Friday, May 13, 2011

Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear (Chapter 2)



Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter II: Let’s Celebrate
Sa panulat ni Adrianne A. Aguilar

At natapos din ang work shift ng team, pumunta na ang halos lahat sa meeting place, sa may lounge ng opisina nila. Samantalang hinintay naman ni Elijah si Annie na nag-paganda muna sa may powder room. At ayun na nga lumabas na ang pumusturang dalaga.

“Annie, kailangan pa ba na sumama ako?” tanong ni Elijah sa kasamahan niya sa trabaho.

“Ano ka ba? Of course kailangan nandun ka. Syempre you are one of the reason for the success of the team… And sige ka, baka magtampo si TL sayo… Hehehe” sabay tawa ni Annie.

Halatang di mapakali si Elijah, hindi niya tuloy alam kung tutuloy ba siya o hindi. Pero na realize nya na medyo magulo rin naman sa bahay nila, kaya nagdesisyon na rin siyang sumama at makapag-enjoy.

Nakasanayan na rin ata ng mga agents ang kanilang mga ginagawa, kahit nung training pa lang basta bagong sweldo ayun kumpulan na sa mga bar na malapit sa kanilang opisina. At least ngayon boss nila ang magtitreat sa kanila.

Inayos ng bar staff ang mga mesa, kinse rin sila sa team at pati si TL Paul, bale sixteen.
May barkada na si Andy kaya dun sya naupo kasama ang mga kabarkada niya. Samantala nahuli ng dating sina Annie at Elijah.

Tinatawag ni TL Paul ang kanilang atensyon, “Annie, Elijah… Dito na kayo umupo…” at inasistehan ni Paul si Annie at Elijah…

Beer was overflowing that night, umorder na rin si TL Paul ng mapupulutan. Hindi pa rin mapakali si Elijah, dahil katabi niya ngayon si TL Paul.

Lumipas ang ilang minuto ng, “Lijah, hindi mo yata nagagalaw ang beer mo…” pansin nito.

Napansin tuloy din ito ni Annie, “Oo nga teh, diet ka? Diet?” sabay puna ng kaibigan sa kanya. Di nakasagot si Elijah, technically kasi medyo diet nga sya ng mga nakaraang buwan. At eto naman si Annie napaka casual, talagang pinarinig pa sa boss nila ang term na “teh?”, kung sabagay, wala naman siyang dapat itago. Nung una pa lang naman alam na ng kanyang boss na lalaki rin ang gusto niya.

Ang tanging nagawa na lang nito ay lumagok ng beer… “Are you happy now Annie?” sarkastiko niyang sinabi.

“Girlash naman, I was just kidding…” paliwanag ng kaibigan.

Mamaya maya pa ay inihain na ang pulutan. Masasarap ang mga ito, pero ang pinaka masarap sa lahat ay ang inorder nilang sisig.

“O guys… Kain lang kayo dyan ha… Mamaya marami pa…” anyaya ni TL Paul sa lahat. At ng I serve ang pangatlong batch ng sisig sa kanilang tapat ay kumuha si TL Paul ng isang platito, nilagyan ito ng sigig at inihain niya sa tapat ni Elijah. Napatitig din tuloy si Annie sa pangyayari… “Lijah, kain na ha… I hope you are enjoying the night…”

Ayun, awkward na naman ang feeling ni Elijah, nauutal utal tuloy siyang napasagot, “Ah, eh… Of course… yee..ess… I am enyoning… Thank you sir…” yun lang ang nasabi nito.

Well at least nasagot naman niya ang kanyang boss. Pag katapos nun ay nagtanung na si TL Paul sa mga buhay buhay ng kanyang team, nalaman niya na si Raffy ay kasama ang kanyang asawa na nasa kabilang team. Na taga Maynila rin pala si Gelai tulad niya. Si Andy ayun, malakas pala sa pag inom ng beer, maya-maya pa ay tinanong ni TL Paul si Annie,

“If you don’t mind me asking Annie, anong course ang tinapos mo? I’ve noticed kasi na your are very fluent with your English… Did you had an English course before?” tanong ni TL Paul kay Annie.

