The Writer’s Apprentice
Story Written By R. Mercado - A. A. Aguilar
Chapter 2: The Start-up Challenge
Once
Upon A Time... In a far far away... May isang taong nangangarap na mahanap ang
Knight in shining armor niya. Perpekto na sana ang lahat dahil una, walang
wicked witch na nagbibigay ng nakakalasong mansanas, wala rin sa kwento ang mga
mahaderang madrasta o ingiterrang kapatid at higit sa lahat hindi naman siya
nakatira sa dagat at kailangan niya pang ipagpalit ang kanyang boses para
magkaroon ng mga paa. Tao siya Ok. Tao. Ang problema nga lang, hindi siya
nakasuot ng ball gown considered na siguro na pwedeng mayroon siyang buntot.
Hihihi. Pero hindi kasi siya prinsesa kundi prince charming rin hinahanap yung
kapwa niya nakasuot ng pantalon.
“Teka ano ba itong iniisip ko?”
Napapailing-iling na lang ako ng mag-isa
habang ngumingiti. Im still in euphoria. Sino ba naman kasi ang hindi? Kagabi
lang ng magpalitan kami ng PM’s ni Mr. Aidan Aguirre. Kahit sobrang
nakakastress ang work, Im kinda inspired dahil sa mga nasabi niya sa akin
through facebook. So here I am again, at iche-check ko kung mayroon na siyang
bagong mensahe.
Laking gulat ko ng nabasa, “Seryoso
kaba rito Aidan?” sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat kong
maramdaman sa pinaka latest na message niya sakin…
Aidan Aguirre:
Almost done with the story, just
finishing the last parts, send ko na lang sa iyo maya-maya for approval and
proof reading... :) basta don't forget to be resourceful sa Chapter 2
Huwaaat? Oo, ganun talaga ako
mabigla. But seriously, hindi ko alam kung kailangan ko ng magdasal ngayong
alam ko ng malapit na siyang matapos sa Chapter 1. Malapit na nga ba o tapos
na? Hayys ano ba yan. Pero syempre Aidan is Aidan. Kaya ko nga siya idol eh.
Nasabi na rin naman niya na nagkaroon agad siya ng ideya kagabi ng magka-chat
kami. Hindi na dapat ako mabigla. Mas tama sigurong sabihin na kailangan kong
kabahan ngayong papalapit na ang aking turn para ituloy ang aming kuwento.
Nagpalit na ako ng ng damit para mas
maging kumportable ang pakiramdam ko. Nagtimpla na rin ako ng kape para
mainitan ang aking sikmura.Self-confessed caffeine addict ako. Kaya siguro
bagay na rin sa akin ang trabaho kong call center agent. Kape na rin siguro ang
dahilan kaya madalas ay kailangan kong magbilang ng sangkatutak na tupa para
maatasan si Sandman na budburan ng antok ang aking mga mata.
Ngunit ibang sitwasyon ito. Hindi
lang ako iinom ng kape para sa pang-agahan. Iinom ako ng kape dahil gusto kong
manatiling gising at mabasa ang Chapter 1 ng kwentong “The Writer’s
Apprentice”. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa oras na iyon.
Kaya naman binuksan ko kaagad ang aking email account at tiningnan kung may mga
bagong mensahe na akong natanggap.
Hindi nga ako nagkamali. May mga
mensahe nga sa aking email. Ngunit galing ang mga ito sa mga masugid kong
tagapagsubaybay sa kwento kong “The Love Comeback”. Isa na rin ito sa aking
routine tuwing umaga na basahin ang mga komento sa aking akda. Iyon kasi ang
pinaka lifeline ng aking pagsusulat. Kung hindi sa kanilang mga komentaryo ay
hindi ako magkakaroon ng pagpupursige na magsulat. Sinuri ko naman kung
mayroong email si Aidan ngunit wala naman akong nabasang bagong email address
na malamang ay galing sa kanya.
Biglang nahagip ng aking mga mata
ang mensahe ng blogger sa akin.
[Kian Matteo] New comment on The
Love Comeback (A Prologue)
Iyon ang notification ng blogger
kung may bagong komento kang natanggap sa iyong blog. Supposedly, eh hindi pa
dapat ako makakatanggap ng komento sa blog kong iyon dahil under construction
pa siya. Katunayan. ay yung prologue pa lang talaga ang nakapost doon.
