Saturday, November 10, 2012

The Last Taxi Back Ride (PART TWO)


The Last Taxi Back Ride
PART TWO
Written By Adrianne A. Aguilar



For refreshment/or recap of PART ONE please visit this link:
http://boykissesbydane.blogspot.com/2011/07/last-taxi-back-ride-part-1.html









Brian Trevor Abcede was a party animal, he’s awake 24x7, 5 days on his call center night shift work and the other 2 nights is solely dedicated to his hobby. And if he could have another middle name, that would be Party, party and more party!




Brian, Bri or BT is very well known in the Malate party circuit, lahat yata ng events dun ay pinupuntahan nya every year. Well hindi na rin naman natin siya masisi... He’s the chickboy type, pwede sa chick pwede rin sa boy!




Pero behind that happy-go-lucky image of his ay isang mas malalim na reason sa kanyang partying habit. Bata pa lang sya ay itinakwil na sya ng kanyang ama, dahil sa natuklasan ang kanyang sexualidad, kaya ibinuhos na lang nya ang kanyang sarili it’s either sa work, sa saya, o sa “panandaliang saya”.




“So alam nyo na ang istorya ko... Kayo naman...” as Brian takes his shot. He attended the anniversary or GEB ng isang clan na sinalihan nya. They are currently having their party at some place somewhere in EDSA.




“Liam, shot mo na...” Sabi ng clan leader/founder na si JM.




It was Liam’s third time na umattend sa clan na iyon. He had make some friends there, pero never pa syang naging super close to anyone.





At iniabot ni Brian ang shot glass kay Liam, na animo ay tulala. He took the said shot and from nowhere he received a text message, dali dali nya naman itong binasa.





“Hey, are you alright dude?
You seem to be not in yourself tonight?”
 SOA Brian.member
+63916143****





Napatingin lang ito kay Brian at sumagot lang ng isang ngiti.




Natapos ang kanilang party about 2am, they went into their separate ways, Liam went into EDSA kasi he’s going home sa Pasay pa. While waiting for a taxi a familiar voice was calling him.




“Sakay na...” it was Brian. Pauwi na rin pala ito, sa isang condo sa may Paranaque pala ito nakatira, hindi na nagdalawang isip na sumakay si Liam dahil may mga lalaking nagmamatyag sa kanya simula ng tumayo sya sa may kanto dun sa EDSA. Liam seated beside Brian. Tahimik siya for quite sometime.




It seems nag kakapaan sila kung sino ang magsisimula ng conversation, “I hate this. Kailangan basagin ang katahimikan. Hahaha!” Sabay tawa ni Brian.




“So hindi ka ba nag-aalala, nakainom ako then I am driving you inside my car? Isn’t that irresponsible of me?” tanong ni Brian sa nag-iisip na rin na si Liam.




Pero hindi pa rin natinag si Liam, “Oh well, hindi ko naman iniinom lahat ng shot ko, kaya hindi naman ako umiinom, tikim tikim lang. Sabay tawa na naman nya… “Ganyan ka ba talaga katahimik Liam? And may I just ask saan nga pala kita I drop off. I mean I picked you up sa EDSA without knowing kung saan ka pauwi?” tanung nito.




“Pasay, you can drop me off sa Cuneta Avenue. Salamat nga pala… I am surprised that you invited me over a ride. I didn’t even notice kanina kasi na may dala kang kotse.” At natahmik na naman si Liam after that one long sentence.



“Hmmm… Simply, ayaw ko lang na may makisakay sa sasakyan ko. Hahaha!” tawa na naman si Brian.




From nowhere sumagot si Liam, “Are you sure that you ain’t drunk? Kung ayaw mo pala mag pasakay eh, why invite me for a ride?” pagtataka ni Liam.




Hindi naman sinagot ng isa ang tanung, “Bakit masama bang tumawa? Ganun lang talaga ako. Palatawa… Uiii this is nice at least nag sasalita ka na…” reaksyon ni Brian.




“Hindi naman…” sagot ni Liam.




Matipid ang sagot ni Liam, it seems that something is bothering him.




“Okay okay… Sige suko nako, I’ll just do the talking, anu ba ang gusto mong marinig na I am a player na I do this just for the fun of it? Ganun naman talaga di ba? Gays or bi-guys like us mahirap mahalin, o mag mahal kasi we can’t just focus our eyes for just one prize.




Then Liam defied what Brian said by saying, “Bakit mata ba ang kailangan natin for that prize? Di ba puso dapat?”




