Tuesday, October 23, 2012

The Writer's Apprentice (Chapter One)



"The Writer’s Apprentice"
Story Written By A. A. Aguilar – R. Mercado
Chapter 1: The Rules of Engagement








Lakas ng loob, yan mismo ang isang bagay na nagtulak sakin upang buong tapang na maisulat ang kaunaunahan kong gay love story ang “The Love Comeback”, ngunit yung mismong lakas ng loob na iyon ay hindi ko makakamtan kung hindi dahil sa isang tao, isang tao na kahit kailan ay hindi ko man lang nakilala ngunit sa bawat istorya na kanyang isinulat, nililok, minahal, masasabi kong ngayon ay napalapit nako sa kanya. Pinaluha nya ako sa “Intertwined Lovers”, pinakilig sa mga banat ng “The Homophobic” at syempre makakalimutan ko ba ang “Wanted: Pet Lover” kung saan kapangalan ko pa ang main character na si Kian.





Ngayon na nasa ika-25th Chapter na ako sa aking isinusulat may mukha na akong maihaharap sa kanya, sabihin na lang natin na mataas lang talaga ang pag-hanga ko kay Aidan Aguirre dahil buong tapang nyang pinararataring ang gusto nya sa pamamagitan ng pag-sulat, even it is taboo or something na tataas talaga ang kilay na magbabasa nito.





At dumating na ang araw na sya ay aking nakadaumpalad, I was browsing my Facebook, ng makita ko thru one of my friends na common friends nya ang bagong post nya na story.





I decided to like his post.





Nagulat ako ng sumagot kagad ito thru a post, “Salamat Kian… :)”





Aaminin ko kinilig ako, para bang kinurot ang aking puso ng ang hinahangaang ko writer sumagot sa akin for the very first time.





Looking at his pictures ay mas lalo pa akong naging interesado sa kanya, medyo malaman sya than the usual staple of the hunky or payatot na guys, a cross breed ni John Lloyd at ni Geoff Eigenmann. Payatot kasi ako eh, kaya I am into stocky guys, ewan ko ba, sa tinagal tagal ngayon lang ako nagkalakas ng loob para sendan sya ng isang friend request.





And for the second time around ay ginulat na naman nya ako ng walang pag aalinlangan ay inaccept nya ang aking FB friend request, and from that very moment doon na nagsimula ang interaksyon namin Mr. Aidan Aguirre.





At around that time, I decided to have a post on my FB wall regarding the new chapter ng “The Love Comeback”, kausap ko yung isang common friend ko na si Aran, about sa bagong post ko.




Aran T. dela Torre:  asan na :)





Kian Matteo:  soon ate.. naubos kasi ng wrong turn 5 yung romantic side ko GrrRrrr.. kainis..





Aran T. dela Torre:  ayyy!nun ko pa kasi hinihintay!!hahaha!!hamishu Kian!!!





Kian Matteo:  miss you more teh!!! Now drafting chapter 25 :)





Aran T. dela Torre:  yey!sana mapost na..hahaha!demanding lang..ingat ka Kian..mwaahh!





At sa gitna ng aming conversation ay bigla na lang may pumukaw ng aking atensyon, it was Aidan, he liked my post, at hindi lang un may bonus pa.





Aidan Aguirre: wow so you are the writer of that story... nice! :)





Kian Matteo: waaa... dont tell me you read it.. :)  but thanks :)





Aran T. dela Torre: mukang nabasa na nya Kian :)





Na-excite talaga ako of the idea na nabasa na nya ang story ko, mamaya maya pa he replied,





Aidan Aguirre: actually hindi pa, i rarely read other stories kasi baka ma influence ako, alam mo un ganun...  :) pero alam ko how popular your stories are kasi nababasa ko yung comment section sa ibang blogsites... and I wanted to congratulate you for that... Keep inspiring people! By the way do you own your own blog? Para ma follow kita... :)





Hmmm di pa pala nya nababasa, hihihi… But it is just fine, ang mahalaga ay kinakausap nako ng idol ko. And so I replied sa last message nya,





Kian Matteo: hahahah... yeah i have one pro under construction pa lang hehe but here www.roguematteo.blogspot.com





Aidan Aguirre: thanks for sharing, hope to see you around kian!





Kian Matteo: yeah.. you too idol :)





Aidan Aguirre: huh? idol? hmmm... do you read my stories, if you don't mind me asking? and if you do, ano dun un nabasa mo? 




