Friday, February 15, 2013

The Accident (CHAPTER 10)



The Accident
CHAPTER 10
Written by Adrianne Aguilar

"There are no mere accidents in life. It is just what you called destiny"

And thus, "We do make our own destiny..."

~*~



















Lumipas pa ang ilang games ng team, tuloy-tuloy naman ang mga pagkapanalo nito. Nakasaklay na si Mickey that time. Actually nakakalakad na ito. Precaution na lang yung mga dala-dala nyang saklay.




“So good work Mickey, at least that’s a good sign.” Bati ni coach Leon sa kanya.




“Oo nga and I guess, makakasama ka na sa pictorial bukas, pati na rin sa last game, and the best part of it, sa Finals…” excited na sinabi ni assistant coach Aguila.




“Pictorial po ba?” natanong ni Sy.




“Yeah pictorial… Remember yung nasabi namin na meeting about sa ad campaign ng school…” paalaala ni coach Bong sa kanya.





“Ah, oo nga po pala… Hehe, nakalimutan ko lang po may iniintindi lang din po kasi ako sa ospital.” Paliwanag ni Michael Sy sa kanila.




“Sa ospital, eh di ba pa galing ka na?” tanong ni coach Leon.





“Yup, actually po nasa last stages nako ng therapy ko. May dinadalaw lang po ako dun…” sagot ni Mr. Nice guy.





Naramdaman ng dalawang coach kung sino ang tinutukoy ng kanilang player na dinadalaw nito, “Kamusta na nga pala siya?” pag-tukoy nila kay David Castillejos. Napansin naman nila na lumiwanag ang mukha ng kanilang ace player ng kinamusta nila ito.




“Ahh, ehh… Coach okay naman po siya. Lately napapansin namin na may mga pagbabago na sa pangangatawan niya. At may mga pag-galaw na rin sa kanyang mga daliri.” Paliwanag nito sa dalawa.





Marami pang naikwento si Michael Sy tungkol kay David, at natutuwa naman ang dalawang coach sa eagerness ng batang Sy sa pag-aaruga sa isang taong hindi naman nya kilala, pero kung ituring nya ay higit pa sa isang taong matagal na nyang kakilala. Ngayon natanto nina coach Bong at Leon kung saan humuhugot ng inspirasyon si Michael “Mickey” Sy ng Quicksilvers Team ng ADLU.




~*~




Ang naging campaign ng ADLU Quicksilvers ay “The Best Defense is a Good Offense…” is the key for our 3-peat win!




Binigyan ang bawat player that day ng special edition na shirt for their pictorial. Naisip ng admin, na ayaw nila ng traditional pictorial ang gawin para sa basketball team ng ADLU. Kasi di lang naman kilala ang school sa kanilang basketball team. Kilala din sila dahil sa kanilang nag-gagandahang Silverbelles cheerleading team. 





Kaya they have decided na ipareho ang kanilang mga star jocks sa kanilang girls. Sa umpisa ay hindi kumbinsido si coach sa approach na iyon dahil na rin sa tension na nangyari with Prado and Sy, ngunit wala pa rin syang nagawa, managements orders eh. Ngunit nakiusap na lang sya sa isang kakaibang set-up.





“Draw lots ba kamo? Ewan ko sa’yo Leon, sana mag work out yan…” ang sabi ni coach Bong sa kasama.




At nagdatingan na ang team, at bumunot na ang bawat isang player.




“Oh may natira pang isa, sino pa ba ang wala rito?” ang tanong ni Cap Jason Helguera sa kanila.




“Cap, si AJ wala pa rin hanggang ngayon…” tugon ni JM Roda.




“Yun talaganag tukmol na iyon…” at napakamot si Helguera sa kanyang ulo.





“Nandito nako… Hahaha…” sabi ng isang kwelang boses.




Napatitig lang ang lahat. Si AJ Agaton yun, lahat ay nagulat sa kanilang nakita.




“Ano na naman yan AJ?” tanong ni Marthy.




“Mukha kang gago dude…” second motion ni Roda.




“Nagpakulay lang ng buhok, gago na agad? Di ba pwedeng gwapo muna? Uso ngayon to mga tsong. Ung sa kabilang university nga may kulay ang buhok, bakit di ako? Sabi ni loves bagay naman sakin…” paliwanag ng blonde na si AJ Agaton.



“Ang tanong bagay naman ba sayo?” reaksyon ni Chester. At nag tawanan ang lahat. In fairness naman kay AJ may ibubuga naman ito dahil he has the looks of a Korean superstar.




“Oh sya sya, wala na tayong magagawa dyan… Nasasayang ang oras, bago natin buksan kung sino ang cheerleader na makakapareha natin, may ipapaliwanag lang sina coach satin.” At ibinigay na nga ni Cap Jason ang pag papaliwag sa kanilang head coach na si Leon.




“So Team, good morning… So nandito tayong lahat dahil gusto nating mag contribute sa ating Alma Matter at the same time ay gusto nating makatulong sa ating sports foundation. Nasabi namin before ni coach Leon nyo na we’ll be doing this for the ad campaign of the school pero naisip din namin na isang magandang pagkakataon ito na tayo naman ang tutulong sa komunidad ng sports, we’ll be selling our very first fund raising basketball calendar and commemorative shirts…” as Leon explained it now in detail.





“Wow, calendar boys na tayo!” tuwang tuwang sinabi ni AJ Agaton.





At ng sumingit si coach Bong, “Guys… Huwag masyadong ilalagay sa mga ulo nyo ang mga nangyayari sa inyo. Basta keep it in mind na lahat ng gagawin natin ay ang pag tulong sa ating kapwa. All the proceeds ng mga calendar at ang mga shirts ay mapupunta sa ADLU Foundation for Sports Development. Kaya tandaan, always be a SPORT, alright dahil you’ll be doing it all for a great CAUSE…”




At inexplain na ng photographer ang theme ng kanilang photoshoot, it would be “The Jocks and their Trophies” meaning the Silverbelle girls would be their trophies.




Kung papakinggan ang theme, pwedeng isipin na masyado itong mapahangas and it could send a wrong message, pero tiniyak ng photographer na magiging tasteful ang kanilang magiging shoot. Binigyan pa sila ng isang picture para maging inspirasyon.











“Kayang kaya yan…” yabang na sagot ni AJ. While nag aagam agam naman sa kanyang sarili si Chester,




“Di ba pwedeng si Mickey na lang ang kasama ko sa shot?”




At sumenyas na si coach na buksan na ang papel na kanilang binunot kanikanina lang, para malaman na kung sino ang kanilang makakapareha.




Iba iba naman ang reaksyon ng bawat player.




“Sa lahat naman ng mabubunot girlfriend ko pa… Minsan na nga lang makasama ng ibang babae, kung sinuswerte nga naman…” target sana ni Marthy na ma-assign sa ibang cheerleader, ngunit ayaw yata silang paghiwalayin ng tadhana ng kanyang nobya.




Gulat naman na sinabi ni AJ Agaton, “What? Si Lisa? Si giant Lisa? Paano ko bubuhatin yun?” medyo malaki ang kaha ng nasabing girl, pero cute naman sya.