“Hahahahahahahahhahahahahha!” walang tigil sa katatawa si Brian.




“Bakit ang corny ba ng sagot ko?” sabi ni Liam.




“You bet… Anyways… Medyo bitin ako sa inuman dun sa party… Okay lang ba if we could drink over at my place?” imbitasyon ni Brian.




Then napaisip ng malalim si Liam, naiisip nya uuwi sya sa Pasay in his small place na nirerentahan nya, na he shared with a fellow bi-friend na madalas kasama ang kanyang jowa at doon gumagawa ng alam nyo na.




“Sure! That won’t be a prob.” Mabilis naman syang nakasagot.




Upon reaching his abode, Brian felt that Liam was a bit casual with everything. He could see it on Liam’s body language. “Have a sit. I’ll just get you a drink.” Liam seated stiffly on Brian’s leather couch.




Then after some minutes the latter have handed a drink that he just prepared.




“Don’t worry that drink isn’t that deadly...” and Brian gave him a teasing sort of assuring smile.




And for the very first time upon arriving Brian’s place, nag salita na rin si Liam. “So you just stay here alone?”




“Weren’t you listening with my story earlier.  I was disowned by my family, when they knew I was gay.” And Brian had gulped on his just prepared drink, “Bottoms – Up!”




“I’m sorry...” that was the only thing na nasabi ni Liam.




“Well I understand... It seems that you were that distracted earlier kaya you didn’t had the chance to even hear my life story.”




By that time Liam was perflexed. Hindi na nya alam kung ano ang isasagot rito. “Here’s the thing about me being distracted...” he wasn’t finished with what he was about to say, it seems that another distraction came out of nowhere.




Brian Trevor Abcede kissed Liam Valdez.




Liam’s eyes popped out.




His lips was resting on his for about a quarter of a minute.




Then tinanggal naman ni Brian ang kanyang pag kakahalik kay Liam, as if he realized something.




Liam reciprocated back by almost teasinging biting his lips. Liam was trembling by that time, alam nyang gusto nya ang ginagawa nya, pero as if he is in some sort of a hesitance. Nakalma lang sya ng hinagod na ni Brian ang kanyang likuran.




Brian rested his body down the floor at sumunod naman ang isa. Di sila bumibitiw.




That drink that Brian said isn’t that deadly was now taking effect on him. Malakas pala ang tama nun, Liam was now probing Brian’s toned chiselled body.




Brian took off his shirt. Liam took down his pants. By that time they were now rolling on the living room floor.




Using his tongue Brian has wet Liam’s ass from his back unto his hole.




“Shoot!” he was in ecstasy by that time. It was like some hot ice came inside him.




Nakadapa na si Liam sa may sahig, his legs spreaded like eagle’s wings. Hindi na nya napansin na nakahubad na pala si Brian, and then there was it! “Ahhhhhh...” he inserted his manhood inside Liam’s wet ass.




He was now pounding this almost like a little boys body, he didn’t stop, sinabayan naman ni Liam ang bawat pag kadyot ni Brian sa kanya. Bawat pag baon, ramdam nya ang kakaibang sarap.




“I am almost there...” mas lalo pang dumiin si Brian. Sabay silang nilabasan.



Tinamad na ang dalawang tumayo. Kumuha na lang sila ng throw pillows sa sofa at doon na sa sala natulog. Nakatalikod si Brian kay Liam, pero ng yumakap si Liam sa kanya, hindi naman nya inalis ang pagyakap nito. And then they both slept soundly that night.




In the morning, Brian asked Liam, “Kagabi? You were expecting a text right? Sino naman yun? Your boyfriend?” hindi makasagot si Liam.




Ano bang gusto mong isagot ko sa tanong mo?  Ang sabi ni Liam sa kanyang sarili. And then he answered “I can’t say na kami na, hindi ko alam promising na sana, pero di naman umattend.” Mukha syang dismayado.




“Sige, ganito for a while let’s have a set up. Simula ngayon boyfriend mo nako. Pero you cannot fall in love with me ha?” sabi ni Brian.




“Huh? Weird? Ano ito? No other woman? No attachments?” sabi ni Liam sa kanya. “Paano naman manyayari yun?” sabi nito sa kanyang sarili.




Then Liam decided to play along with Brian’s game, naging sila pero no emotional attachments, sa harap ng buong clan sila. They kiss, they go home together, have sex. Pero walang emotional attachments.