Yun na ang aking pagkakataon upang sya ay aking pasalamatan, for inspiring me to write.





Kian Matteo: haha suki ako ng boykisses idol  I finished intertwined lovers... tapos yung the homophobic  tas yung wanted pet lover din.. ang inaabangan kong lumabas eh yung the gummy bears love story ba yun? Basta yun.. adik lang ako sa blog mo eh.. fave much yung Intertwined Lovers!





Aidan Aguirre: wow, i never heard a fellow writer who is into my stories... and for that I really admire you, and I just remembered, Kian din ang name ng bida ko sa Wanted: Pet Lover...  Again maraming salamat, hope you could be my follower, sa Mike’s SOB ka ba resident writer? kasi matagal ko ng iniisip if I'll open my blog for resident writers eh  dont worry updated na ang Gummy Bear Love Story hope you enjoy the rest of the stories!





Kian Matteo: Yup full time Mike’s SOB resident writer hehe thanks to sir mike kasi pinayagan niya ko on my first attempt na magpost ng first story ko... yeah babasahin ko yung latest update.. you are such an inspiration sana wag kang tumigil magsulat.. hehe





At masyado na akong close sa kanya at nakuha ko pang magbiro… Hihi.





Aidan Aguirre: haha... actually minsan im having doubts kung i22loy ko ba ang pag sulat... pero if alam ko na may mga taong tulad mo na susuporta at magiging inspired... kahit isa lang ay magiging masaya nako... if you can just see my list of ideas, sa story storage ko, ung iba di ko masimulan, siguro nga kailangan ko tapusin ung nauna na... actually bilib ako sayo, di ko kakayanin ang 25 chapters and still continuous na stories... again pinabilib mo ako... yeah ill update you pag may bago... and if magiging okay, kahit small time blog ung akin, you can post your stories there as well, kahit i connect mo na lang sa blog mo, parang promotion narin, tayo tayo lang din naman ang mag tutulungan...





Masyado naman itong humble si idol.





Kian Matteo: dont call your blog small time cause its not...  i will be looking forward talaga if ever i could also be a resident writer on your blog.. thanks really.. ill follow you later





Aidan Aguirre: sure sure... hindi ko lang alam how activate and open the blog to other writers... hahaha... anyways salamat ulit kain lang ako dinner  hehe





Kian Matteo: yup enjoi your meal idol





Ilang minuto ay sumagot pa si Aidan, akala ko ba kakain ka na?... Hihi





Aidan Aguirre: haha, Aidan na lang, wag na idol, ive browsed on your story, may Aidan pala sa mga characters mo...





Ohh shoot oo nga ano, hindi ko nga napansin, hahaha!





Kian Matteo: haha yeah he is the main character on the story... ngayon ko lang din narealize..





Aidan Aguirre: so quits pala tayo, may kian ako sa Wanted Pet Lover and may aidan ka sa The Love Comeback, hahaha... so ano ang tawag dito, recipe to a new story? "Wanted: The Love Comeback?" hehehe




Aidan Aguirre: PEACE : )





Kian Matteo: Hahaha.. parang collaboration ganun? Nyahahaha but I like the idea





Aidan Aguirre: ahaha... pwede why not? maiba lang? pero we should think of another title... kasi parang redundant na... maiba lang, pwedeng mash up ng story mo and story ko na may back up ng story natin sa FB,





Kian Matteo: hahaha gusto ko yan idol... este aidan pala.. we could work that out.. teka are you done with your meal na? Hehehe





That was the last message na natanggap ko sa kanya, lumipas ang five minutes, ten, fifteen, twenty minutes… Bakit kaya nawala sya? Anyways, baka nagutom at kumain pa sya.





I’ve decided na mag ayos ayos na muna since mamaya-maya ay papasok na ako sa aking trabaho.





Ngunit bago ko pa i-off ang aking laptop ay isang PM or Private message ang aking natanggap.






Aidan Aguirre:
Hello Kian! I am back!  sensya na nawala ako biglang napakain...





I was thinking of the collaboration thingee, haha biglang bumulwak ang ideas at concept sa isip ko...





Imagine in the 20 minutes na nawala ako, naisip ko na ung takbo ng story from start until ending, fill in the gaps na lang tayo... 





so shall we start this collaboration?





Kian Matteo:
haha as in ngayon na? raw ideas lang muna tayo
haha galing mo talaga as in may naisip ka na kaagad





Aidan Aguirre:
hahaha... hindi naman literal na ngayon na, exchange of ideas lang muna... yeah more of raw ideas... Working Title, theme, names siguro, since we cannot use our names, Kian would be Keith and Aidan would be Aiyan...





