Wednesday, October 17, 2012

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear (Chapter 4)



Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter IV: The Vulture
Sa panulat ni Adrianne A. Aguilar








He slowly went into this place na naisip niya, alam mong kinakabahan si Elijah dahil namumuo ang pawis sa kanyang noo, and the to his surprise…




“Lalala…” a familiar voice was humming, “Si Teddy Bear lalapit kay Panda Bear, hugs and kisses…” wala man si TL Paul Jake sa tono kumanta ay kinilig naman si Elijah sa kanyang nakita. Ngunit hindi nya alam how to approach him.





Hinayaan nya na lang muna ito and he slowly walked away. But it did not seem to work.





“Ahem…” ubo ng isang familiar na tao.





At napaharap lang si Elijah rito.





Again, nilapitan ulit ni Paul Jake si Elijah ng masinsinan, “…a coin…” and he pull it out kunwari nang-galing sa kanyang ilong.





“That was close…” nasabi lang ni Elijah sa kanyang sarili. At napakamot sa kanyang ulo. Aalis na sana ito patungo sa kanyang station ng, “A-a-ah… Where are you going?”





Napalunok lang ito and he pointed out on his desk, “At my station sir?”





“Mukhang may nakalimutan ka?” as Paul Jake reminded him.





“Huh? Ano ba ang nakalimutan ko?” natanong nya sa kanyang sarili.





“Hahaha… Ano ka ba? May amnesia? Sa mga mushy stories lang nangyayari yun… Pero what a sweet idea di ba? Mawawala yung love pero love pa rin yun dahilan para magkita sila ulit?” bigla lang nasabi ni TL out of nowhere.





“Ano ba ang sinasabi ng damuhong ito about love?” again the confused agent told himself.





“Anyways… Yung Teddy Bear mo hiniram ko lang. Cool gift nga pala… Maraming salamat!”
 and Mr. True Love tapped his shoulders.





Tamang-tama naman na parating si Annie papuntang CR, and she loudly commented, “Sis, nag-bablush ka…”





“Hmmm… Asar!” and Elijah stomped on his feet on the floor grabbed his teddy and walk away from Paul Jake.





The latter was just smiling at him.





For the next coming months ganun ang magiging set-up ng dalawa. Kahit ang mga team mates nila ay confused na rin sa mga nangyayari.





“Ui Annie, kayo ang super close ni Elijah, ano ba talaga sila ni TL?” tanung ni Gelai rito, “Malay ko? Kahit kasi ako naguguluhan sa set-up nila eh… Oh tignan mo…” and she was now pointing at them.





“Baka sila na… Tignan mo at hinila pa ung upuan, ang ganda ng lola nyo…” biro ni Andy.





“Heller? Usual scenario na kaya ng dalawa yan…” pag-agree ni Gelai sa sinabi ng kasama.





And therefore they concluded na parang sila na wala lang confirmation na nangyayari.





Sobra sobra ang pag-sisilibi ni TL Paul Jake kay Elijah na kahit na nung nag sick leave ito ay personal pa syang pinuntahan ng boss para kamustahin si Mr. Barretto.





And on the day na sya ay nakabalik sa opisina.





“So magaling ka na siguro?” masinsinang tanong ni Annie.





“Sis, syempre magaling na yan, magaling na doctor yung nag-alaga eh… Imagine si TL…” pang aasar ni Gelai.





“Uii… wala naman ganyanan, he just visited me briefly, walang ganun na nangyari…”





“Okay, okay, sige… we will just pretend na walang nangyayari, bulag at bingi kami sis, isama mo na rin ang pipi…” pagbibiro ng kanyang partner in crime na si Annie.





Napansin naman ni Gelai na may parating, “Ayyy speaking of the devil, este angel pala… Ay hindi… Ay ewan…”





It was Paul Jake, he was alluring as usual, Elijah was about to go back to his seat ng, “So how are you doing?” at nilagay ni TL ang kanyang kamay sa noo ni puzzled Elijah, lahat na naman ng agents na malapit sa kanila ay napatingin.





“Oh that’s good, at least magaling ka na… Pero ayaw kong mabinat ka… If you feel that you are about to get sick again just tell me okay?” and the boss went into his desk already.