One time magkatext si JM at Liam, “Sure ka? Walang emotional attachment ang tawag mo dyan? Eh balita ko sinusundo ka pa ni Brian sa work mo sa Makati?” tanung ni JM.




Napaisip na tuloy si Liam, ano nga ba ako sa kanya?




Hindi na namalayan ni Liam na napamahal na si Brian sa kanya.




In the end they were celebrating their 6th monthsary. Pero still no emotional attachments, sa isip ni Liam ganun, pero iba na ang idinidikta ng puso nya.




And nung seventh monthsary nila bigla na lang nawala si Brian sa buhay nya. No text messages, he didn’t even answer Liam’s calls. Hindi nya maabutan sa work o sa bahay man lang niya, as in wala.




On their supposedly eight monthsary natapat na araw yun ng kanilang Clan GEB, bumalik si Brian sa clan, and he was introducing another boyfriend, with the name Andy.




Liam gets drunk, uminom lang sya ng uminom. Sa umpisa medyo composed pa ito, pero ng sa huli, when they were playing this game of truth or consequence, naging iba na ang tono ng usapan. The clan was asking the newbie Andy the bagong boyfriend ni Brian, kung ano ang nagustuhan nya kay Brian, and in the end eto ang sinagot nya… “Actually I didn’t expect na maiinlove ako sa kanya… He even told me na don’t ever fall in love with me, pero in the end naging kami, and the feeling is mutual… Ganun talaga sya he is like he’ll put you under a spell and in the end malalaman mo na you are already in love with him? Right honey?” Sabay halik kay Brian.




By that time dumating na sa boiling point niya si Liam.




“Ahh… So yun din pala ang sinabi nya sayo, well apparently he’s luring all of us under his spell?” loudly Liam stated to the whole clan.




Pilit syang inawat ni JM, “Liam you have too much to drink. Hinay hinay lang…” at pinaupo  nya si Liam.




Sa pagpupumiglas, tumalsik ang iniinom na beer ka Andy.




“Shit, what’s your problem dude?” Akma na sanang manununtok ni Andy ng inawat na sila ni Brian.




“Tama na Andy. Lasing lang yan. Leave him alone…” awat nya sa bagong boyfriend, sabay tingin at bulong kay Liam, “I already told you. Don’t you ever fall in love with me…” sabay dugtong ni Andy, “You loser!”




Liam’s jaw dropped.




Pak! Sabay sampal kay Brian, “Tang-ina! Whattafuck? Mapipigilan ko ba ang sarili ko kung mahal na kita? Madidiktahan ko ba ang sarili ko na wag na kitang mahalin kahit alam ng puso ko na mahal kita. That I aim for the prize, that I just aimed for you sabi nga ng corny kong puso… Tang-ina Brian… You are so unfair! Unfair ka!” at pinaghahampas nya si Brian. Makikigulo na sana si Andy ng hinatak na ni Brian ito sa saksakyan.




Paalis na nga sila, and the whole clan was surprised ng nag tatakbo naman si Liam para habulin si Brian, nag-iiyak ito sa kalsada. Iba na ngayon ang situation, “Please Brian… I want you back…!” habang kinakatok nya ang bintana ng sasakyan. At humarurot naman ng takbo ang sasakyan nila. Naiwan naman si Liam sa gitna ng kalsada na nag iiyak. 




Nakita naman nina JM ang kanilang kaibigan kaya nag-patulong ito na alalayan ito sa ibang mga kasama. But it came out as a surprise to them ng nag pumiglas ito.




“Bitawan nyo ako...” sigaw ni Liam. “Don’t you all ever lie to me... Huwag nyong sabihin na wala kayong alam sa katarantaduhan na ginagawa ni Brian.” I’ve consulted you all, tinanong ko kayo. Pero anung nakuha kong response.




Walang makatingin kay Liam, sumagot naman si JM, “It is better that you knew this way... At least nalaman mo na ang tunay na kulay ni Brian...”




“Pero JM... Mahal ko sya... Putang-inag pagmahahal to...”




Nag-mamadali naman si Liam na sumakay ng isang jeep na hindi nya alam kung saan pupunta. Makalipas ng labing-limang minuto. Ay pumara ito, “Ui bayad mo...” sabi ng drayber. “Lasing ata... Kanina pa nagsasalita mag-isa yan, mahal nya daw si Brian” sabi ng isa pasaherong babae.




“Fuck you ka manong...” sagot ng lasing na lasing na si Liam. Mukhang narinig ng drayber ang sinabi kaya napamura na lang, “Leche kayong mga bakla, mga salot ng lipunan!”