“Kaya pala ha?” sabi ni JM, mukhang kuntento naman sya sa kanyang nakapareha.




While si Chester naman ay kay Marj na-aassign, medyo at ease na sya rito dahil nakapareha na nga nya ito sa sayaw, “So Marj parang lifts lang sa cheer yung gagawin ko di ba?” sabi ni Ylano sa kanya. “Yeah…” tugon ng girl, ngunit iba ang dinidikta ng isip nya, “Pwede namang gawing intimate, technical talaga sya…”




At halos nabuksan na ng lahat ang kanikanilang choices, maliban sa dalawa, sino pa ba, sina Prado at Sy. At nung oras iyon ay nagkatitigan ang dalawa.




“Sige na… Sige na… Let’s just get on with the shoot…” ang tanging nasabi ni Jech-jech, dahil ang nabunot nya ay si Diane, samantalang ang natitirang girl ay napunta kay Mickey which is Anika. Sa totoo lang pigil na pigil si Jech-jech ng mga oras na iyon, akala nga nina coach ay mag aalburuto ito ngunit on the contrary parang wala lang sa kanya, it is because Prado is a Cause oriented person, scholar sya ng school nila at the same time ng foundation na tutulungan nila with this shoot kaya nag paubaya na lang sya in the end.




Naging isang masayang experience naman ito para sa basketball team, ginawa na nila ang mga pair shots ngunit they have decided na hindi muna gawin ang kay Michael Sy dahil hindi pa sya fully recovered sa injuries nya, after the pair shots ay gumawa rin ng group shots para sa koponan,




“Nakakapagod din palang mag model ha…” ang sabi ni AJ Agaton.




“Ano bang ginawa mo? You just sitted there right? Hahaha…” ang tawa ni Drake Parker.




Sinabihan naman ni coach na mauna na ang ibang players para magpahinga, since yung shoot na lang nina Mickey at Anika ang gagawin.




“I’ll stay coach…” ang sabi ni Prado, “Sige Prado you can stay. Nandito naman kami ni coach Leon mo…” tugon ni Mr. Aguilar




“Coach are you sure na okay lang na mauna na kami?” tanong ni Cap Helguera.




“Yeah. Okay na yun, ayaw ko rin naman isipin ni Prado na parang pinag-kakaisahan natin sya, so go on…” pabulong na sinabi ni Head Coach.




At nauna na nga ang ibang involved na models.




Naiwan nalang doon ay ang photographer, some assistants, sina coach, si Chester, ang kaninang partner ni Prado na si Diane, at sina Anika, boyfriend na si Prado at si Michael Sy.




“So Anika, Mickey this would be your photo reference…” at pinakita ulit ng photographer yung photo kanina.



Inassure naman ng photographer na may support sa balikat na ilalagay kay Mickey dahil hindi dapat mastress ang kahit anong parte ng kanyang katawan.




So pinaupo na si Mickey sa kanyang pwesto, at tinawag na si Anika, she was so beautiful that day, very tasteful ang make-up, natakpan ang kanyang eyebags mula sa kanyang pag-iyak the past few days. Aalalayan sana sya ni Mickey sa kanyang pagpwesto pataas ng lumapit si Prado, kinabahan ang lahat.




“Ako na…” Jech-jech politely said, hindi na umimik si Mickey.




Sumigaw na ang photographer, “quiet on the set…” ganun ang kanyang approach when he does his shots.
At sunod sunod na ang kanyang instructions, “Mickey just look straight on the lens… It is like you are hungry for your 3-peat championship win…” suhestyon ng photographer, on the hand Anika was a natural, she is effortless, hindi na sya kailangang bigyan ng instructions dahil alam na alam na nya ang kanyang ginagawa, since she is also one accomplished print ad model herself.



The photographer then said, “lumiyad ka ng kaunti Ms. Anika” and when she made her turn, she got out of balanced, dali dali naman ang takbo ng nina Prado at Sy para mailigtas ng dalawa, they do have both sharp reflexes na sabay nilang nasambot ito.




Napasigaw ang photographer, “PERFECT!” at nakakuha pala sya ng isang shot out of that incident.




“So I guess that’s a wrap… Maraming salamat sir at pinaunlakan nyo kami to have this shoot…” ang sabi ni coach Bong sa kanilang master photographer.




Si Mickey na ang bumitiw kay Anika, kitang kita mo naman ang di maipintang mukha ni Prado, but in the end sumama rin naman si Anika sa kanya.




“Sana Mickey ako na lang ang sinambot mo…” out of nowhere nasabi lang bigla ni Chester, hindi nya napansin na katabi na nya ang kaibigan.




“Ano yun bro?” tanong ni Mickey.




“Wala… Ang sabi ko let’s go na… Nagugutom nako…” palusot ni Ylano.




At sa huling laban ng Quicksilvers team para makasama sa Final Four ay nakasama na si Mickey sa kanilang maglaro. It is a good thing na maganda ang result ng kanyang theraphy at treatments. Sa huling laban ng qualifiers doon nila nasemento ang kanilang ICON status. 16 wins – 0 loses, tuloy tuloy.




After that triumphant game, nakatanggap siya ng isang text message, something na hindi nya ineexpect masyado dahil alam nya ay aasa lamang sya with his false promises. It was from Mickey’s dad.
Son congratulations... I’ve seen your team standings online, great job on your seamless win. Yan ang gusto ko sayo anak. You are focused and you always aim for number 1, sa finals game mo I’ll be there…
P.S. I’ll be replacing your ruined sports car, because you deserve a new one.
Mr. Stanley Sy – Roaming Number 0999712**** 7:35pm.



“Tsk… Dad, gawin mo na lang… wag lang puro salita, yan din ang sinabi mo with my past 2 season games, may napala bako?…  just be HERE…” nasabi lang ni Mickey sa sarili.



At dahil tuloy tuloy nga ang kanilang panalo at derecho na ang buong team sa Finals, ay nangako ang school chairperson na magpaparty para sa Quicksilvers team that night.




“Mickey sumama ka na, kahit sandali lang…” kumbinsi ni Cap Helguera rito. Pansin nya ang sudden change of mood ng ace player which is earlier ng kanilang pagkapanalo ay mukhang okay naman ito.




Napansin naman ni coach Leon na mukhang problemado ang batang Sy. Ganun din naman ang pag-aalala ni Chester since napansin nyang kanina pa itong walang imik.




“Jason, you can now go along with the team… I’ll talk to him…” as the head coach whispered to his Team Captain.



Sinenyasan na ni coach na mauna na sila kasama na rin si Chester, umupo naman ito sa bench na kinauupuan ni Mickey, ramdam na nya kung bakit ginawa yun ng kanilang coach, napatigil tuloy ito sa ginagawang pag liligpit ng gamit, at napatungo.




“So care to share Mickey on what are you thinkin’ right now? Sabi ko naman sayo even before nandito lang kami nina coach Bong mo that is kung meron ka mang malalim na iniisip… Makikinig kami sayo…” paalaala nito.