Kian Matteo:
ok got it.. hahaha... so ano yung naisip mong theme ng story?


Aidan Aguirre:
hahaha sabog kasi ung utak ko kung pwede nga lang isulat ko as in now na para di ako bumitaw sa concept mas tumatagal kasi ung story mas nawawala ung drive at passion ko... kaya sana masakyan mo ung kabaliwan ko... hehe...
The story would revolve sayo actually, point of view mo ung mangyayari...
pag nagsulat tayo, I suggest we would be making rules...




Kian Matteo:
yeah.. alam ko rin yung feeling na ganyan... yung feeling na as in kung pwede lang gusto mong tapusin yung story now na




Aidan Aguirre:
yeah sinabi mo pa...




Kian Matteo:
The story would revolve sayo actually, point of view mo ung mangyayari...
pag nagsulat tayo we would be making rules...---- ok sige im listening





Kian Matteo:
i mean reading haha





Aidan Aguirre:
hehehe...
so Working Titles would be: "The Writer Apprentice" or The Apprentice Writer" or baka may suggestion ka? the floor is open...
backdrop of our story would be your story "The Love Comeback" which I am to read in the following days para ma inject ko ung flavor nung story mo, and Wanted: Pet Lover, un kasi ang common denomitor natin...





Kian Matteo:
sounds good... ok na sakin yung The Writer's Apprentice





Aidan Aguirre:
so about rules...





Kian Matteo:
ok sige





Aidan Aguirre:
#1 we should decide, up until what chapter ang story natin, since nakaconnect ito sa rule #2





Kian Matteo:
ok got it... so ilang chapters ba nasa isp mo
i suggest wag nating masyadong habaan
baka masyado tayong maover whelm sa story
i mean maover whelm sa excitement natin ngayon





Aidan Aguirre:
#2 we would be dividing the chapters, pwedeng odd/even number etc., since we would be dividing the chapters pwede na nating lagyan ng central theme ang bawat chapter story or parang summary guide para alam na ng writer in our case sating dlawa para alam natin ang gusto natin gawin sa story, (and i suggest may minimum page rin tayo per chapter... pra may limit





Kian Matteo:
haha





Aidan Aguirre:
hahahaha! i agree...
#3 we would be basing our story to our true to life story... pero hindi natin inaannounce na it was a true to life story, i tell you mas effective yun ganun, yung iniiwan mo sila ng hint of realism para the fans would still ask for more...





Kian Matteo:
ok ako rin ako diyan but i would like you muna to make the first chapter.. mas ok sakin na makita muna yung gawa mo sa 1st chpater
agree din sa rule number 3





Aidan Aguirre:
hmmm about the chapters, ill give you an idea nung takbo ng story para may idea to decide hanggang what chapter tayo...
sure chapter 1 is assigned sakin





Kian Matteo:
hoo kei sige sige... excited much!
hehe




Aidan Aguirre:
#4 we should be open for communication... kung gusto mo akong awayin go, para ma open mo ang utak ko, minsan kasi matigas ang ulo ko eh...





Kian Matteo:
matigas din po ulo ko so ok lang naman kung aawayin mo rin ako wahahaha *evil laugh





Aidan Aguirre:
#5 minimum of 5 maximum 8 to 10 pages... standard font sa MS word, para alam lang natin ung haba ng story... if kailangan i edit i open lang po...
hihihi





Kian Matteo:
ok shoot... sige sige ok lang sakin yung 5-10 pages





Aidan Aguirre:
do you have any suggestions sa rules since collaboration naman ito





Kian Matteo:
ano yung mode of communication natin.. just to be honest hindi ako always online sa fb.. tuwing gabi open ang skype and gmail ko since yun yung ginagamit ko sa work





Aidan Aguirre:
i see. here's my number you can text me if you are online 092*********
ill open my own skype although wala akong cam...
hahaha pwde naman thru email





Kian Matteo:
ok nasave ko na number.. ill text you na lang.. email ko is roguematteo@gmail.com





Aidan Aguirre:
salamat kian! are you about to go na ba?





Kian Matteo:
ahm hindi pa naman i have until 7:00 to chat with you hehehe.. ayaw ko talagang paawat eh





Aidan Aguirre:
we are not done yet with the rules, so far we have five, baka may gusto ka rin idagdag for your own benefit?
hahaha alright sige, until 7...
what about deadlines? do we need that?





