Monday, October 22, 2012

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear (Chapter 5)



Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter V: Revelation
Sa panulat ni Adrianne A. Aguilar











Katatapos lang magbawas ni Elijah, pag labas nya sa cubicle, he was very disturbed with the said scene that he saw na ang tanging nasabi nya was, “Whattaheck?”




“Sir sorry po, pasensya na sa abala nag clog kasi yung toilet kaya umapaw…” pag hingi ng paumanhin ni manong janitor sa kanya.





“Okay lang manong, labas nako ha…” at hindi na nakuhang mag hugas pa ng kamay ni Elijah ng nasalubong nya si Annie.





“Tapos na yung shift mo?” tanong ni Mr. Barretto.





“Yes, ikaw two hours ka pa rito di ba?” she responded.





“Yup, haist imagine the hell na naranasan ko sa may men’s toilet, may hand sanitizer ka ba dyan?” at iniabot naman ni Annie sa kanyang kaibigan ang isang bote.





“Ohh ayan, lumabas ka muna kaya ng makalanghap ka ng sariwang hangin…” suhestyon ni Annie.





“Oo nga I think kailangan ko ng kaunting hangin, at alam kong mag yoyosi ka pa eh.” At sumama si Elijah sa kaibigan.





While nasa smoking area, ay nagkamustahan muna ang dalawa sa buhay buhay.





“Ui balita ko natanggap ung best friend mo sa account natin ha… So kumita ka na naman sa referral, I guess?” as Annie asked him.





“Ahh si Dian, oo patapos na training nun… Mamaya sisilipin ko nga eh at alam ko na break time din nya at around this time…” nakwento ni Elijah. After pa ng ilang minutong pag uusap,





“O sya uuwi nako ha… kamusta mo na lang ako sa best friend mo…” at sila ay nagpaalaman na, nakapara na si Annie ng Taxi ng pag balik ni Elijah, ay napansin nya na naiwan pala ni Annie ang kaha ng yosi nya kanina, pagpulot nya rito ay may napansin itong lalaking naglalakad.





“Ang ganda naman ng sapatos nito, parang ganyan din yung gustong sapatos ni Dian na nakita namin sa mall weeks ago…” at ng sinipat nya yung taong nakita ay si Dian yun patungo sa dulo ng hallway ng smoking area.




Sinundan nya ang kaibigan, ng akmang tatawagin na nya ang pangalan nito ay may nakita pa syang isang tao, nanginig ang kanyang mga kalamnan.





“What is he doing here?” nandun si Paul Jake mas nagulat sya sa mga sumunod na nangyari.





Nang biglang halikan ng kanyang best friend si TL Paul Jake.





Napako lang sya sa kanyang pag kakatayo, ngunit ng narealize how shit that very scene na kanyang nakita ay dali-dali din itong umalis.





“Elijah wait…” nakita ni Paul Jake na palayo ito sa kanila.





Tinulak naman nya palayo si Dian, “Gago naman, what the hell are you doing?”





“But I like you…” boldly sinabi ni Mr. Aguiluz kay Paul Jake.





He angrily answered, “Di mo alam ang ginagawa mo, and the fact that Elijah is your friend…”





Dian sarcastically replied, “I don’t care…”





“You are twisted… Dyan ka na nga…” and Paul Jake walked away para habulin si Elijah.





Humahangos ng takbo si Mr. Baretto sa kanyang station para kunin ang kanyang jacket at susi para sa kanyang locker, gusto na nyang umalis sa lugar na iyon.





Nagtaka naman ang mga kaibigang agents sa floor.  Partikular si Gelai, “Sis, anung nangyari? Anong ginagawa mo?”





Ng mga oras na iyon nanginginid na ang kanyang mga luha. Hindi pa rin sya matinag at hindi makasagot.





“Elijah, I can explain…” isang boses ang narining sa floor, nagulat ang lahat,





Ang ginawa ni Gelai, “Now holding my phone call…” at sya ay nakinig sa mga susunod na mangyayari.