Ngunit hindi pa rin natinag si Michael Sy. Hindi nya alam kung saan nya sisimulan. At dahil rito out of nowhere ay nagsimulang magkwento candidly ang kanilang head coach.




“10 years ago, there was this guy na gulong gulo sa buhay nya, na kahit na kanino he shielded himself to anyone, kahit na sa sarili nyang pamilya, magulang, kaibigan at mga kapatid. As in he isolated himself. 




Dumating sa point na parang gusto na nyang sumuko. Lahat na yata ng listahan ng bisyo ginawa na nya. At dahil yun sa kinimkim nya ang lahat ng kanyang problema, and in the end he just exploded like an overblown ball. Masyado kasi itong personal na hindi nya maikwento ito kahit kanino, iniwan kasi sya ng kanyang pamilya, ng kanyang asawa, kanyang mga anak dahil lang he made a choice na hindi nila matanggap, alam mo kung sino yun Sy?” then he paused for a moment at napabuntong hininga,




“That was me… Ako yun… Yes that very thing consumed me for years, pero nung natanggap ko na, nung open arms ko ng tinanggap, yes maraming nawala, and yes, dumating sa point na sumuko ako, ngunit nalaman ko in the end na it is not yet the end for me. Na alam kong maraming tutulong sa akin at the end of the day, kapag handa na akong bumangon, and look at me right now…” coach Leon said profoundly.





“Kayong lahat, ang buong team. Para na kayong mga anak sakin. Kayo ang nagiging inspirasyon ko sa araw-araw. Kaya tuwing may problema kayo somehow of course nag-aalala rin ako. If you feel like it, talking about that thing that is consuming you too, now is the time iho, I am just here to listen.” Paalaala ng isang coach Leon na animo’y may isang tono ng isang Ama.




Sa lahat lahat na sinabi ni coach, isa lang ang nasabi ni Mickey, and that very thing lang ang kailangan na marinig ni Leon from him, “It’s my dad…”




Fully aware naman na si Leon sa personal na buhay ni Mickey, ngunit ngayon lang kasi nagbukas ang batang Sy about sa saloobin ng kanyang tatay.




“Hmmm… I don’t know really know if I am in the position to give you an advice regarding the father thing. Since just like what I have said earlier I also failed in that part of my parenting skills. And hindi ko rin ang alam ang kanyang parenting style, pero isa lang ang natutunan ko sa mga nangyari before, just voice out your concerns to him, that is one thing na hindi ko nagawa sa mga anak ko, if only we had this kinds of personal talks, this very kind of conversation, siguro nandirito pa rin sila with me…” and the coach smiled at him, “So, I’ll just cover for you sa mga team mates mo. Just go somewhere kung saan ka marerelax… Alright Sy?  Basta nandito lang kami, we’ll not let you down and I hope you’ll not let down on the team sa championships…” and he tapped Michael‘s shoulder.  And coach Leon went ahead with the team, hindi na rin nya ito pinilit.





The advice made sense, ever since ng iniwan sila ng nanay nya ni Michael, ay never na ulit silang nag-usap ng kanyang ama. Sinubsob na lang kasi nito ang kanyang sarili sa trabaho. Siguro para makalimot, hindi nya lang napansin na napalayo na rin ang loob ng kanyang anak sa pag-gawa nito. Ang hindi nya alam on how Mickey struggled to long for someone na magiging nandyan para sa kanya. Something na hindi pa rin magawa ng nakakatandang Sy.





On his way home, may nadaanan syang isang simbahan, katatapos lang ng novena mass doon dahil sa feast day ng kanilang patron, he decided to stop over para magdasal, to enlighten his mind and cleanse his spirit.
“I am praying for some redemption, redemption from the struggles and the pains that caused some suffering in my heart and soul. I would also like to thank you Lord, for the overwhelming support that is coming from my second family, my basketball team mates, pati na rin sina coach, si Tita Nina, and course my dad, maybe he is still on the phase of surviving and moving on his marriage kaya he is also having a hard time dealing with his relationship with me and for that give him and me some patience and peace of mind na rin po. And as for my mom I know she had her reasons on why she have done that, but I forgive her. And again thank you for inspiring me, for giving me someone on which I can lean on… Please be him everyday and I hope and I pray for his speedy recovery, Amen…” and as if nabunutan sya ng tinik for letting go of those excess baggages na dati rati ay dala-dala nya lagi.





After that visit to the church, as usual, the one thing that makes his day complete is his visit in the hospital. 




Magkatext sila ni Chester on his way there.




Yeah, okay naman yung place, sana sumama ka na lang kahit sandali lang… - Chester




Hmmm… Pass muna ako dude and besides, nagpaalam nako kay coach, enjoy mo na lang yan… See you tomorrow Ches…” – Mickey.




Bakit nasaan ka na ba ngayon? Ingat ka pag-uwi… - Chester




Yeah salamat, kaw rin… Dumaan lang ako sa ospital, binisita ko lang si David. – Mickey.




Ohh, malapit lang pala eh, punta ka na, kahit sumunod ka na lang. – Chester




Mickey was about to send his reply which is “Nah… Maybe next time…” ng pagpasok nya sa room ni David.




“What?” gulat na tanong nito.




“Surprise!” ang sigaw ng mga myembro ng basketball team, nandun rin naman si Tita Nina. “Sabi ko sayo sumunod ka na lang di ba? Hehe…” patawang sinabi ni Chester.




Nasorpresa nga si Mickey sa ginawa ng team for him. Napag-kasunduan na nilang gawin ang mini celebration sa hospital room ni David, since it was spacious enough to accommodate people and besides, may mga connections naman sila since doon nga nagwowork si Aunt Nina, si Chester ang may pakana nito. 




The team felt that kung hindi rin makakasama si Michael eh parang bali wala rin ang celebration, kaya sila na ang nagdala ng party rito, ikinuwento ni Chester ang dedikasyon ni Mickey sa kanyang car crash victim, sa pagtulong rito, (less the emotional part of it), kaya nakumbinsi ang team na doon na rin gawin ang kaunting salo salo, nagpadeliver na lang sila doon ng isang giant pizza, and some pancit and spaghetti sa bilao…




“Hmmmmm… Congratulations pamangkin…” at niyakap ni Nina ng mahigpit si Mickey.




“Tita’s boy ka talaga Sy… Hahaha…” puna ni Agaton.




Napansin naman ni Sy na wala pa rin si Prado, hindi na rin sya nagtanong alam na rin naman nya ang rason.




“Bro… Regards daw sabi nina coach Leon at Bong… Gusto rin sana nilang pumunta, ngunit may mga pag uusapan papala sila ng commissioner ng UAAP tungkol sa proseso ng automatic placement natin sa Finals. Sya nga pala, I hope you are doing alright na… Madalas kasi alam ko kapag problemado ka… Basta just like before, nandito lang ako, your partner in crime makikinig lang sayo…” at napatingin si Chester kay David, at sabay ngiti nito. Mickey was puzzled nung nakita nya yun, but for Chester it was the sign of letting go, naramdaman nya ito on that morning when he secretly kissed Mickey on his slumber. Na he was infatuated with his best friend for the wrong reasons, and in the end, it was somehow more of a brotherly love than a emotional one, dahil alam nya that Mickey’s heart is only now beating for this one special person.