Kian Matteo:
rule #6: no time pressure...
no deadlines please
hahaha
as long as mamintain naman natin yung communication siguro ok naman yun





Aidan Aguirre:
good to hear that
kasi me either, i am not good with deadlines... hahaha!





Kian Matteo:
yeah... baka kasi ang ending pag may deadline dun ko siya gawin pag malapit ng matapos
hahaha





Aidan Aguirre:
rule #7 since we would basing this into our life stories, which is okay sayo, (i think) so okay lang din na maging open tayo with our personal lives? what you think?





Kian Matteo:
mas maganda kung ma finish yung story kung kelan mas inspired tayong gaiwn yun





Aidan Aguirre:
hahahhaa! patay ka sakin pag masyadong matagal...
maybe patay rin ako sayo pag matagal ko matapos...





Kian Matteo:
yeah its ok.. ok lang naman sa akin maging open personally since yun nga.. baka may matutunan pa tayo sa isat isa on the process





Aidan Aguirre:
connection sa #7, para may kaunting background check lang at research sa buhay buhay natin...





Kian Matteo:
Magpatayan tayo!
hahaha





Aidan Aguirre:
nice... hahaha





Kian Matteo:
ok ano yung in line with rule number 7?





Aidan Aguirre:
#8 okay lang i correct ang isat isa sa grammar or errors, kasi ako self confessed na hindi ako technical sa pag susulat eh... lalo na sa english pero nag susulat ako ng english ahhaha!





Kian Matteo:
haha ok lang me too hindi rin ako magaling sa grammar thing...
sakit ko pa nga yung typos mnsan.. kasi hindi rin ako mahilig mag edit
pag nagawa ko na yun na yun
hahaha





Aidan Aguirre:
#9 we should agree on the laguange na gagamitin, and we should be aware sa style ng isat isa para hindi mag taka ung readers na ibang iba ang pag kasulat hehehe...
ako minsan tamad din mag edit... hahaha





Kian Matteo:
ok sige... pero tell you what it will ba a hard time for me kung english gagamitin natin... kailangan kong i memorize ang dictionary niyan!





Aidan Aguirre:
hahaha, sige taglish would be fine...





Kian Matteo:
i will also read again yung wanted:pet lover paraa marefresh ako ng style mo
deal! sa taglish





Aidan Aguirre:
and the last most important part ng rule natin... #10 We can't fall in love with each other...

joke!
feelingero lang ako hahahaha!
erase ung number ten, pero sa story existing yan, i tell you...





Kian Matteo:
hahaha natawa ako sa number ten... ok sabi mo eh.. yes master we can’t fall in love with each other
wahaha kala ko serious





Aidan Aguirre:
So welcome to my world, Mr. Kian Matteo, well pwede naman nating gawin serious yung number 10, we can never tell right?

so that concludes chapter one of our story... hihi






Kian Matteo:
yeah malay mo... malay mo talaga eh!!! wahahaha Alright Mr. Aguire should I say Master Aidan





Aidan Aguirre:
adik di mo ako master ha... so ingat pag pasok and nice meeting you, bigay ko na lang sayo yung draft for your approval bago ko I post.





Kian Matteo:
ok sige sige, salamat, and nice meeting  you too! 





At hindi na sya nagreply, yun na yata ang huling reply nya after our very long conversation.





And on that note nag desisyon nako na pumasok na sa trabaho.





Naisip ko lang habang naglalakad on my way to the office, since walking distance lang ang layo ng trabaho ko, na somehow, iba ang naging idea ko of his personality, ibang iba sa idea ko kasi I always relate him sa mga characters na sinusulat nya.





Pero who knows, first impression lang pa lang naman eh, pwede pa naman magbago yun in the coming days. Sa ngayon kailangan ko muna, mag focus, sa work, work, work!




~*~




It was a very stressful night sa trabaho, ngunit masayang masaya ako dahil natapos na ito, at the same time ay nakausap ko kahapon si idol, Aidan ko, ewan ko ba sa sobrang pag ka excited, ay nag decide ako to go online to check kung may mga messages na bago from him.





Laking gulat ko ng nabasa, “Seryoso kaba rito Aidan?” sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pinaka latest na message nya sakin…




NEXT CHAPTER: 
Chapter 2: The Start-up Challenge
http://boykissesbydane.blogspot.com/2012/11/the-writers-apprentice-chapter-two.html

No comments:

Post a Comment