Pangalawa, ay hindi ko pa naman ito naipo-promote sa facebook o sa kahit anong
social networking sites. Wala rin akong pinagbigyan ng link ng blog ko dahil
gusto ko lang muna mag-concentrate sa blog ni Sir Mike at gampanan ang aking
papel na resident writer. Dahil na rin syempre sa kursiyudad ay tiningnan ko
ang komento.
Galing kay Idol!
Nakaplaster ang ngiting binasa ko
ang komento.
Aidan Aguirre has left a new comment
on your post The Love Comeback (A Prologue):
Ang lalim... Kailangan ko ng second round ng reading,
Kudos to the writer na super challenge ang utak ko... On my way to Chapter 2...
:)
And for the second time around ay
kinilig na naman ako sa ginawa niya. Seryoso pala talaga itong si idol ng
sabihin niya na babasahin niya ang aking kuwento. Ngunit nahihiya talaga ako
dahil baka hindi ito pumasa sa standards niya.
Binuksan ko ulit ang facebook tab at
napagdesisyunan kong sagutin ang kanyang huling mensahe sa akin.
Kian Matteo:
Nakakatakot ka na Aidan.. hahaha :D
One sitting mo lang natapos yung Chapter 1 *sweating
:-|
Kung ano ang nararamdaman ko ng oras
na yun ay yun talaga ang ini-reply ko sa kanya. Kung pwede nga lang sana
included talaga yung pawis ko sa mensahe eh. Hihihi. Habang naghihintay sa
sunod niyang mensahe o sa email niya ay ginalugad ko muna ang aking facebook
account.
Pare-parehas pa rin ang laman ng
aking timeline. Mga album folder na naglalaman ng iisang tao na may iba-ibang
pose, mga ads na ni-like ng mga friends ko sa facebook, mga posts tungkol sa
walang hanggan finale atbp. Nang mapagod ay nagtungo muli ako message box ng
fb.
Hinalungkat kong muli ang mga
palitan namin ng mensahe ni Aidan. At nandun na naman ako sa puntong
ngumingiting magisa. Konti na lang talaga mental na bagsak ko. Pero hindi lang
talaga ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Nasa ganoon akong pagmo-moment ng
biglang magpop ng bagong mensahe si Aidan. “Si Idol!!” sigaw ng isip ko. Mabilis pa sa alas kuwatro na tiningnan ko ang
kanyang reply sa nauna kong mensahe.
Hindi kaya naistorbo ko siya? Maaga
kasi akong nakauwi. Yun ang shift ko sa linggong yun. Hindi naman siguro. At
mula roon ay binasa ko na ang kanyang bagong mensahe.
Aidan Aguirre:
Parang nanigas ang kalamnan ko sa
pagkakabasa ng mensaheng iyon. It should have been expected. Pero ewan ko ba at
talagang kinakabahan ako. Kung susumahin ay talagang natapos niya lang ang
Chapter 1 in one seating! Kung ikukumpara ko ang oras na kinakailangan ko para
matapos ang isang kabanata ay walang-wala talaga ako. It takes me a Jurassic
Era para maisatitik ang ideya ko para sa isang chapter. Kaya nga noong magusap
kami ni idol patungkol sa panuntunan namin sa pagsusulat ng kuwento eh deadline
agad ang pinuntirya ko. Im not really good in deadlines at baka ma-disappoint
ko lamang siya kapag ganoon ang set-up namin.
Napabuntong hininga na lamang ako,
knowing that its now my turn to continue the story. Bago ko basahin ang email
niya ay nagiwan na rin ako ng mensahe sa kanya.
Kian Matteo:
Hi rin Aidan! Im on it na po. Will
message you back kung may tanong ako.
Nagreply din naman agad si idol.
Aidan Aguirre:
Ok Ken.. I’ll just wait for your go
signal if I can post it na :)
So ayun, nang mabasa ang reply niya
ay pumunta ulit ako sa aking email account para basahin ang Chapter 1. Ilang
saglit pa ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakangiti na naman at
bahagyang natatawa sa Chapter 1. Paano naman kasi ay kuhang kuha niya ang
reaksyon ko noong nabasa ko ang mga mensahe niya sa facebook. Ginamit niya rin
ang mga PM’s namin sa isa’t isa para mabuild-up ang Chapter 1 ng “The Writer’s
Apprentice”
Clearly, Keith (My counterpart in
the story) was my doppelganger. It was like reading my own autobiography. I
must commend Aidan for immortalizing my personality to Keith. Nang matapos ko
ang aking binabasa ay napalitan na naman ng kaba ang sayang naramdaman ko
kanina. Maraming tanong at agam-agam na naman ang nagsimulang lumabas sa aking
isipan.
