Wednesday, August 4, 2010

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear



Chapter 1: The Beginning
Sa panulat ni Adrianne A. Aguilar

***It’s is now 6 o’clock P.M. I repeat it is now 6 o’clock P.M.*** maingay na kumalampag ang alarm clock ni Elijah sa kanyang pagkakahimbing.

“Hayy… Papasok na naman…” ang sabi nito sa kanyang sarili, sabay patay sa napaka-ingay na alarm clock.  Medyo tinatamad pa itong bumangon, pero ano nga ba ang kanyang magagawa. Isa na syang bread winner ng kanyang pamilya.

“Papasok na naman, buti na lang at nakatagal ako ng training…” Sabay kuha ng sipilyo at pasok sa bibig nito, kakatapos nya lang maligo.  Nakakatitig ito sa may salamin habang nililinis ang kanyang mga ngipin, nang bigla itong matigilan… Bigla sa isang kisap mata ay pumasok sa kanyang isipan ang kanyang “TL”, hindi TRUE LOVE ha? Kundi ang kanyang TEAM LEADER na si Paul…

“Damuhong yun… Di ko talaga siya magets… Bakit kaya nya ginagawa yun?” muni-muni nito sa kanyang sarili.

Tamang tama naman na katatapos lang niya mag sipilyo ng makatanggap siya ng isang text.

Lijah, can you make it early today?
We’ll have an emergency meeting…
I already texted the rest of the team…
Ingat sa pag pasok! See you at the office!

TL Paul +63927-------

At syempre sumagot naman kaagad ito, “Okay boss… Salamat for informing me…”

In no time maagang nakarating si Elijah ng Alabang, ganun naman sya pumapasok, always an hour ahead sa usual time niya sa opisina. Pero sa sobrang aga niya ayun nag desisyon siya na mag-kape muna sa Starbucks. Doon nakita niya si Annie, member din ng kanilang team.

“Ui Annie! Ang aga mo ata?” sabi ni Elijah.

“Oo nga eh, nag text kasi si TL Paul… Eh tamang tama naman na doon ako natulog sa tita ko sa Muntinlupa. Kaya ayun I came here too early…” taga Laguna pa kasi si Annie, sa pinakamalayong part pa ito ng Laguna nanggagaling.

“Ahh ganun ba? May idea ka ba kung tungkol saan ang meeting natin ngayong gabi?” tanong ni Elijah sa kanyang katabi habang iniinom ang kanyang Mocha Frapuccino.

“Actually wala akong idea eh… Eto yung text niya sa akin eh…” sabay abot ni Annie ng kanyang phone kay Elijah.

Hey Good Afternoon team! We’ll have an emergency meeting…
Hope you’ll all arrive early. I’ll see you all at 8pm at the office!

TL Paul “ang cute”  +63927-------

“Itong babaeng to, type rin pala si TL… But wait a minute… What is this text, GM message ba ito to the rest of the team? Bakit ganun?” napapakamot na naman itong si Elijah. Bakit kaya personal pa ang message na kanyang natanggap mula sa kanyang boss.

Lumipas ang ilan pang minuto at nagdesisyon ang magkaibigan na pumunta na sa kanilang opisina.

Tumungo na ang dalawa sa may conference room dahil sa tuwing may meeting ang kanilang team ay doon nila napag-uusapan ang mga importanteng detalye tungkol sa kanilang trabaho.

“Ui Annie, kamusta na? Hehehe… Kamusta talaga ano? Parang kagabi lang magkakasama tayo… may idea ka ba kung bakit ang aga naman yata ng ating meeting, usually after shifts natin ginagawa ito di ba?” tanung ni Gelai, isa pang myembro ng team.

“Wala rin akong idea… I wish sana magandang balita ano. Kahit nga itong si Elijah, wala ring idea…” sagot nito sa katabi.

Mamaya-maya pa ay dumating na ang may pasimuno ng meeting… Si TRUE LOVE Paul, este si Team Leader Paul pala.

“Hmmm… Is everyone now here?” tanung nito sabay tingin sa mga taong nasa conference table. “Thank God, that we’re all complete and no one got late…” sabay pause nito, “Missy can you exchange seats with Mr. Baretto please…”

Nagulat ang lahat, at napatingin kay Elijah, bakit naman kaya pinalilipat sya ng upuan sa tabi pa ng kanyang team leader. Mas lalo tuloy nag laro ang mga isip ng mga kaibigan sa team ni Elijah. Kahit si Elijah mismo ay nagulat. Medyo hesitant pa itong umupo sa tabi ng kanyang TL Paul.