~*~


At lumabas na rin sa wakas on that same week ang kanilang mga naglalakinhang posters and billboards na nagkalat sa kanilang university grounds.




“Nakita nyo ba? May billboard din pala tayo doon sa may EDSA Guadalupe, malapit doon sa mga Bench billboards…” pagbida ni AJ Agaton sa Team.




“Oo nga eh ikaw nga ang kitang kita doon dahil sa blonde mong buhok… Haha…” tawa ni JM Roda.




“At least I stood out… At balita ko our calendars and university shirts are selling like hotcakes…” ganadong sinabi ni Agaton.




“Yup and they are now on their second printing ng mga calendars natin…” as Drake Parker told the team.
So ang ADLU Quicksilvers team ang nahirang na number one sa taong iyon ng UAAP dahil na sweep nila ng tuloy-tuloy ang qualifiers ng walang kahit isang talo, along side with them are Ateneo, De La Salle, and Far Eastern U, ngayon ay nahaharap sila sa isa sa mga napakalaking pagsubok which is the Final Championships, isang pagkakataon na tyak pag tutuunan nila ng pansin at pagbubuhusan nila ng pawis at dugo.




The UAAP Final Four Format

If no team sweeps the elimination round:

Seeds #1 and #2 teams possess the twice to beat advantage
Team #1 meets #4 while #2 meets #3 in the semifinals.
The semifinal winners advance to the Finals.
The team that wins 2 games in the Finals wins the championship.

If a team sweeps the elimination round:

Seed #1 advance to the Finals.
Seed #2 advance to the semifinals with the twice to beat advantage.
Teams #3 and #4 face off to meet #2 in the semifinals in a one-game playoff.
In the finals, the #1 seed only has to win twice, while the other opponent has to win thrice.
In case of two teams being tied, an extra game will be played to determine which seed they will possess.
In case of three or more teams being tied, the team with the best head-to-head record usually possesses the best seeding, while the other teams will play an extra game to determine the second-best seeding,   


~*~



“This is so surreal, hindi ako makapaniwala na darating sa ganito… The last two years ng mga games namin we do have at least 2-3 loses. Pero now imagine, our team defeated every university na lumaban samin, salamat sa determination ng team, sa tyaga at talino nina coach, sa walang sawang supporta ng fans, at syempre sayo David…” at hinawakan na naman nya ang mga kamay nito, habang binabalita ni Mr. Nice guy sa kanyang nakaratay na kaibigan ang kanilang panalo at sila na ay deretso sa laban sa Finals.




“And about Anika and Prado, alam kong magkakayos sila in time. Yup, I can assure myself now na I have already moved on… Kasi I am now in love with someone…” at mas humigpit pa ang hawak ni Mickey sa mga kamay ni Mr. Castillejos. Nagulat naman ito ng gumanti ng higpit si David sa kanyang mga kamay. Tinignan nya ang mga mata nito, if ever sya ay nagising na, ngunit wala pang sign na gising na ito, magtatakbo sana sya sa may nurses station ng may sumerpresa na naman sa kanya. It was the same guy with the hooded sweatshirt from last time nung kasama nya si Aunt Nina, but he is now wearing shades, mukhang nagulat din ito dahil ng makita si Mickey ay natatakbo ito, “Hey dude wait…” ang gusto lang naman ng ating jock ay malaman ang intension nito at ang relasyon nya kay David, ngunit mabilis ding nakatakbo ang nasabing lalaki at madaliang sumakay ng taxi. Sa mga susunod na araw ay ipapacheck niya sa security ang mga larawan ng lalaking ito para ma iconfirm kung sino nga ba sya sa buhay ni David.




Samantala, tuloy pa rin ang pag pupursigi ng team sa practice dahil hindi biro ang kanilang makakalaban, mag-lalaban laban pa ang tatlong koponan, para sa spot sa Finals kaya marami pa ang oras ng ADLU para paghandaan ang kampeonato. May mga nagbakasyon ng ilang araw, may mga umaattend ng parties, iba naman ay photoshoots, napili ang ilang myembro ng team upang maging cover model or feature sa Chalk Magazine at sa official UAAP magazine, na may pangalan ding “UAAP”.




Sa Chalk magazine issue ay may kinuhang tigtatlo na mga ifeature sa Final Four, at ang napili sa Quicksilvers Team ay sina Prado, Ylano at syempre si Sy.




Sa totoo lang taon-taon ay naging tradisyon na ng magazine ang I feature ang mga UAAP at NCAA schools para I update ang kanikanilang mga fans, nagkakasama na rin ang iba’t ibang athleta na ito sa mga ganitong pictorials, nagkakabiriuan, minsan din ay lumalabas din ang mga ito for some good time. Ngunit sa isang kakaibang twist sa taong ito mukhang ilang or hindi at ease ang mga jocks ngayon sa isa’t isa. Dahil sa kumakalat ngang balita about homosexuality sa mga players.




Samantala, sa UAAP magazine ay nabigyan ng pribilehiyo ang Quicksilvers Team na maging official cover nito dahil sa kanilang feat na ginawa in winning all the games sa qualifyers. Tamang-tama naman ang title ng theme ng magazine na, “The Two Towers: Enemies or Allies?” ang cover si Michael Sy at Joshua Prado.
Despite the bad publicity na kumakalat ng gay issue about basketball players at sa rivalry nina Prado at Sy, ay doble doble rin ang naging benta ng mga nasabing magazine sa market. Totoo nga ang kasabihan na Good or Bad Publicity is still Publicity. Mukhang pinakyaw ng mga girls at ng girl wannabees ang mga magazines ng matitipunong jocks.



~*~




Anika, let’s talk, meet me tonight. 0929******* 9:09pm




Susunduin kita sa village nyo, please pick up your phone. 0929******* 9:15pm




Ano ba ang problema, bakit mukhang iniiwasan mo yata ako ngayon? 0929******* 9:32pm




“Fuck… 48 missed calls, useless  na rin tawagan ang babaeng yun. Isa pa ngang bote…” si Prado yun. 




Napapadalas ang kanyang pag-inom lately at mukhang si Anika na mismo ang umiiwas sa kanya.




Tamang-tama naman na nandoon din si AJ Agaton, “Oh Prado nandito ka pala…” bati nito, sumagot naman si Prado, malakas naman ang tolerance nya sa alak, “Oh tukmol nandito ka rin pala…”, “Makatukmol naman ito, may i-meet lang… Di mo yata kasama si…”, di pa tapos si Agaton ng, “Tang-ina AJ, gago ka ba? Sa lahat ng itatanong mo…” ng tumaas ang boses ni Prado, alam nyang nakainom na ang kaibigan kaya sya na lang ang lumayo rito.




Inabot na ng alas onse ng gabi si Prado sa bar ng ang katabi nyang lalaki na kanina ay tahimik lang ay biglang umingay.




“Migs… Sis nandito ka pala?” bati ng isang lalaki.