And Annie then talked to Gelai, “Sis, bulag, bingi at pipi tayong dalawa…” sarkastiko itong pinarinig kay Elijah.





And then again he stomped his feet on the floor sign na sya ay inis na inis.





In the coming months, mas magiging close pa ang dalawa, Elijah has a good track record sa work. Top earner din sya among the agents sa kanilang kompanya, he was later promoted into a SME or a Subject Matter Expert, next na doon ay ang TL post, abot kamay na nya ang kanyang pangarap pati na rin si TL.





An hour bago umalis papuntang opisina si Elijah, ay kausap nya ang best buddy na si Dian, “So kamusta ang interview at exam mo?”





“Piece of cake teh! At least may program sila ngayong one day processing…” tugon ni Dian rito,





“Yeah maraming agents na rin ang umalis eh… Malay mo doon ka sa team ko mailagay… Kakaalis lang din ni Raffy eh…” kwento ni Elijah sa kaibigan.





“Nice… request mo na sis para mag kasama tayo…” suhestyon ni Dian, sumagot naman ang kaibigan ng, “Well depende pa rin yun, HR pa rin ang magdedecide, pero I try ko…”





“Oo kaya mo yan, close naman kayo ni TL malay mo makagawa sya ng paraan…” walang ka abog abog na sinabi ni Dian.





“Syempre naman ayaw ko naman samantalahin ang kabaitan nung tao.” Sagot ni Elijah.





“Chos lang teh, di ka naman mabiro… Anyways, job offer na lang hinahantay ko. What time ka ba papasok?”





“Papasok na rin ako…  Bakit naman?” tanong ni Mr. Barretto.





“Libre mo naman ako ng dinner… wala nakong pera eh… O sya… kita kits mamaya ayan na yung HR personel, may dala dalang folder…” and nag paalam na ang dalawa sa isa’t isa.





Hindi makahindi si Elijah sa kanyang kaibigan, mag kababata sila dahil since from grade school ay magkaklase na ito. Kay Elijah naman hanggang sa okay naman ang kanilang pag kakaibigan hindi un hindrance para mag pakatotoo ka, pero sa case ni Dian, need I say more?



~*~




Nagkita ang dalawang mag best friend sa McDonald’s, medyo nakakunot na ang mukha ni Dian. “Teh, tagal mo ha? Gutom na akels…”





“Ang trapik naman kasi… So musta yung job offer?” natanong ni Elijah.





“Pwede na kesa sa wala… So grab ko na ang oportunidad… Order na tayo please…” pilit ni Dian.





“O Sige, here is 500, coffee lang ako, pampagising, kaw na bahala sa order mo…” at iniabot nya ang pera.




“Ang haba ng pila, mukhang mapaparami ang kain ko…” at may lumapit na staff para kumuha ng kanilang order. Dian maxed out ung pera na binigay sa kanya ni Elijah, then lumipat na ung order taker sa customer sa kabilang line.





“Ui sis, look ang cutie naman nung guy… Mukhang familiar sya…” at nginitian naman ni Dian ang lalaking kinukuhanan ng order ng girl staff.





Pagharap ni Elijah laking gulat nya ng si TL Paul Jake pala yun, he was also there to buy some food, at coffee na rin, sinubukan sanang tumalikod ni Elijah pero nahuli na ang lahat, “Hey… Elijah, so what’s for dinner?” natanong nito kay SME Elijah.





“Mag coffee lang ako sir, sya nga pala, this is my best friend… Dian Aguiluz… Dian this is my boss Paul Jake Santos…” at iniabot naman ni Paul Jake ang kanyang mga kamay sa kaibigan ni Elijah, super kilig at abot hanggang tenga ang ngiti ni Dian.





“Nice meeting you Dian, I hope that you can make it on our team. By the way, Paul Jake na lang, masyadong pormal talaga itong si Elijah kung minsan… Pwede rin na PJ na lang…” suhestyon nito.





“Dian would also be fine… And yes I am also hoping to be a part of your team…” kung hindi pa uusad ang pila ni Paul Jake ay hindi na sana bibitiw si Dian sa mga kamay nito.





“Ang hottie nga nya in person friend… Ay kailangan gumalawa galaw ka na baka maunahan ka pa…” as he reminded his best friend Elijah.