“Come here now Mr. Baretto, kindly seat here…” hinatak pa nito ang upuan para makaupo si Elijah ng maayos. Hindi tuloy niya malaman kung gusto nya mapakamot sa ulo.

Samantala may kinuha naman si Mr. Paul Jake Santos na isang folder at sandal itong binasa… Mahigit isang minuto din itong nanahimik… “Guys, here is the team’s first ever evaluation report, and I do have some news for all of you… Well… It’s a mixture of both good and bad news actually…” lahat ay lalong kinabahan, magtatanggalan na ba ng mga agents na hindi nakapag perform this week?

Surely ayaw mawalan ng trabaho ang kung sino man, lalong lalo na si Elijah na bread winner ng kanyang pamilya, at syempre sa kadahilanang ayaw niya ring mawalay sa kanyang boss na si Paul.

“Guys… and gals… The good news is… All of you passed the evaluation! Second is the top performers came from our team, that is Mr. Andy Perez and Mr. Elijah Baretto…” at kinamayan ni TL Paul si Andy at sinabi ang kanyang “congratulations”, samantalang kinamayan din naman ni Paul si Elijah, nagulat ang lahat ng biglang yumakap si boss sabay tapik sa kanyang likod, “You deserve it… Keep it up!” sabay bulong nito. Kitang kita naman ng buong team na namumula si Elijah, sumenyas pa si Annie na “girl, you are blushing…”

Elijah really felt awkward by that time… He politely detached himself to his boss and nagpasalamat sa pagbati nito.

“But the news isn’t over yet. Remember there is still the bad news…” then everyone eventually sighed.

And Paul continued… “Since it is a Friday, after our shifts, we are all requested to stay for at least an hour or two, without pay…” nagulat ang lahat, hindi nila alam kung gusto ba nila matuwa or magalit…

“Hey hey guys… Don’t get me wrong on this… We’ll stay for a mandatory celebration because we will have a victory party, my treat!” TL Paul shouted!

Lahat ay tuwang tuwa, at least inuman na naman sa weekend… Napatalon ang lahat sa saya, samantalang si Elijah ay nakaupo pa rin sa silya at tulala… Nilapitan naman siya ni Annie.

“Ui teh, okay ka lang ba?” pag-aalala nito…

Nagising naman ito sa pag-katulala, “Ahh, oo, okay naman ako…” sabay sagot nito sa kanyang kaibigan.

“Ano ka ba tulala ka ba dahil sa napakaganda mong performance… O tulala ka dahil sa kanya…?” tanong ni Annie sa kaibigang medyo naguguluhan pa rin ngayon.

Dahan-dahang hinatak naman ni Elijah si Annie papalayo sa kanyang boss, “Anu ka ba friend, baka naman marinig ka niya…”

“Ano ka ba… Eh di maganda para alam na niya…” sabay tawa ng hitad.

“Okay ka lang teh? Kaw pa nga ang nag-sabi na ingatan ko ang feelings ko di ba? And I might get the wrong impression sa pag-ka sobrang bait niya sa akin…” sabi ni Elijah kay Annie.

“Oo nga ano… Hahaha… Sorry naman, adik-adik lang… Wag ka ng maisip pa… I-enjoy mo na lang kung ano ang meron ngayon… di ba? A good job, and at the same time a good boss… and what I mean with good is a good looking boss… Hahaha!” sabay tawa na naman ni Annie.

“Hindi rin teh… What I mean is hindi naman yan ang nagustuhan ko sa kanya… Don’t get me wrong ha, gwapo si boss yes, actually mas marami pang mas gwapo na mas nagustuhan ako sa kanya. Pero hindi naman yung pagiging gwapo nya lang ang nagustuhan ko sa kanya.” Paliwanag nito sa kanyang kaibigan.

“O sya teh, gets naman kita… Ayy mag 9pm na, magsisimula na ang shift natin…” as Annie reminded Elijah.

“Sorry ka teh, 9:30pm pa start ng shift ko… Hahaha!” sabay tawa nito sa kanyang kaibigan…

NEXT:

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter II: Let’s Celebrate

COMING SOON:

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter III: Confessions of a Drama King?

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter IV: The Vulture

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter V: Revelation