“Yeah, kanina pa ako rito, kagagaling ko lang ng Araneta may laban kasi ang school namin with FEU, eh talo kaya ayun inom-inom na lang muna…” paliwanag nung may pangalang Migs, malambot din ang boses nito.




“Mga bakla pala…” bulong ni Prado sa sarili. Tuloy naman ang kwentuhan ng dalawang mag-kaibigan na rinig na rinig naman sa kinauupuan ni Mr. Blacksheep.



“Speaking of sis, ang yuyummy ng players ng FEU ano, lalaking-lalaki… Even in your school may ilan na ang lalakas ng dating. Pero walang tatalo sa ADLU Quicksilvers team as in wala kang itatapon. Kasi sa ibang team may mga hipon, pero sa ADLU lahat sila papang-papa…”napangiti si Prado ng narinig ang papuri na iyon, “May pa booking kaya sa mga yun?” tanong ng kararating lang na estudyante.




“Ay sis, wag ka… Di ba nga may mga kumakalat sa mga blogsites na article na may mga beki daw sa mga basketball team, heller it is too good to be true na lahat ng nasa ADLU ay straight…” tinumbok na ni Migs ang gusto nyang sabihin.




“Eh teh tsika lang daw yun ha… Di ba lumabas na rin yan sa ibang schools pero wala naman proof.” Kontra ng isa. Kinuha naman ni Migs ang kanyang phone, “Basahin mo ito sis…” at binasa naman nya ang isang blogsite na nakita ng kanyang kaibigan at may mga bonus pa itong pictures.




“Ayy ganun…  Sayang ang gwapo pa naman nila. Pero look on the brighter side, at least may chance na patulan nila tayo right?” ang sabi ng isa, “Corrected by sis…” pag-sangayon ni Migs sa kasama.




Nagulat si Prado sa mga narinig, ngunit gusto nyang iconfirm kung sino ang tinutukoy ng dalawa na nasa blogsite. Dahil medyo madilim sa may bar ay hindi nila naaninagan si Prado, ngunit sila ay masosorpresa ng di oras, “Joshua Jech-Jech Prado ng Quicksilvers Team…” at kinamayan nya ang dalawa. Hindi mawari ng dalawang beki kung ano ang iaasta sa harap nito, na excite sila dahil sa angkin nitong kagwapuhan ngunit nag-aalala rin sila dahil baka narinig ni Prado ang kanilang pinag-uusapan.




“Ikaw… Ikaw yung Joshua Prado na nasa cover ng UAAP magazine, kasama si Michael Sy…” Migs’ jaw dropped the timing was impeccable sinabi pa nya ang pangalan ni Michael Sy.




“Yes that’s me… Nice meeting you guys… By the way I have overheard your conversation earlier. Mind sharing it?” seryosong tinanong ni Prado.




Napalunok lang ang dalawa sa kanilang mga laway, notorious si Prado sa mga bali-balitang away nito and lately nga ang balita sa away nila ni Sy. Syempre ayaw naman nilang mapag-buntungan sila ng galit nito. “Ahh yun ba… Wala yun Mr. Prado, just some non-sense gossip…” palusot nung isang beki.




“Ahh ganun ba… Oh eh di mas interesting. Gossip lang naman di ba, meaning yet to be proven. Share nyo na mga tol’ Try me…” same pa rin ang tono ng pananalita ni Prado, hindi mawari ng dalawa kung nanakot ba ito o nagbibiro. Pero Prado was not messing up with them.




At iniabot ni Migs ang kanyang mobile phone sa college basketball star.



~*~



It was the night before the start of their game play sa Finals… Bago pa man matulog si Michael Sy upang paghandaan ang game bukas ay nagcheck muna sya ng kanyang FB at Twitter accounts, maraming bumabati at nagchecheer sa kanila and the rest of the team. Tinignan nya ang mga pictures with the team mates for the past years na magkakasama sila. Ang mga bakasyon sa out of town, parties sa mga clubs, ang maaksyong mga games, kulitan moments, nakita nya rin yung picture nila ni Prado na nag-appear sa isang laban, nanghihinayang sya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naayos ang hidwaan sa kanilang dalawa.
Bago sya mag sign out ay nag post muna ito ng message sa Twitter ng #tomorrowistheday. And before Michael Sy would knew it after ilang hours ay magtetrending ito hanggang sa sya ay magising the next day.



At pinatay na nya ang kanyang Macbook Pro, at ng itinago na nya ito ay kumuha sya ng isang papel, at nagsimula syang sumulat, halos 30 minutes din itong nagsusulat, ibinubuhos ang lahat ng emosyon na lumalabas sa kanyang puso at isipan. After it ay may idinrawing itong short cartoon skit kalakip ng sulat.  
At around 10:30pm ay natulog na ito, katabi ang sulat na buong puso nyang binuo para sa isang espesyal na tao sa kanya.



~*~



“Ano wala pa si Sy?” tanong ni coach Leon kay Cap. Jason, “Eh hindi naman nalelate yun ha? Tawagan nyo nga…” pag-aalaala ni coach Bong.



Kahit sina Chester ay hindi mapakali, “Bakit di mo sinasagot ang phone mo…”



At ng may nagsisigaw si cheerleader Janna ng, “Ui heto po nagstatus si Mickey sa Twitter…”



#todayistheday3peat4ADLU



Yan ang trending message/hashtag ni Michael Sy sa Twitter nung araw na iyon, late syang dumating dahil nasiraan ito ng sasakyan on his way to Araneta from the hospital ng binisita nya si David.
Dumadagundong ang buong Araneta sa ingay ng mga basketball fans ng dalawang nag-lalakihang university.



“So kamusta naman ang umaga mo Chester? So what did I miss? May mga instructions na ba sina coach?” tanong ni Mickey, mukha kasing haggard ang kaibigan, pero all smiles pa rin ang sagot nito na okay sya, mukhang nadiligan kasi siya ni Allen, “Okay naman ako, ikaw okay ka lang ba?” napansin kasi nyang namumutla ang kanyang kaibigan.




Hindi makasagot si Mickey dahil hindi nya malaman kung ano ang mabigat na nararamdaman ng mga oras na iyon. Para ba gang may bumabagabag rito. That is why he has a lot of questions earlier.
Bago pa tawagin ang mga pangalan ng mga team members ay may binilin si Sy kay AJ Agaton, “Ui tol’ pahawak muna ng mobile phone…” hindi na nya kasi nakuhang itago ito sa may locker room.




At tinipon ni Coach Leon ang buong team. “Team… Hindi ko na pahahabain pa ang speech na ito ha? Basta alam nyo na ang mga approach at atake na gagawin nyo with your gameplay today. Hindi madaling kalaban ang makakatapat natin, dahil last year ay uhaw na uhaw rin silang makuha ang kampeonatong ito. Kung baga, this is like a rematch… Pero syempre papatalo ba tayo? Hindi ano… Laging tandaan… Greatness is not on the numbers but it is more on the respect that you gain from others… Team, a great offense is a great defense! Kaya Quicksilvers Team are you ready for your 3-peat win?!!!” sigaw ng kanilang nanggagalit na coach Leon.