Hindi na lang ito sumagot, kasi until now hindi pa rin nya ma define ang sitwasyon nilang dalawa.





Napansin naman ni Dian na di na umusad ang kanilang pila, ang dami pala ng order nung nauna sa kanila, five minutes more ay tinawag sila ng familiar na voice, si TL Paul Jake na naman.





“Guys, I already covered your orders… Medyo mahaba yung pila nyo… My treat…” as he invited the two.





“Sir…” Elijah was about to hesitate, “Sir sir ka dyan… Sige ka sayang naman itong food…” sabi ni PJ.





“Oo nga, libre naman na nya… Uutangin ko muna tong 500 ha? Bayaran ko sa next pay day…” bulong ni Dian sa kaibigan.





Wala naman ng nagawa si Elijah but to go with the flow, halatang halata naman na kilig na kilig si Dian sa mga nangyayari.





And they seated na mag kakasama.





“Ilalagay ko muna ang mga gamit ko rito sa tabi ko…” ang sabi ni Dian, wala naman ng naging choice si Elijah kung hindi umupo sa tabi ng kanyang TL.





“I ordered you some burger and fries… Kagagaling mo lang sa sakit kaya kumain ka…” at iniabot ito ni TL sa kanya. Hiyang hiya naman si Elijah sa scene, di na sya makasagot rito, at kumain na lang. Pero bakas na bakas sa kanyang mukha na hindi ito mapakali.





While si Dian ay di mo mawari kung kinikilig sa dalawa o sadyang nag fiflirt kay Paul Jake, medyo napahaba ang kanilang conversation dahil mahaba pa naman ang oras bago ang simula ng kanilang shift. May pag kamadaldal rin naman si Dian, kaya maraming nalaman na personal stuff tungkol kay Elijah ang boss.





And it was now time to say their goodbyes.





“Anyways nice meeting you Dian… See you soon…” bati ni Paul Jake rito. “Ako rin PJ, hope to see you soon too!” at lumapit si Dian kay Elijah, “Salamat sis ha… Jackpot yan… bayaran kita sa pay day, ciao!”





And so they parted ways, sabay na pumasok sina Paul Jake at ang seemingly awkward na si Elijah,  mas pinalala pa ito ng pagpasok nila all eyes were glued on them.





“Ako na naman? Pwede bang iba na lang?” nasabi ni Mr. Barretto sa kanyang sarili.





Pero hindi titigilan ng intriga si Elijah ng tunay na estado ng kanilang relasyon ng kanyang boss.





Lumipas ang mga araw ay nasa training stages na si Dian sa kompanya. It so happen na isa sa mga araw na iyon ay umabsent ang trainer nila kaya Paul Jake was tasked to replace her for the time being.





Laging iniimbita ni Dian si PJ for a meal, pero syempre isasama naman ni TL PJ si Elijah, kaya naguguluhan lalo siya sa set up.





And then dumating na ang balita na babalik na ang dating trainer nina Dian, kaya nung last day ni Paul Jake sa training ay naisip ni Mr. Aguiluz na, “This is now the time… It is now or never…”





Break time nila noon sa training, nagkataon na papunta sa CR si Elijah noon, ang daming calls, kaya napadami ang inom nya ng kape at napakain din ito, kaya he wanted to be in the nearest toilet.





On the other hand, papunta si Paul Jake somewhere, sinundan naman siya ni Dian,





Katatapos lang magbawas ni Elijah, pag labas nya sa cubicle, he was very disturbed with the said scene that he saw na ang tanging nasabi nya was, “Whattaheck?”



NEXT CHAPTER:
Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear

4 comments:

  1. nakalimutan ko na kwento nito daddt


    :'((

    ReplyDelete
  2. well ayan anak may update na... :) ill update it more in the coming days... :)

    ReplyDelete
  3. did Dian and PJ kissed? OMG! Gulo na ito. Ahahahah. Na-miss ko yun story pati na un The Accident. Thanks Dane sa pag-update. :)))

    ReplyDelete
  4. Thanks dhenxo sa pag subaybay... By the way it is for you to know sa next chapter what happens... Nakakatuwa lang alam ko isa ka sa mga loyal readers ko and I really appreciate that... :)

    ReplyDelete