“Actually I am a Psychology graduate. But you are right TL Paul, I did took up an English course but I later shifted to Psychology after my second year at my school…” sagot ni Annie sa kanyang boss.
Syempre hindi nakalagpas si Elijah sa pagtatanong ng kanyang boss.

“How about you Elijah?” follow up ni TL Paul sa kanya.

“Me? How about me?” halatang confused pa ang agent na si Elijah.

“Yes, you… Sorry hindi yata malinaw yung tanong ko. I was asking, anong course mo po nung college?” paliwanag ni TL Paul sa nagugulumihanang si Elijah.

“Ahh… I am a Nursing graduate… A year na rin po siguro… But technically hindi pako nurse kasi wala pa po akong lisensya…” sagot ng agent sa kanyang boss.

“Talaga? Nursing graduate din ako… Wow what a coincidence…” in fascination Paul said.

“Ahh… That’s very nice at least there is something common sa inyong dalawa ni TL…” tactlessly Annie agreed.

“Ano ka ba Annie…” sabay sita ni Elijah dito, pero wala na rin siyang nagawa kung hindi macommento, “Yeah sir, wow parehas nga tayo, pero BSN na ba kayo sir?” he asked.

“Ah, yes BSN nako. Pero sad to say hindi ko napapapractice yung license ko. Sa totoo lang maraming mga nurses ngayon ang nasa call center industry dahil sa kawalan ng mga ospital na mapapasukan…” at naging subtle ang tono ni TL Paul Jake.

Napansin naman ng dalawa ang kaunting pagkabalisa nito. And as if nag-agree sila pati silang dalawa ay animo ay nalungkot.

“Hey guys… What’s with the face?” puna ni TL Paul Jake, “Ano ba kayo okay lang yun, look at the brighter side, kung nasa ospital ako ngayon eh di hindi tayo nag-karoon ng chance na magkakilakilala right?” at napatingin na naman siya kay Elijah.

He was caught off guard and in the end he felt awkward, napatungo lang ito sa pagkakatitig ng kanyang boss. Napansin naman ito ni Paul Jake kaya he diverted scenario into something.

Tumayo siya sa kanyang pag kakaupo, and he started on uttering some words, “Guys, maraming salamat for a job well done… I hope mag-tuloy tuloy ang performance ninyo na ganito… This is the greatest birthday gift that I could receive now, which is related to my work.”

“What? Birthday ni bossing ngayon?” reaction ni Annie. Actually hindi lang si Annie ang nagulat, the whole team was actually surprised with the revelation that their TL made. Kahit mismong si Elijah ay nagulat.

Hindi pa siya natapos sa kanyang speech, “Kayo na yata ang the best team na nakasama ko, again maraming salamat. Cheers.” At itinaas niya ang kanyang bote ng beer, nataasan din ang lahat, at inilapit ang bote kay Elijah. “Cheers?” and Paul Jake smiled at him, “Cheers boss…” and Elijah smiled back, awkwardly, “Happy Birthday…” dugtong na bati nito.

True Love Paul Jake este Team Leader pala was suppose to reply sa sinabi ni Elijah when the drunk Andy started singing the birthday song, at ayun nag kantahan na ang buong team. Since wala silang cake that night kumuha na lang sila ang lighter at yun na lang ang pinablow sa kanilang boss.

“You could see on his face that he is very happy…” bulong ni Annie kay Elijah, pero tahimik pa rin yung isa, as if tulala… “Bakit ang tahimik mo yata? Hindi ka naman ganyan ha? Emotera ka na naman… Pero pag nasa floor ka ang daldal daldal mo…” puna ng kaibigan sa kanya.