“Sir yes Sir!” at naghiyawan ang buong basketball team sa may hallway papasok sa court.




And indeed, today is the day sabi nga sa status ni Michael Sy kanina… Punong puno ang big dome ng araw na iyon. Hindi magkamayaw ang magkabilang university na iisa lang ang ipinaglalaban, maimmortalize na champion sa taong iyon. Bagamat hati ang magkabilang university nandoon naman ang alyansa ng mga universities na nagbubuklod para i-cheer ang mga cuties ng Quicksilver Men’s Basketball Team, kumpleto ang “UUQB” or the United Universities for the Quicksilver Boys at walang makakapigil sa kanilang ingay.




“Wow, I can feel the pressure now, kakaiba ang ingay ngayon di tulad ng past 2 years ng championship games natin…” ramdam ni AJ Agaton, mukhang nawala ang pag ka palabiro nito.




At tinawag na ang ibang members ng team isa isa, and then tinawag ang starting five.




Una ay sina, Timothy James “TJ” Baraquiel - Power forward 6’4” at sunod naman si Jaydee Castro – Small forward 6’4”.




And it was time na ipakilala ang infamous player ng ADLU, “Quicksilver’s mighty shooting guard… standing at 6’0”, Joshuaaaaa “Jech-Jech” Pradoooooo…” sigawan ang mga kilig na kilig na koleheyala na nahumumaling sa kanya.




At di papahuli, and papaple hunk ang Mr. Nice guy ng ADLU Team, and official ace player, “The top bachelor/ADLU pointguard, standing at 5’11” Mr. Nice guy, Michaeeeel “Mickey” Syyyyy!!!...”




Last na pinakilala ang Team captain na si Jason Helguera – a towering Center with his shy height of 6’7”, kindat pa lang ni team captain halos himatayin na aang kanyang mga fans.




The UAAP Finals – Game 1: First Quarter

“Wow that was fast… Three minutes pa lang, 12 points na ang lamang ng ADLU sa kalaban. I must say iba talaga ang pag hahanada nila ngayon, they are really here to win…” puna ng editor in chief ng ADLU newspaper na si Marian.



“Yeah, and I must say that they are all in good shape, kahit yung kagagaling lang sa injury na si Michael Sy. Parang walang nangyari…” reaksyon ni baklang Adoracion.




“Oo nga eh, pero pansin ko na may mga kaunting sablay na pasa si Sy. Ewan ko ba, mukhang kailangan nilang tutukan si Sy. He seems distracted of something, o baka naman ako lang ang nakakapuna nun… Well kailangan lang nilang maging maingat…” sagot ni Marian.




Ngunit hindi nga nagkakamali si Marian. Sa hindi maipaliwanag na dahilan for some unknown reason iba ang pakiramdam ni Mickey that day. Everything was good this morning, and simula nung nasiraan sya ng kotse going to Araneta para bang naging sign yun of something, “Hindi dapat ako maapektuhan ng bad vibes today…” ang nasabi lang ng ace jock sa sarili.




At the end of the first quarter, masasabi ng mga analyst na syempre ADLU dominated this part of the game, medyo nahabol sila ng kalabang team sa last part pero at the end of it they are still in a six point lead sa first quarter game.




Gulong-gulo pa si Mickey that time, habang nag exexplain si coach sa kanilang strategy ay tumungo lang ang jock to shake it off and free his mind, ngunit mukhang it is not working out with him, ang masama pa, ng itinaas nya ang kanyang ulo there was Anika na kumakaway sa kanya. Napa iling lang ito, at ng tumingin sya kay Prado, he was now pointing his dirty finger at him. “May lalala pa ba sa araw na ito?” nasabi lang ni Mickey sa sarili, pero ang hindi nila alam na all eyes were now on them and even that dirty finger act ay kakalat sa cyberspace like a virus, and this would really confirm the rivalry between the two.




The UAAP Finals – Game 1: Second Quarter

“Getting tired Sy?” tanong ni Prado. Nang-gigitil na ito sa galit, but he needed to compose himself. He doesn’t want to fuck it up this time at finals na.



Hindi na lang ito pinansin ni Mickey and he tried to at least na mag focus lang to shoot, ngunit the game is flaring up lalo na’t nakikipag agawan pa si Prado ng bola sa kanya.
Sa first part ng game ay nangunguna ang ADLU and on the middle part of it, ay naungusan sila ng kalaban ng eight points, syempre doon na uminit ang laban, hinabol ng team ang lead hanggang sa maging dikit ang points.



“Shoot Mickey why are you messing up big time…” as he whispered that sa sarili.



“Coach, sub muna ako kay Mickey… Please…” napansin kasi ni Chester na wala sa sarili ang best friend nito.



“Oo nga Leon, it seems Sy is not really doing well today, pag pahingahin muna natin” pag second ng motion ni coach Bong.



Ngunit si coach Leon pa rin ang may last say, “Hayaan na muna natin sya, Chester sa third quarter kita ipapasok…” sagot ni coach Leon sa dalawa.



At the end of the game masasabing nag struggle ang ADLU Team pero nahabol pa rin ito, ang naunang malaking lead was reduced to a 2 point lead. Thanks sa mga effort ni Prado na may issue pa rin kay Mickey na naguguluhan pero bumawi pa rin na makahabol.



“Pwede na rin, kaso hindi dapat sila maniguro…” ang sabi ni Janna kay Marj.



“Pero parang wala sa focus si Mickey ha?” sagot naman ng kausap.



Naririnig lang ni Anika ang dalawang cheerer, di nya tuloy maalis sa isip na baka sya ang dahilan dahil distracted ito. Alam nyang mali ang I-wish na matalo ang team, ngunit if this very thing would confirm na gusto pa rin sya ng dating boyfriend, she thinks that it is all worth it. Twisted lang ang peg.



The UAAP Finals – Game 1: HALF-TIME BREAK

Usually sa half-time break ay may nag peperform para I entertain ang audience na matyagang naghihintay sa continuation ng game. This year, the host school decided to put a twist on it, and guess what, the Quicksilvers Basketball Team was actually part of the whole activity.



Namatay ang ilaw sa loob ng Big Dome and the only thing lighted was the giant TV screens positioned at the center. Then a music introduction suddenly played…



“Tama ba yung naririnig ko… As Long as You Love Me? Backstreet boys lang ang peg?” sarkastikong sinabi ni Adoracion.




Nagtiliian ang mga kababaihan ng may mga bahagyang mga mukhang pinakita ng players ng ADLU, extended ang intro ng kanta… And then there they are on the giant TV screen, “Althought loneliness is always been a friend of mine…” it was AJ Agaton he started singing the song-pero syempre lip sync. Mas lalo pang nag tilian ng nakita na nilang kumakanta ala BSB sina Chester, Jason, Joshua at syempre si Mickey… That was the trend back then, naging viral pa nga ang video ng mga journalist ng isang malaking network sa pagcover nila ng isa rin sa mga kanta ng backstreetboys.




