Sunday, September 25, 2011

Tears for a Son (A Short Story)


"Tears for a Son"
A short story written by Adrianne A. Aguilar



I love you Adam… Yan ang kaisaisang bagay na hindi ko nasabi sa’yo anak… Mga salitang napakadaling sambitin ngunit mahirap patunayan… sa talang buhay ni Mang Bert doon pa lang sya napahagulgol sa iyak, na kahit sa pagkawalay nya sa kanyang asawa ay hindi niya nagawa.





~*~





Si Adam ay isang masunuring bata, he is the type na aral ng aral at sabay uwi ng bahay. Hindi mabarkada at mabibilang lamang ang mga kaibigan. Na eenjoy na nya ang mga simpleng bagay tulad ng pag-sulat at pag babasa. Adam graduated in college with flying colors, dean’s lister pa nga sya ng kanyang Psychology department. Ngunit isang bagay ang hindi nya na pyschologize, ng nalaman na lang nya na he is having an identity crisis and that is one thing na hindi nya mainintindihan. Sinubukan niyang kausapin ang mga magulang ngunit inisip na lang nya na sarilinin ito at sa kanyang isip na kaya nya pa itong labanan.

Samantala, si Mang Berto naman ay isang abang Security Guard sa isang sikat na mall sa kanilang probinsya, na promote ito bilang isang head security makalipas ang 10 taon nito sa serbisyo, eto mismo ang tumustos sa pag-aaral ni Adam, na isang only child. Nahirapan kasi sa pagbubuntis ang kanyang ina, kaya sya lang ang natatangi nilang anak.





Makalipas ang isang taon, after his graduation, Adam’s mom, Anna, died because of the complications of her illness, matagal din ang kanyang naging sakit na halinhinan nilang inalagaang mag-ama ang pinakamamahal na si Anna.





~*~





At ng nawala na ang ilaw ng tahanan, animo’y nagbago na ang lahat, tahimik na sa bahay, the only time na nagkikita ang mag-ama ay tuwing agahan, bago pumasok si Adam sa kanyang bagong pinapasukan.
Gumigising si Mang Bert para ipag-luto ng agahan ang kanyang anak, na maaga pang papasok sa kanyang trabaho na malayo pa sa kanilang bahay, ngayon tumatayo na sya bilang isang ama at isang ina para kay Adam.






Samantala, si Adam naman ay nag tatrabaho bilang isang HR Assistant para sa isa sa mga pinakamalaking kompanya sa bansa.  Madalas ay ginagabi na ito sa pag uwi dahil sa byahe, madadatnan na lang nya ang kanyang ama na minsan ay tulog na, at kung minsan naman ay nakainom pa. Siguro ay nag rerecover pa sa pag-kawala ng asawa.






“Lord, bantayan nyo po si Papa… Tulungan nyo po syang maging matatag sa kanyang pinag-dadaanan. Alam ko pong hindi makakatulong sa kanya ang pag-inom, ngunit kung eto lamanag po ang magiging paraan para sya ay makalimot ng panandalian ay hahayaan ko po sya… Salamat po sa walang sawang pag-aaruga… Amen…”





Dasal ni Adam sa tuwing makikita na ganun ang kalagayan ng amang si Mang Bert.






Naging mabuti naman ang mga sumunod na buwan, maliban sa isang dagok na dumating sa kanila, umuwi na galit na galit si Mang Bert,






“Putang-inang mga bakla yan, magpapatayan lang dun pa sa mall na pinag-tatrabahuhan ko…” sabay dabog sa may mesa. Nagising naman si Adam sa kanyang pagkakahiga sa may sofa, pagod ito dahil sa mabusising trabaho.





“Bakit Pa? Ano ba ang nangyari?”