Hindi na nya alam kung nasaan na sya, nag lakad lakad sya ng natyempuhan sya ng mga di kilalang mga lalaki. Hinablot ito sa isang madilim na eskenita, kinuha ang bagong bili na Blackberry pati na ang dala-dalang wallet, at doon ay pinag-bubugbog.




Tanging naiwan sa kanya ang kanyang ID na nilalagay niya sa ibang bulsa.





Nakasalampak ang kanyang katawan at mukha sa may putikan. Bahagya siyang nahimasmasan makalipas ang isang oras. Pinilit nyang bumangon at ng nag desisyon na mag lakad lakad. Masakit pa ang mga kalamnan sa pag kakabugbog kanina. Hanggang sa narating nya ang main road.




~*~




Nagulat at napasigaw si Mang Jun, nagulat din naman ako, there was a guy crossing down the street, pero we are sure na hindi namin sya nabunggo or what, dali dali naman lumabas si Mang Jun para tulungan ung taong katatawid lang, he was unconscious pero wala na rin naman akong nagawa we just rushed him at the hospital.




“Sir, he is doing alright now, wala naman syang major injury or matinding sugat, maliban sa mangilan na pasa, medyo nakainum nga lang… Kamag-anak po ba kayo ng pasyente?” tanong ng doctor.




In the end, the doctor introduced the patient to us, his name was Liam Valdez…



Next:
The Last Taxi Back Ride
PART THREE






Friday, November 2, 2012

The Writer's Apprentice (Chapter Two)


The Writer’s Apprentice

Story Written By R. Mercado - A. A. Aguilar

Chapter 2: The Start-up Challenge






Once Upon A Time... In a far far away... May isang taong nangangarap na mahanap ang Knight in shining armor niya. Perpekto na sana ang lahat dahil una, walang wicked witch na nagbibigay ng nakakalasong mansanas, wala rin sa kwento ang mga mahaderang madrasta o ingiterrang kapatid at higit sa lahat hindi naman siya nakatira sa dagat at kailangan niya pang ipagpalit ang kanyang boses para magkaroon ng mga paa. Tao siya Ok. Tao. Ang problema nga lang, hindi siya nakasuot ng ball gown considered na siguro na pwedeng mayroon siyang buntot. Hihihi. Pero hindi kasi siya prinsesa kundi prince charming rin hinahanap yung kapwa niya nakasuot ng pantalon.





“Teka ano ba itong iniisip ko?”





Napapailing-iling na lang ako ng mag-isa habang ngumingiti. Im still in euphoria. Sino ba naman kasi ang hindi? Kagabi lang ng magpalitan kami ng PM’s ni Mr. Aidan Aguirre. Kahit sobrang nakakastress ang work, Im kinda inspired dahil sa mga nasabi niya sa akin through facebook. So here I am again, at iche-check ko kung mayroon na siyang bagong mensahe.





Laking gulat ko ng nabasa, “Seryoso kaba rito Aidan?” sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pinaka latest na message niya sakin…




Aidan Aguirre:

Almost done with the story, just finishing the last parts, send ko na lang sa iyo maya-maya for approval and proof reading... :) basta don't forget to be resourceful sa Chapter 2




Huwaaat? Oo, ganun talaga ako mabigla. But seriously, hindi ko alam kung kailangan ko ng magdasal ngayong alam ko ng malapit na siyang matapos sa Chapter 1. Malapit na nga ba o tapos na? Hayys ano ba yan. Pero syempre Aidan is Aidan. Kaya ko nga siya idol eh. Nasabi na rin naman niya na nagkaroon agad siya ng ideya kagabi ng magka-chat kami. Hindi na dapat ako mabigla. Mas tama sigurong sabihin na kailangan kong kabahan ngayong papalapit na ang aking turn para ituloy ang aming kuwento.




Nagpalit na ako ng ng damit para mas maging kumportable ang pakiramdam ko. Nagtimpla na rin ako ng kape para mainitan ang aking sikmura.Self-confessed caffeine addict ako. Kaya siguro bagay na rin sa akin ang trabaho kong call center agent. Kape na rin siguro ang dahilan kaya madalas ay kailangan kong magbilang ng sangkatutak na tupa para maatasan si Sandman na budburan ng antok ang aking mga mata.