Paano kung hindi ko magawang
pantayan ang nagawa niya? Paano kung hindi ko man lang madaplisan kahit
kaunting istilo na mayroon siya dahil iba rin ang aking pamamaraan? Paano kung
masyado lang akong na-excite sa isiping makakatrabaho ko sa isang katha ang
isang Aidan Aguirre? Paano kung puro na lang paano ang maisulat ko?
Ang hirap naman! Sana pala inisip ko
muna ang maaring maging kumplikasyon pag nagkataon. Baka naman on the process
talagang magaway kami at masira pagkakakilala namin sa isa’t isa. Napatitig na
lang ako sa kawalan habang nalulunod ang aking diwa sa mga katanungang hindi ko
mahanapan ng kasagutan.
Sinubukan kong magbukas ng MS Word
program ngunit bahagya akong nakaramdam ng kahungkagan ng makita ko ang malawak
ng espasyo na naghihintay mapunuan ng karugtong ng kwento sa aking utak.
Mistulang ang blangkong dokumento ay ang kasalukuyang estado ng aking pagiisip.
Blangko.
Sinimulan kong mag type ng mga
salita ngunit nagiging suki ata ng aking daliri ang ‘backspace key’ at lagi
lamang nitong binubura ang mga nailalagay ko. Sa sandali namang makakabuo ako
ng isang pangungusap ay ang backspace rin ang pumapatay rito. At ganung kwento
rin ang nangyayari kapag nakakabuo ako ng isang talata.
Sa wakas, sa isang oras na paglalaro
ng aking kamay sa keyboard ay nakabuo na rin ako ng dalawang salita:
Chapter
2
Iyon lang. Ang Chapter 2 na hindi ko
maituloy-tuloy o kahit masimulan man lang. Siguro nga ang kabang naramdaman ko
ay napalitan na ng takot. Takot na baka kapag naipasa ko na sa kanya ay
rejection lang ang makuha ko. Ok lang naman sana ang ma-reject pero mas masakit
lang kung manggagaling sa kanya. Sa dalawampu’t limang kabanata na aking nagawa
sa aking sariling kuwento ay nakaranas na rin ako kahit papano ng mga
pangungutya o minsan ay pambabastos sa aking naisulat. Dapat ay sanay na ako
ngunit waring lahat ng maaring sabihin ni idol sa akin ay laging mayroong
epekto sa aking pagkatao.
Pinili kong iwan ang MS Word
document at ‘nag-save as’ na lang sa pangalang “The Writer’s Apprentice Chapter
2”. Kung tutuusin ay kahit hindi ko ginawa iyon ay alam ko rin naman ang laman
ng file na iyon. Lupaypay pa ring naghanap ako ng inspirasyon sa internet.
Una akong pumunta sa youtube. Minsan
kasi ay dito rin ako nakakakuha ng iba-ibang inspirasyon para magsulat. Minsan
rin ay nakakatsamba akong makapanood ng mga videos na gawa-gawa lamang ng
iba-ibang tao. Yun yung mga kantang ginagawang background sa isang video. Sa
simpleng ganoon lang ay nagagawa nitong palawakin ang aking imahinasyon.
Nasa ikatlong video na ako pero wala
pa ring nangyayari. Wala yung inspirasyon na kailangan ko para magawa ang
ikalawang kabanata. Animo’y para akong
nagsawa bigla kakapanood ng videos o kakapakinig sa mga musika. Nakakapanibago
lang dahil bihira ang mga pagkakataong susuko ako sa paghahanap ng quality
videos para makatulong sa aking pagsusulat.
Bumalik ako sa facebook para muling
magbasa ng mga nakalagay sa news feed. Same old story. Mga status na
nakabalandra at walang ginawa kundi umasang maipaabot sa mga taong
pinaparinggan. Pumunta uli ako sa message box at ipinaalam ko na kay Aidan na
nabasa ko na ang Chapter 1.
Kian Matteo:
Hi Aidan! Ok na ako dun.. Thanks for
enlightening me.