At the end of the video ay nagkindatan ang mga boys. Lahat ng kababaihan at feeling babae ay nainlove sa treat na ginawa ng ADLU basketball team for them. Ngunit hindi pa doon natapos ang lahat, dumiliim ulit sandali at ng bumukas ang nakakasilaw na ilaw, laking gulat nila na may mga tao sa gitna ng court na naka cute costume na iba’t ibang pets. Like a cute dog, lion, cat, bear, bunny, at marami pang ibang iba. Then music was played, from an American boyband it seems they went Asian this time afterall a fraction of their fans came from the Korean community, isa sa mga kanta ng Super Junior ang inindak ng mga taong nasa costume, laking gulat nila ng ipakita na ang mga mukha ng mga guy in costumes, sila pala ang 12 members ng basketball team.



Napaindak ang lahat kahit na ang kalabang university, it seems nakuha nila ang panlasa ng tao and doon pa lang ay nakita nila how down to earth the ADLU team is, kasi nga game sila, usually kasi pag half time pahinga lang ang gagawin ng team at pag-uusapan ang strategy, ngunit gusto nilang pasayahin ang kanilang fans. Ika nga nila, this is more than just a game.



At sa gitna ng sayaw ay pumili sila ng tig isang mga lucky girls na tuturuan nila ng basic steps to dance, at ayun natuto naman, and they started dancing with the boys, at sumama na rin ang Silverbelles para naging flash mob ang sayawan ng half time event ng game.



Ng patapos na ay may solo dance si Chester Ylano, doon nya pinamalas ang kanyang talento sa pagsayaw, namangha sa kanya ang lahat.




“Wow, player na dancer pa… Ikaw na ang talentado…” nakangiting sinabi ni Marian.
And they have ended the dance na kitang kita nila na everyone within the coliseum was all smiles. They were very happy sa kanilang pinag-gagawa.




“Chester nice dancing there ha…” bati ni Cap Jason. “Thanks” sagot lang nito. Si Prado naman ay wala pa ring imik, bagay naman ang suot nyang Gorilla suit sa kanya.




So bago bumalik sa game ang team ay kinausap muna ng masinsinan ni coach si Michael bago magsimula, 




“Mickey is there something that’s bothering you?” ang tanung ng coach sa kanya, hindi naman nya masagot ang coach dahil sya mismo hindi nya mapinpoint kung ano nga ba talaga ang problema.




“O sige ganito nalang, coach Bong and I agreed na this would be the time I execute yung napag-usapan namin earlier, for the mean time, Ylano would take your place, you’ll be back on the Fourth quarter, remember yung napag-usapan nating strategy ngayon natin gagawin yun… Alight?” as the coach reminded his ace player.




Mickey responded by, “Yes coach, naalaala ko naman lahat ng iyon…” at malugod naman nya itong tinanggap.



The UAAP Finals – Game 1: Third Quarter

Medyo mukhang naging mahina ang naging simula ng third quarter ng ADLU Team. It is either nalalamangan sila ng ilang points or halos dikit lang ang laban nila ang first half.




“This is the very thing na sinasabi ko and I think they are falling for it.” Ang sabi ni coach Leon kay Bong habang nakikinig lang si Mickey sa dalawa.




“Well I think magbubunga naman yung plan, lalo na tutok ang training natin sa kanila individually…” pag sang ayon naman ni coach Bong.



Tama naman ang naging desisyon ni coach, the plan was to take advantage of the other teams thinking na if Mickey is not playing mas mahina ang team. Well they are terribly wrong, Chester was trained to fight that day, and from dikit na points after five minutes ay naka-ten point lead na ang Quicksilvers.




“Hindi ko man lang namalayan na 5 minutes na pala ang lumipas, that was one intense game play…” sabi ni AJ Agaton kay Sy.



Ngunit hindi mag-tatagal ang kaligayahan ng team ng,



“Foul, number 13, ADLU… Joshua Prado…” ang tawag ng referee and it was his last foul, kaya he was fouled out of the game. Pinasok ang isa pang shooting guard na si Marthy Cojuangco to replace Prado in the game.



“Tsk... Tsk…” inis na reaction ni Jech-jech Prado pag-kaupo nya sa tabi ni Sy. Wala na rin kasi syang maupuan.




Mukhang nawala ang chemistry ng team by that time, kaya ang ten point lead ay nahabol na naman ng kabilang team. Bago pa matapos ang third quarter lamang na lang ang ADLU ng one point.




“Leon, ipasok mo na si Michael Sy…” suhesyon ni coach Bong. Ngunit hindi matinag si head coach dahil para sa kanya ay may proper timing ang lahat ng bagay.




Nakiusap naman si Mickey kay AJ na abot ang kanyang mobile phone, dahil pina gigitnaan sila ni Prado, kaya sa likod na lang nito ito idaan. Pag check ng phone ay wala naman tawag or text syang natatanggap, he was about to dial the phone ng tinawag sya ni coach,



“Mickey be ready for the fourth quarter, mukhang mapapalaban ka rito…” ekplanasyon nito. Kaya binalik na muna nya ng patago ang phone kay AJ Agaton.



Natapos ang third quarter, nag karoon pa ng pagkakataon ang kalaban to score dahil sa free throw that they have earned sa foul na nagawa ni Chester, sila pa ang lead ng one point.




“Coach sorry dahil doon sa foul…” nasabi ni Chester while nakabreak sila.




“It is alright, babawi tayo mamaya, good job nga pala doon sa lead kanina… Mag-pahinga ka muna Ches…” ang sabi ni Coach Leon.



Napag tanto ni coach Leon na nag pay-off naman ang mga risk na kanilang ginawa, may mga series of unfortunate events lang talaga na nangyari.




Bago mag-simula ang game ay kinausap ni coach Leon ng masisinsinan si Mickey, “Anak, focus, kung ano man ang iniisip mo, shake that off. You can now go in that game and prove to yourself that you are an achiever, not a loser, because being a loser and having a life of regret is a choice, being a winner on the other hand is a gift on which ikaw mismo ang tutupad nun… Don’t let us down Mickey, you can do it… Nandito lang kami sa likod mo…” at mukha namang nagising ang dugo ni Mickey sa encouraging words ni coach Leon.



The UAAP Finals – Game 1: Fourth Quarter

It was the last quarter for Game 1 for the UAAP Basketball Final Game. ADLU’s opponent has a one point lead of an advantage, but it wouldn’t really matter, dahil nag-balik na ang ace player na si Mickey and he didn’t disappointed the team and as well as the fans.



“Hahaha… Loko itong si Sy pinakaba pako… Kailangan lang pala ng tuning up… Imagine after ilang minutes ng ball game, ahead na tayo ng 15 points…” ang sabi ni Marian and EIC ng Lenoirian.



Doon na nya inexecute ang the Great Defense is a Great Offense theme nila for that year. He scored several 3-pointers na walang kasablay sablay, mukhang nawala na ang kanyang mga worries.