Ngunit ibang sitwasyon ito. Hindi lang ako iinom ng kape para sa pang-agahan. Iinom ako ng kape dahil gusto kong manatiling gising at mabasa ang Chapter 1 ng kwentong “The Writer’s Apprentice”. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa oras na iyon. Kaya naman binuksan ko kaagad ang aking email account at tiningnan kung may mga bagong mensahe na akong natanggap.





Hindi nga ako nagkamali. May mga mensahe nga sa aking email. Ngunit galing ang mga ito sa mga masugid kong tagapagsubaybay sa kwento kong “The Love Comeback”. Isa na rin ito sa aking routine tuwing umaga na basahin ang mga komento sa aking akda. Iyon kasi ang pinaka lifeline ng aking pagsusulat. Kung hindi sa kanilang mga komentaryo ay hindi ako magkakaroon ng pagpupursige na magsulat. Sinuri ko naman kung mayroong email si Aidan ngunit wala naman akong nabasang bagong email address na malamang ay galing sa kanya.





Biglang nahagip ng aking mga mata ang mensahe ng blogger sa akin.





[Kian Matteo] New comment on The Love Comeback (A Prologue)





Iyon ang notification ng blogger kung may bagong komento kang natanggap sa iyong blog. Supposedly, eh hindi pa dapat ako makakatanggap ng komento sa blog kong iyon dahil under construction pa siya. Katunayan. ay yung prologue pa lang talaga ang nakapost doon. Pangalawa, ay hindi ko pa naman ito naipo-promote sa facebook o sa kahit anong social networking sites. Wala rin akong pinagbigyan ng link ng blog ko dahil gusto ko lang muna mag-concentrate sa blog ni Sir Mike at gampanan ang aking papel na resident writer. Dahil na rin syempre sa kursiyudad ay tiningnan ko ang komento.




Galing kay Idol!




Nakaplaster ang ngiting binasa ko ang komento.




Aidan Aguirre has left a new comment on your post The Love Comeback (A Prologue):





Ang lalim... Kailangan ko ng second round ng reading, Kudos to the writer na super challenge ang utak ko... On my way to Chapter 2... :)





And for the second time around ay kinilig na naman ako sa ginawa niya. Seryoso pala talaga itong si idol ng sabihin niya na babasahin niya ang aking kuwento. Ngunit nahihiya talaga ako dahil baka hindi ito pumasa sa standards niya.





Binuksan ko ulit ang facebook tab at napagdesisyunan kong sagutin ang kanyang huling mensahe sa akin.





Kian Matteo:

Nakakatakot ka na Aidan.. hahaha :D One sitting mo lang natapos yung Chapter 1 *sweating
:-|

Kung ano ang nararamdaman ko ng oras na yun ay yun talaga ang ini-reply ko sa kanya. Kung pwede nga lang sana included talaga yung pawis ko sa mensahe eh. Hihihi. Habang naghihintay sa sunod niyang mensahe o sa email niya ay ginalugad ko muna ang aking facebook account.


Pare-parehas pa rin ang laman ng aking timeline. Mga album folder na naglalaman ng iisang tao na may iba-ibang pose, mga ads na ni-like ng mga friends ko sa facebook, mga posts tungkol sa walang hanggan finale atbp. Nang mapagod ay nagtungo muli ako message box ng fb.

Hinalungkat kong muli ang mga palitan namin ng mensahe ni Aidan. At nandun na naman ako sa puntong ngumingiting magisa. Konti na lang talaga mental na bagsak ko. Pero hindi lang talaga ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.


Nasa ganoon akong pagmo-moment ng biglang magpop ng bagong mensahe si Aidan. “Si Idol!!” sigaw ng isip ko. Mabilis pa sa alas kuwatro na tiningnan ko ang kanyang reply sa nauna kong mensahe.

Hindi kaya naistorbo ko siya? Maaga kasi akong nakauwi. Yun ang shift ko sa linggong yun. Hindi naman siguro. At mula roon ay binasa ko na ang kanyang bagong mensahe.




Aidan Aguirre:

 Hi Kian! Chapter 1 sent!


Parang nanigas ang kalamnan ko sa pagkakabasa ng mensaheng iyon. It should have been expected. Pero ewan ko ba at talagang kinakabahan ako. Kung susumahin ay talagang natapos niya lang ang Chapter 1 in one seating! Kung ikukumpara ko ang oras na kinakailangan ko para matapos ang isang kabanata ay walang-wala talaga ako. It takes me a Jurassic Era para maisatitik ang ideya ko para sa isang chapter. Kaya nga noong magusap kami ni idol patungkol sa panuntunan namin sa pagsusulat ng kuwento eh deadline agad ang pinuntirya ko. Im not really good in deadlines at baka ma-disappoint ko lamang siya kapag ganoon ang set-up namin.


