as naisulat ko na...