Ngunit wala ng mas nagulat kundi si Mr. Barretto.





Doon na napuno si Elijah, ngunit kalmado pa rin nya itong sinagot, “there’s no need for explanations… I understand…”





Paalis na sana ito ng hinablot sya ni TL Paul Jake, “But you don’t. There is still one thing that you don’t understand yet… Elijah… Ikaw ang gusto ko… Mahal kita!”





Namangha at natulala ang lahat sa kanilang narinig na halos napatigil sila sa kanilang mga ginagawa. Kahit si Elijah ay hindi makapaniwala na gagawin yun ng kanyang most admired na boss.  Sa gitna pa ng kanilang mga kasamahan sa trabaho. Ngunit nangibabaw ang sakit ng kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nakita.





Animo’y walang narining, sinalag nya pa si TL Paul Jake at dali-daling umalis.





Ang buong team ay nagugulumihanan sa mga nangyari, kahit si TL Paul Jake ay walang nagawa kundi habulin muli itofor the last time.





Napindot na ni Elijah ang close door button ng pinigilan nito ng mga kamay ng isang pamilyar na tao.





It was Paul Jake Santos.





He went inside.





Wiped off Elijah’s tears.





And he reached for his face…





And he locked his lips over his.





Hindi alam ni Elijah on how to react on this. But upon the elevator’s bell sound ringing, ay sabay din ang pag dedecision nito, he slapped him on his face… PJ cannot believe it, he really felt defeated at that very moment.





PJ was about to give something to him ng bumukas ang pinto ay bumulalas ang isang pamilyar na mukha, ang mukhang sumira ng pagkakataon upang umibig syang muli, and that was his best friend Dian.





Dinaanan nya lang ito, bahagyang tinignan ng masama, and then he walked fastly sa corridor, and then  sa lobby and he went outside at pumara ng taxi.





Sa loob ng cab mas inilabas nya ang kanyang mga luha, ng pagkatalo, galit, at higit sa lahat ang kanyang pusong ngayon ay sugatan.




~*~





“Good Morning, excuse me, may I know where is the nearest C.R. here?” natanong ni Elijah sa security ng bagong kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan, at binigyan naman sya ng direksyon nito.





Ngunit sa first day nya ng work it seems medyo naliligaw pa ito. Elijah’s sense of direction is not really his forte. And besides medyo malaki ang kumpanyang kanyang nilipatan kaya medyo hirap rin ito sa pag hanap hanap, dalawang tao na ang nag pass by him ngunit hindi man lang sya nag tanong rito. And on the third time, sabi nga nila, the third time is a charm.





He was indeed a charming man, na sya mismo ang nakapuna na mukhang confused si Elijah sa pupuntahan.





“Are you new here?” tanong ng guy with a sweet sounding voice and an angelic face.





Napatungo si Elijah and he demurely answered, “Yes…”





“Ohh… Akala ko, ako lang ang may ganyang ordeal when I first worked here… are you looking for the comfort room? Kasi it is on the other hallway, medyo tago kasi yung location…” at tinuro nya ang shortest way to get there.





Upon reaching the place, Elijah said, “Maraming Salamat…”





“Walang anuman…” and he has this perfectly white smile, and he introduced himself, “I am Gerald Garcia by the way… See you around!” and they slowly parted ways.





After mag banyo para ayusin ang sarili ni Mr. Barretto ay hindi maalis sa kanyang isip yung lalaking kumausap sa kanya.





“Okay ka lang Lijah? Kaya ka nga umalis sa dati mong work is para lumayo sa mga ganitong klaseng conflicts… Tapos eto ka na naman… Mag focus ka na lang sa bago mong work. And besides hindi naman yun ang top reason mo di ba?” naabot na nya ang pangarap, Mr. Barretto is now a Team Leader of a group sa bagong kompanyang inaapplyan two weeks ago.





On his way to the training room for his first day of the product training someone phoned him. “Hello Annie napatawag ka? Wala ka bang pasok ngayon?”