Hindi na lang makasagot si Mang Bert, pero ng dumating ang ilang araw nalaman na lang ni Adam na nag-aapply na pala ang kanyang ama sa ibang trabaho dahil natanggal na pala ito sa serbisyo, dahil sa pangyayari sa loob ng mall na kung saan isang 13 year old na lalaki ay binaril ang kasintahanag 16 year old na lalaki rin, at sa huli ay nagpakamatay ang 13 year old, he was held accountable dahil hindi raw trained ang kanyang staff sa pag check sa mga mall goers.





Lumipas ang labing isang buwan, ilang linggo, araw, oras, mga minuto at ilang segundo, at dumating na ang anibersaryo ng pagkamatay ni Anna, ang pinakamamahal na ina at asawa.






Marami ng bagay at mga taong dumating sa buhay ni Adam, sa ngayon sya muna ang gumagasta sa pang araw araw na pangangailan dahil hirap na si Mang Bert sa pag hanap ng trabaho dahil sa kanyang edad. Samantala mas lumala pa ang pag-inom ni Mang Bert.





Isang araw sa pag-kalasing nito, ay umuwi pa ito na umiiyak,





“Pa, hinihintay ko po  kayo… Pupunta dapat tayo sa puntod ni Mama, nakalimutan nyo na po ba?” tanong ni Adam kay Mang Bert.





“Huh? Anong sinasabi mo? Nandun ang nanay mo sa kwarto natutulog, ayun nga mag luluto pa sya ng pananghalian mamaya…” sagot  ng lasing na lasing na si Mang Bert.





At yun na, dun na naputol ang huling pisi ng pasensya ni Adam.





“Pa, wala na si Mama, Patay na siya! Naintindihan nyo po ba? Isang taon na syang wala…” habang niyuyugyog ni Adam si Mang Bert sa kanyang kalasingan.





“Punyeta! Adam ginagago mo ba ako ha? Buhay pa ang nanay mo, pinapatay mo na? Yun rin ba ang gusto mo? Patayin mo na rin ako? Para makasama mo na yung kinakasama mong bakla? Akala mo di ko alam ha? Nakita ka ng kumpare ko nakikipag lampungan ka dun sa kalsada…” kusa na lang lumabas iyon sa bibig ni Mang Bert.





Laking gulat naman ni Adam ang kanyang narinig. Sinubukan nyang talikuran ang wala sa sarili nyang ama.





“Aba… wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita…” at akmang sasampalin na sana ni Mang Bert si Adam ng ito ay sumagot…





“Sige ituloy nyo! Kung yan ang ikagagaan ng loob nyo ituloy nyo… Kung yan ang makakpagpawala ng galit nyo, kahit ilang beses nyo pa akong saktan ay tatanggapin ko… After all these years it’s not about you loosing mom in your life… It is about me pala, I am the greatest disappointment na hindi nyo matanggap… Kaya kung yaan mismo ang magpapagaan sa loob nyo, sige ibigay nyo na ang pinakamalakas nyong sampal…” lumuluhang sinabi ni Adam sa kanyang ama.






Natigilan si Mang Bert sa kanyang mga narining, nanghina ang mga kalamnan nito, hindi alam ang sasabihin. Umalis naman si Adam sa kanyang kinatatayuan at nag alsabalutan.





Lumipas ang ilang araw ay wala ng narinig si Mang Bert na kahit anong balita sa kanyang anak.





Lumipas pa ang ilang linggo, ng may kumatok sa kaniyang tahanan,





“Mawalang galang na po, kayo po ba si Mr. Alberto Santillan?” mga autoridad pala yun, at may mga itinanung sila rito, at ng may iniabot na munting sulat ang mga kinauukulan.






“Bakit? Anung nangyari kay Adam?” nangangatog nitong nasabi.





~*~





I love you Adam… Yan ang kaisaisang bagay na hindi ko nasabi sa’yo anak… Mga salitang napakadaling sambitin ngunit mahirap patunayan… sa talang buhay ni Mang Bert doon pa lang sya napahagulgol sa iyak, na kahit sa pagkawalay nya sa kanyang asawa ay hindi niya nagawa.