“Wala lang, nag-iisip lang ako kasi birthday pala niya hindi ko man lang siya naregaluhan or something…” Elijah said.

“Nu ka ba check na yun, masaya na nga raw siya di ba? Makasama lang tayo, or should I say makasama ka lang niya…” Annie commented.

“Tumahimik ka nga dyan friend marining ka niya…” sabi ni Elijah, “Like I always said, Eh di maganda para mag-kaalaman na…” at nag-tatawa na ang babaita.

Di nila napansin na umiikot na pala ang kanilang kasamahan na si Amanda taking some pictures using her mobile phone.

“Nakunan ko na sina Andy sir, grupo nyo naman…” ang sabi ni Amanda, napansin naman nya na nakafrown si Elijah, “Ei smile naman dyan Jah”… at finocus na nga nya ang camera ng mobile phone and took the picture. Pinakita naman niya ito sa grupo.

“Okay lang Amanda? Paki-blue tooth naman sakin?” pakiusap ni TL, “Ako rin ako rin…” dugtong ni Annie samantalang wala naman imik si Elijah.

The whole night nagkasayahan ang buong team, weekend off kasi nila kinabukasan kaya skies the limit ang oras. Wala namang sawa sa pag asiste ni boss kay Elijah, even sa pag abot ng tissue ay yun pa rin ang ginagawa nito.

And after an hour or two, ayun they have decided to call it a night. The team already parted ways. Pero as usual, magkasabay sina Annie tumungo sa main road kahit na magkasalungat ang kanilang daan.

“The ano ka ba naman, kakakilig si boss ano… Kung sakin ginagawa yang ginagawa sayo… Hay, lintik lang ang walang latay…” and may naalala si Annie, “Hey I blue tooth ko rin sayo ung pic, alam ko naman na gusto mo rin ng kopya, nahihiya ka lang kanina…” wala naman nagawa yung isa, at sinend na nga sa kanya ang kanilang pic, napatitig tuloy si Elijah, “Ang cute talaga ni TL, at syempre pilit naman ang ngiti ko…” sabi ni Elijah sa kanyang sarili. Then may narinig silang familiar voice, si TL yun tinatawag ang kanilang atensyon. Dali-dali naman itinago ni Elijah ang kanyang phone sa bulsa.

“Dito rin pala kayo sumasakay ni Annie…” ang sabi ni TL.

As usual si Annie na naman ang sumalo ng tanong, “Yes boss, pero tatawid nako kasi sa Muntinlupa pa ako eh, thank you ulit TL, ingat kayo ng friend k pag-uuwi…” at napapahagikgik si Annie palayo sa kanilang pinagkakatayuan.

“So I guess it is just me and you right?” Paul Jake told Elijah, tahimik pa rin yung isa, “Parehas pala ang dadaanan natin.” Ang sabi ni TL.

Wala ng nagawa si Elijah kundi sumagot, kahit na nahihiya siya rito, “Yes boss, pero sa Manila ka right?” sa Las Piñas bayan kasi si Elijah, iba ang daanan kasi nito. Sa coastal kasi dadaan ang sasakyan ng kanyang TL.

And out of nowhere, bigla na lang lumapit si TL Paul, napakalapit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni Elijah, as if he was about to whisper something,

“Oh my God…” at napapikit na lang si Elijah…





COMING SOON:
Si Teddy Bear at ang kanyang Panda Bear
Chapter III: Confessions of a Drama King?
http://boykissesbydane.blogspot.com/2011/06/si-teddy-bear-at-ang-kanyang-panda-bear.html

3 comments:

  1. hahaha kakatuwa naman ung story nito.. neXt chapter pinuno

    ReplyDelete
  2. cutE ng st0ry......next chapter po ^^,
    -regi-

    ReplyDelete
  3. woah!! grabe!! ano kaya nangyari?!?!?! basa mode po ulit :P sobrand ganda ah :]

    ReplyDelete