Aidan Aguirre:
I’ll publish it now :)
Kian Matteo:
howkei and I will also try to depict
Chapter 2 on my mind o.O
Akala mo ang lakas lang ng loob ko
eh para sabihin iyon. Kahit alam kong wala pa kong nasisimulan. Hanggang sa
nagpadala ulit siya ng isa pang mensahe.
Aidan Aguirre:
Kaya mo yan Because I believe in
you.. :)
Parang gusto ng tumalon ng puso ko
ng mabasa iyon. Hindi ko alam pero ang mga sinabi niya, even though its via
chat really meant and affected me a lot. Syempre in a good way.
Aksidente ko namang napindot ang
pangalan niya sa chatbox. Na-direct naman kaagad ako sa timeline ni Aidan.
Gamit uli ang mouse ay nangahas uli akong galugarin ang kanyang account most
specifically ang kanyang profile picture album.
He had these photos na iba-iba ang
hairstyle. Nakita ko ring ang iba sa kanyang primary photos ay ang design cover
ng mga completed novels niya. He must be very proud sa kanyang mga gawa. Well,
he should be. After all, siya ang naging dahilan para maibalik muli ang apetite
ko sa pagsusulat.
Wala pa naman talaga akong
napatunayan. I had this background in journalism pero hanggang background lang
yun. Wala pa naman talagang nailathala na gawa ko kahit sa school paper man
lang. Naging correspondent lang ako sa unibersidad namin noon ngunit hindi ko rin
kinaya sa pressure ng deadline. I already gave up this writing thing. Hanggang
sa isang araw na ginawa ng Diyos, natisod ako dito sa blog ni idol. It carried
the name boykisses.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay
parang nakaramdam uli ako ng gutom na naramdaman ko na rin noon. Gutom upang
isabuhay ang mga kwentong itinatago ko lamang sa sarili ngunit hindi ko
nabibigyan ng pagkakataon na mailapat sa papel.
Bigla akong napaisip ng malalim...
Parang nakita ko na yata kung ano
dapat ang gawin kong inspirayon sa pagbuo ng Chapter 2! Binuksan ko ang photo
editor ng aking laptop. Kinuha ko naman ang kanyang pinakabagong profile
picture at inihanda ito sa pagedit. Wala
rin naman akong talento sa pag-edit pero basta, may balak ako sa picture niya.
Hehe.
Bago ko lagyan ng kung anu-ano ang
larawang iyon ay tiningnan ko muna ang mga mata nito. I really cant believe
that this thing is happening. Noon kuntento na ako sa tanawing nakikibasa lang
sa comment thread sa blog niya. Sa mga replies niya sa mga nagkokomento sa
kanyang kuwento.
But now, Im writing something with
him. Nakakataba talaga ng puso. Namalayan kong nakatulala na pala ako sa
picture niya. At ng mag-focus uli ako sa mga mata niya ay para namang
nagungusap ito na tapusin ko na ang Chapter 2.
Nilagyan ko lang naman ng text ang
ibabang bahagi ng larawan. And it read: I D O L <3 b="b">3>
Pagkatapos ay sunod kong binuksan
ang bluetooth ng laptop at ipinasa sa aking cellphone. Next thing I knew ay ang
mismong larawan na iyon ang ginawa kong wallpaper ng phone ko. At talagang may
heart ah? Hihihi
“Hindi naman niya makikita eh!”
sigaw at kontra ng isip ko.
Nang tuluyang itabi ko ang cellphone
sa aking laptop ay nagawa ko na muling buksan ang MS Word document. Sa puntong
ito ay parang may sariling buhay na ang aking mga kamay na nagsimulang tipain
ang mga letra sa keyboard.
Dapat pala ay hindi ako sa youtube
nagpunta. Kung inspirasyon lang din pala ang hinahanap ko ay dapat bumalik ako
sa taong unang nagbigay sa akin noon. Walang iba kundi si Idol Aidan ko.
Namalayan ko na lang na ang unang
pahina ay nadagdagan ng isa pa at isa pa at isa pa! Hanggang sa napansin kong
medyo nakalalayo na pala ako. At naging tuloy-tuloy ang pagtype ko ng mga
salitang naging pangungusap na naging talata na unti-unting bumubuo sa takbo ng
ikalawang kabanata.
Sakto namang natapos ako at siyam na
pahina ang naubos ko para matapos ang kasunod ng kuwento. And it felt great.