Sagot ng kaibigan, “Wala, nakipag-palitan si Gelai ng Off, kaya eto pahinga ko today. So kamusta naman ang first day dyan? May nakilala ka na ba?” tanong nito.





Ng maalala na naman nya yung guy na si Gerald Garcia.





“No one important, hindi pa rin kasi ako nakakapagproceed doon sa product training room, hindi ko pa rin nameemeet yung manager namen.” Kwento ni Elijah.





“O sya mag kwento ka ha… Miss ka na namin rito and don’t worry malay mo susunod na rin kami ni Gelai dyan, and besides ayaw na rin namin rito, hays kung alam mo lang kung anong mga lagim ang pinag gagawa ng kamote mong ex best friend… Hayyy bad vibes di na muna ako mag kwento…  Instead I wish you good luck on your first day and again Congrats sa new work mo… Mwah mwah!” at nag paalam na si Annie.





“Salamat Annie, miss ko na rin kayo… See you soon!” at ibinaba na nya ang kanyang telepono.





Kumakabog ang pakiramdam ni Elijah ng papasok na sya sa kwarto na pinapupuntahan sa kanya ng HR. Yun pala madadaanan nya muna ang working station nila bago pa marating ang training room na supposedly ay pupuntahan nya.





To his surprise, “Am I in the right room?”





Nakakatuwa ang kanyang nakita, masaya at light ang environment ng lugar dahil ibang iba ito sa account na dati nyang pinagtrabahuhan who focuses more on healthcare, masyado kasing seryoso at pormal sa dati nyang trabaho, ngayon ibang iba mukhang casual ang environment, Elijah who is a self confessed gaming consul addict is like in cloud nine that time, he is now assigned in an account who handles gaming consuls. Natanggap sya sa trabaho at position dahil sa excellent track record nya sa dating kumpanya at sa knowledge nya with games.





And from nowhere may biglang tumawag sa kanyang pansin. “Elijah!”





“Yes, Ms. Villar…” it was the manager who interviewed him. “Karen na lang… Namukhaan kita from afar kaya tinawag na kita… Wag ng masyadong pormal alright? Mukhang napaaga ka? Mamaya pa yung orientation mo and start ng product training… Pero okay na rin yun so that I can introduce you to your new colleagues.”





At inisa isa na ni Karen ang pagpapakilala nya sa mga makakasama ni Elijah sa floor.





Sa mga TL na makakasama nya, sa mga SME’s sa ilang agents na napadaan sa area nila, but it seems may partikular na taong hinahanap si Karen.





“Hey Gina, where the heck is Jer-Jer right now?” curious na tanong ni Ms. Villar.





“Karen si Jer-jer ba kamo? You know that guy kung saan saan pumupunta at sumisipot?” sagot ni Gina.





“Seriously? Jer-jer ang pangalan nya?” Napangiti si Elijah upon hearing the nick name ng taong hinahanap ng head boss nya. Napansin naman ni Ms. Karen ang reaksyon ni Elijah ng tinakpan naman nya ang kanyang pagngiti.





“Don’t worry Elijah, even I, natawa rin ako ng marinig ko ang pangalang yan, just imagine Jer-Jer? Ano bang klaseng nickname yun?” sabi sa kanya ni Karen.





And then came a very familiar sweet sounding voice from Elijah’s back, “Hey hey hey… What’s with the name calling again? Nick name ko na naman ang pinag uusapan nyo, I am a fan of Jar Jar Binks, kaya Jer-Jer ang gusto ko na nick name, walang basagan ng trip.”





“Oh ayan na pala ang self-confessed Star Wars fanatic… Elijah I would like you to meet our Assistant Manager in the floor…” hindi pa napapakilala ni Karen ang taong iyon, ng humarap si Elijah rito.





“Ikaw…” at nagturuan ang dalawa, si Elijah at ang Assistant Manager upon seeing each other.





NEXT CHAPTER:
Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter VI: The Transfer


No comments:

Post a Comment