Nag-iiyak sya ng nag-iiyak hanggang sa pag-pasok ng kabaong ng kanyang anak sa tabi ng kinalalagyan ng kanyang asawa, hindi na nya ulit nasilayan pa ang mala anghel nitong mukha na maihahalintulad mo rin sa mukha ng sumalangit nawang si AJ Perez, dahil sa pinsalang natamo nito ng ito ay masagasaan ng rumaragasang pampasaherong tren na kasama ang isang hindi kilalang lalaki.






Kina-umagahan ng maglilinis na ito ng kwarto ng nawalay na anak, ay isang sulat ang kanyang natagpuan nakatago ito sa may ilalim ng mesa, matagal ng naalikabukan, ramdam mo ang pagmamadali at galit nito dahil sa pagkakalukot ng papel na ginamit, laking gulat ni Mang Bert, sulat pala yun galing kay Adam.





Pa, hindi ko alam kung saan ko sisimulan, matagal ko ng kinubli ang aking nararamdaman, ngunit alam ko na kahit kailan ay hindi nyo matatanggap ang kasarian na pilit kong nilabanan ngunit nahihirapan akong iwasan” at ng mga oras din ung tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Mang Bert, nakapatong sa mga natuyong luha ni Adam dahil sa mga lumang tinta na nasira sa pag kasulat…





Wala na akong magpagsabihan, wala na si mama pa sa totoo lang, bago mawala si mama, nalaman nya  Akala ko nga ay magagalit sya, ngunit laking tuwa ko ng buong buo nya akong natanggap Ng mga huling araw nya pa, pilit nya akong kinausap na sya na raw ang magsasabi sayo, ngunit pinigilan ko sya Natatakot ako at the same time nahihiya Alam kong kahit kailan hindi ko matatawaran ang pag-aaruga ninyo sa amin ni mama Na naiisip ko, kahit kailan ayaw ko po na maging isang major disappointment sa inyo pa Alam kong namatay si Mama na mabigat ang loob dahil sa aking pakiusap, mabigat ang loob dahil ramdam nyang hindi nya ako natulungan Siguro nga ganuon talaga, ikukubli ko na lang ang aking lihim pang habang buhay. Ngunit ng mga nakalipas na araw ay may gumugulo sa akin, wala naman akong malapitan dahil iilan lang ang aking kaibigan. Sumagi na rin sa aking isip na sabihin sa inyo ang sitwasyon ng ilang beses, ngunit natanto ko na ayaw ko ng makadagdag pa sa bigat ng inyong nararamdaman. Tanging ang papel at tinta na into ang aking magagamit upang mailabas ang hirap na gumugulo sa aking puso’t isipan. Pa, nagmahal lang po ako, nag mahal po ako ng taong aking kauri, minahal ko po siya ng buong-buo ngunit sa mga mga sumunod na araw linggo at buwan it seems nag-iba na siya, dumating sap unto na nasasakal nako sa kanya. There are times na pisikal na nya akong sinasaktan. Ilan beses ko ng sinubukan na makipag hiwalay sa kanya ngunit ilang beses nya na rin akong binalaan na kung ako ang lalayo, masasaktan nya ang mga taong mahal ko sa buhay... Pa, kaya ako sumusulat ngayon dahil pipiliin ko ng sumama sa kanya, wag lang kayo masaktan. Wag kayong mag-alala pa, hindi ko naman po kayo kakalimutan. I love you pa...






Sa puntong iyon, tuyo na ang mga luha ni Mang Bert. Ngayon alam na nya ang pinagdaan ng kanyang anak. Pisikal man siyang nasasaktan, ngunit para kay Mang Bert mas matimbang ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak sa pagtatago ng napakabigat na dalahin tungkol sa kanyang sexualidad.