Ngunit sa kasamaang palad, ng nasa kalagitnaan na ang game ay biglang napatid ng di sinasadya ang small forward na si Jaydee Castro and he accidentally twisted his ankle. Sabay tawag naman ni coach Leon ng Time-Out. Tinawag naman ni coach si AJ Agaton, “AJ I’ll be giving you instructions… Ikaw muna ang papalit kay Jaydee…” at lumapit naman ito kay coach ngunit bago lapitan ay kay pumunta muna ito kay Sy,




“Ui Mickey phone mo, mukhang may tumatawag… Kanina pa yan di ko lang sinasagot.” At sabay abot ni AJ ng phone kay Mr. Nice guy.




Kinabahan si Michael Sy, nanindig ang kanyang balahibo with that call na hindi naman nya alam ang number. 



He instanteaneously answered it.




“Mickey si Adam to, I was trying to call Allen pero out of coverage area phone nya… Nandito ako sa ospital now, I was calling the nurses station minutes ago kaso walang sumasagot, kaya ikaw ang naisipan kong tawagan, si David…” sinabi pa lang ni Adam ang pangalan ni David, “Why Adam anong nangyari kay David?”




“Si David nangingisay rito di ko alam ang gagawin…” Adam was panicing. Wala ng inubos pang oras si Mickey tinawagan niya si Dra. Ricafuente ang kanyang tita.




“Tita… Si Adam tumawag, si David…” ramdam ni tita Nina na hingal na hingal ng pamangkin, “Mickey calm down, you are in your game right? Medyo maingay lang rito sa ospital may emergency kasi may banggaan sa kalsada ng bus sa EDSA, rito dinala yung mga biktima, kaya magulo rito ngayon, so what about David?” tanong ng tiyahin.




“David’s friend Adam called, si David, nangingisay…” hindi pa tapos si Mickey sa phone ng kinuha ito ni coach Leon, “Di ba we have agreed on this, no phone calls while we are in a game?”




“Pero coach that is an emergency… Please coach…” pakiusap ni Sy. Ngunit tumunog na ang buzzer senyales na natapos na ang time-out ng team.




Mickey was shouting, “I need to go coach…” ngunit di sya narinig nito dahil mas lalo pang umingay dahil start na ng game,




Kitang kita naman ni Anika na nag-iba na ng aura si Sy, from a very much inspired man, he look defeated at that time. Nakita na naman ito ni Prado, as usual infuriated with the scene.




And indeed, nakaapekto nga ang pangyayaring iyon sa ace player ng ADLU na si Michael Sy.




In the last remaining minutes ng game, ay wala syang magagawa kundi ang pumalpak, he has let go of his will to win dahil ang focus ng isip nya ngayon ay na kay David Castillejos, dumating pa sa point ng ipinasa sa kanya ng bola ay derecho ito sa kanyang mukha, his nose was now bleeding. Nag-patawag si coach ng kanilang huling Time-Out dahil blood was now gushing on Mickey’s nose. That time out was very vital para sa last minutes pa sana ng kanilang game play.




“Okay ka lang Sy? Doc kaya pa nya?” while Mickey was being checked by the team’s doctor.
Ngunit sumagot na si Michael ng, “Coach I am really sorry I needed to go…” at tumayo na ang ace basketball jock.




While on TV, napansin naman ng commentators ang paliwanagan ni coach at ni Mickey “So what’s this? It seems the ADLU head coach Leon Fernandez is having this fiery confrontation with Michael Sy…” at dinuktungan pa nung isang commentator, “What’s this Michael Sy is leaving the hard court, with out the aide of their team doctor…”



It seems na nakuha na nila na paalis nga si Michael , “He is literally walking away the game…” ang sabi ng commentator, napansin naman ito ni Anika na hindi naman pinalagpas ang pag-kakataon.  




Sumunod naman si Prado, sinundan naman ng tingin ni coach Bong ang mga susunod na pangyayari, “Shoot Leon si Prado…” kinabahan na ito dahil alam na nya ang posibleng mangyayari. Pinasundan naman nya ito with the other team members, kasama ang best friend ni Mickey na si Chester Ylano.




Dali-dali naman kinuha ni Sy ang kanyang gamit sa locker room.




When he was about to leave, at ng nag-turn sya ng isang hallway, sinunggaban naman ni Anika si Mickey ng halik. Kitang-kita naman ni Jech-jech Prado ang lahat.




“Tang-ina mo Mickey…” galit na sigaw nito, sabay hablot sa girlfriend at balibag rito.




Sa gulat ay sinunggaban na rin ni Mickey si Prado, at doon na nag-pang abot ang dalawa.




Doon na umawat ang ibang team mates na wala sa game.




Ngunit ramdam na ramdam pa rin ang tension sa dalawa.




“Ikaw babae ka… Ang landi landi mo… Ano bang nagustuhan mo sa lalaking yan na wala ako, lalaki naman ako di ba? Lalaking-lalaki…” sinisigaw un ni Prado sa tenga ni Anika, “Makinig ka sa bawat sasabihin ko ha…”, “Since nandito na rin tayo, mabuti na rin siguro na magkaalaman na.”




“Mag-kaalaman?” sabi ng isang team mate ng Quicksilvers Team.




“Shit Prado, I don’t have time for this…” aalis na sana si Mickey ng sinalag sya ni Jech-jech.




“Ah, ah, ah… You should be here for the big reveal. Gusto ko ikaw mismo ang makarinig.” Mockingly ay tinapik pa nya ang balikat ni Mr. Nice Guy na mukhang hindi na nice ng mga oras na iyon.




Kinakapitan naman na ng kaba si Chester Ylano, while namumuo ang pawis ni Sy.




At itinuloy na ni Prado “Apparently, magiging co-ed boys basketball team na pala tayo.




“Co-ed? Ano bang pinag sasabi mo Jechs?” derechuhin mo nga sabi ng isa nilang team mate.




“Remember yung kumakalat na balita…” pag sambit ni Prado sa kanila, “Alin yung may bading sa isang basketball team? Di ba nga, malamang sa ibang team un…” pag kontra ni Marthy.




“Shut up, patapusin muna ako, well apparently dyan kayo nag-kamali. I do have my reliable sources, and I have confirmed, a faggot is now lurking among us…” sabay titig ni Jechs kay Mickey.




Namumuo naman ang pawis ng ace basketball player na si Michael Sy, wala pa mang kinoconfirm ay mukhang hinusgahan na sya ng mga ito, nakakabingi ang katahimikan, na kahit si Anika ay hindi makapaniwala sa mga naririnig,




And from nowhere, binasag ang katahimikang ito ng isang tao.




“So what? So what kung bading ako? May problema ba doon mga tol’? Was there a time na pinahiya ko kayo?” pag-salo ni Chester Ylano sa kaibigang pinakamamahal.




Lahat ng nandoon ay nagulat sa pag-amin na iyon, ngunit wala ng mas nagulat pa kundi ang best friend nyang si Michael Sy. Hindi maipinta ang mukha nilang lahat sa rebelasyong inilabas ni Mr. Ylano.



NEXT CHAPTER:
The Accident - CHAPTER 11 - ****** For the next chapter, it is still a work in progress...  Update ko kayo as soon as naisulat ko na...