Kapag ganitong may natatapos akong bahagi ng isang kuwento ay para akong may
inilalabas na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko rin yung sense of
fulfilment na parang may ginagawa akong tama.
Nahagip muli ng aking mga mata ang
larawang ipinasa ko sa aking cellphone. Naalala ko naman ang naisip ko
kani-kanina tungkol sa Prince Charming at ang Knight in shining armor. Ang
daydream na iyon ay laging nagre-replay sa utak ko. Siguro gamot ko na lang din
sa stress. Minsan gusto kong sisihin ang mga karakter sa kwento ni Aidan sa
pagdi-daydream na iyon. Sa mga tauhan sa kwento niya ay nabibigyang buhay nito
ang mga pantasya ko at sa imaginary na tao na hinihiling kong makasama. The
usual Prince Charming type.
I then wondered kung ganun rin ba
siya. Sabi nga nila, writers tend to put their personal qualities unto their
created characters. Kapag tinanggal ko kaya ang label na “writer” kay Aidan
sino na kaya ito? Siya pa rin kaya ang Idol ko? O siya na ba yung mga tauhan sa
bawat kuwento nito.
Well, I can never tell. Ngunit
malakas ang pakiramdam ko na ibang-iba si Aidan kay Lance ng Intertwined Lovers
o kay Dane ng The Homophobic.
Binuksan ko na uli ang aking email
at nailagay ko na ang Chapter 2 bilang isang attachment. Pagkatapos ay agad ko
naman itong naisend sa kanyang email address. Nag-message naman uli ako sa
kanya sa facebook para ipaalam dito na tapos na rin niya ang Chapter 2.
Kian Matteo:
Aidan! Hehehe.. Tapos ko na yung
Chapter 2 bale sent na po sa email address mo :D
Aidan Aguirre:
Thanks Kian! I’ll check it later...
Saglit akong natulala uli sa harapan
ng laptop. Nang walang anu-ano ay nagtype ako ng isang mensahe. Huli na nga
lang para bawiin ko ang sumunod kong mensahe sa kanya. Huli na rin ng malaman
ko na baka iba ang isipin niya sa sinabi ko. “Ang tanga-tanga mo talaga kahit
kailan Kian!”
Kian Aguirre:
Aidan? Pwede ba tayo magkita? Kung
pwede naman, saang lugar ka mas convenient?
Siguro ang mga tanong na iyon ay mga
tanong na nagmamaka-awang kumawala sa aking isipan. Pero paano kung iba ang
isipin niya tungkol dito? Baka sabihin niya nagyayaya ako ng date or something?
Dapat siguro pinaliwanag niya na kung magkikita man sila ay tinitiyak niyang
tungkol sa kuwento ito at walang kinalaman ang kanyang personal na interes.
“Wala nga ba?” tanong ko ulit sa
aking sarili.
Nakita kong nagreply ito. Parang
gumana lahat ng reflex ko sa katawan at agad kong nai-minimize ang chatbox ni
Aidan. Natatatakot kasi ako sa sagot niya.
Bumilang ako at inipon ang lakas ng
loob na nasa aking katawan.
“1...2...3..” at binuksan ko ang
chatbox ni Aidan.
NEXT CHAPTER:
Chapter 3
Walang dating itong story dalawa na nga ang nag sulat wala pa rin d tulad sa mga dati mong kwento, kya siguro ako pa lang ang nag cocoment.
ReplyDeleteOo nga parang hindi pinag isipan, what happend sa "favorate" kong writer :(
ReplyDeleteOh my god! Nabasa nyo na di pla ito. Cant believe my friends also read this and same lang ang sinabi nila sa opinyon nyo guys. How sad naman ano nangyari kay Mr. Adrianne? Prang wala na siyang ganang mag sulat.
ReplyDeletebaka di mo namamalayan nyan sir dane na ginagaya na niya ang mga stories mo. babasahin at kukuha ng idea and then ihahawig ang stories nya sa mga stories nya OMG :(
ReplyDeleteoh my god bat puro negative comment dto oh my di nila nagustuhan ang stories mo? minalas ata nung nag sama ka ng ibang writer? mr. rouge mercado nasira mo ata ang stories,.. :(
ReplyDeletejosh
Sige guys! comment pa! I would really like and love to hear more comments from you all...
ReplyDelete