Lumipas ang ilang linggo, lumabas na ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Adam at ng isa pang hindi nakikilalang lalaki. Ayon sa report,  idineklara nila itong “Crime of Passion”, hindi rin ito nalalayo sa insidente na nang yari sa mall ilang buwan na ang nakakaraan. Ang lalaking hindi pa nila nakikilala ay kinilala na bilang si SPO1 Julian Federino, na nakilala ni Adam isang araw ng pauwi na siya sa trabaho, sila ay nagkagustuhan at sa huli ay naging magkasintahan. Ngunit seloso pala ang pulis na si Julian, at sa huli pati mga katrabaho ay pinag seselosan na nito. Nakita ang isang notebook sa bahay ng namatay na pulis kung saan nakasulat ang galit, selos at ang pag mamahal nito kay Adam. Anak si Julian ng isang tanyag na Police Colonel, na napag alaman din na kikubli rin ang nararamdaman tungkol sa kanyang sexualidad sa napakahabang panahon. Isang araw ay nagdesisyon si Adam na tumakas sa mga kamay ni Julian, at sila ay nagpangabot sa estasyon ng tren, at doon na nga nangyari ang isang kalunos lunos na trahedya.





Para kay Adam at Julian, isang pakikiramay hindi lang dahil sa buhay na nawala, kundi sa pagmamahal na natuldukan dahil sa mga hindi maiiwasang nararamdaman.






Nakikiramay din ako sa mga taong nawawala sa landas dahil sa kanilang mga itinatagong nararamdaman dahil sa kanilang sexualidad. Tayo man ay nabuhay na iba sa kinasanayan, ang mahalaga ay tayo ay nagmamahal, mag-mahalan ng walang pag-iimbot o pag-aalinlangan.





~* ~





Ang istoryang ito ay para sa mga kaluluwa ng mga yumaong sina Jake at Jonathan. Higit ang aking admirasyon sa batang si Jake. Biktima lamang sya ng mga pagkakataon at sa huli ay nakapag desisyon sya na gumawa ng mga irasyunal na bagay. Ngunit isa lamang siyang batang nagmahal...  Nagmahal ngunit tinapos sa isang trahedyang pumukaw sa buong bayan.





Ang mga karakter sa aking istorya ay kathang isip lamang, bagamat kathang isip lamang ang mga karakter na ito ang kanilang mga nararamdaman ay sumasalamin sa isang pawang katotohanan. Ako ay naging mapalad dahil nagkaroon ako ng mga magulang na may bukas na isip tungkol sa aking sexualidad, ngunit marami pa ring mga aking katulad na nagkukubli o nagtatago sa kanilang nararamdaman, hindi ko sila masisi, ganun talaga ang mundo, mahirap i-please, Ngunit at the end of the day may tanong ako, saan ka nga ba magiging maligaya?






Do what you think is what’s best for you... Weigh your options, hindi problema ang pagtatago ng nararamdaman, ngunit kung nakakaapekto na ito sa iyong buhay, hindi masama na magsabi dahil hindi ka nag-iisa...





Isang magandang araw sa iyo aking reader...











   

6 comments:

  1. Heartfelt :') Filipino or English, you write really well! You're simply gifted with creative writing skills! Galing!

    ReplyDelete
  2. Thank you! I really appreciate that, kasi mas naiinspire akong mag-sulat kapag may nababasa akong ganto na comment... Kudos to you!

    ReplyDelete
  3. you are simply my best writer!.. Keep up!

    ReplyDelete
  4. nice!!!! very inspiring!!!!naman!!! galing galing!!!

    ReplyDelete
  5. A very eye-catching story! Loved the moral of the story for it uplifted my consciousness towards the issues we, the members of the LGBTQ community if facing. :) Kudos Adrianne!

    ReplyDelete
  6. @Emonne... Maraming Salamat, I hope makapag sulat ulit ako ng ganitong theme for a story next time :)

    ReplyDelete