Napabuntong hininga na lamang ako, knowing that its now my turn to continue the story. Bago ko basahin ang email niya ay nagiwan na rin ako ng mensahe sa kanya.




Kian Matteo:


Hi rin Aidan! Im on it na po. Will message you back kung may tanong ako.


Nagreply din naman agad si idol.





Aidan Aguirre:

Ok Ken.. I’ll just wait for your go signal if I can post it na :)




So ayun, nang mabasa ang reply niya ay pumunta ulit ako sa aking email account para basahin ang Chapter 1. Ilang saglit pa ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakangiti na naman at bahagyang natatawa sa Chapter 1. Paano naman kasi ay kuhang kuha niya ang reaksyon ko noong nabasa ko ang mga mensahe niya sa facebook. Ginamit niya rin ang mga PM’s namin sa isa’t isa para mabuild-up ang Chapter 1 ng “The Writer’s Apprentice”




Clearly, Keith (My counterpart in the story) was my doppelganger. It was like reading my own autobiography. I must commend Aidan for immortalizing my personality to Keith. Nang matapos ko ang aking binabasa ay napalitan na naman ng kaba ang sayang naramdaman ko kanina. Maraming tanong at agam-agam na naman ang nagsimulang lumabas sa aking isipan.





Paano kung hindi ko magawang pantayan ang nagawa niya? Paano kung hindi ko man lang madaplisan kahit kaunting istilo na mayroon siya dahil iba rin ang aking pamamaraan? Paano kung masyado lang akong na-excite sa isiping makakatrabaho ko sa isang katha ang isang Aidan Aguirre? Paano kung puro na lang paano ang maisulat ko?





Ang hirap naman! Sana pala inisip ko muna ang maaring maging kumplikasyon pag nagkataon. Baka naman on the process talagang magaway kami at masira pagkakakilala namin sa isa’t isa. Napatitig na lang ako sa kawalan habang nalulunod ang aking diwa sa mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan.





Sinubukan kong magbukas ng MS Word program ngunit bahagya akong nakaramdam ng kahungkagan ng makita ko ang malawak ng espasyo na naghihintay mapunuan ng karugtong ng kwento sa aking utak. Mistulang ang blangkong dokumento ay ang kasalukuyang estado ng aking pagiisip. Blangko.





Sinimulan kong mag type ng mga salita ngunit nagiging suki ata ng aking daliri ang ‘backspace key’ at lagi lamang nitong binubura ang mga nailalagay ko. Sa sandali namang makakabuo ako ng isang pangungusap ay ang backspace rin ang pumapatay rito. At ganung kwento rin ang nangyayari kapag nakakabuo ako ng isang talata.





Sa wakas, sa isang oras na paglalaro ng aking kamay sa keyboard ay nakabuo na rin ako ng dalawang salita:






Chapter 2


Iyon lang. Ang Chapter 2 na hindi ko maituloy-tuloy o kahit masimulan man lang. Siguro nga ang kabang naramdaman ko ay napalitan na ng takot. Takot na baka kapag naipasa ko na sa kanya ay rejection lang ang makuha ko. Ok lang naman sana ang ma-reject pero mas masakit lang kung manggagaling sa kanya. Sa dalawampu’t limang kabanata na aking nagawa sa aking sariling kuwento ay nakaranas na rin ako kahit papano ng mga pangungutya o minsan ay pambabastos sa aking naisulat. Dapat ay sanay na ako ngunit waring lahat ng maaring sabihin ni idol sa akin ay laging mayroong epekto sa aking pagkatao.




Pinili kong iwan ang MS Word document at ‘nag-save as’ na lang sa pangalang “The Writer’s Apprentice Chapter 2”. Kung tutuusin ay kahit hindi ko ginawa iyon ay alam ko rin naman ang laman ng file na iyon. Lupaypay pa ring naghanap ako ng inspirasyon sa internet.





Una akong pumunta sa youtube. Minsan kasi ay dito rin ako nakakakuha ng iba-ibang inspirasyon para magsulat. Minsan rin ay nakakatsamba akong makapanood ng mga videos na gawa-gawa lamang ng iba-ibang tao. Yun yung mga kantang ginagawang background sa isang video. Sa simpleng ganoon lang ay nagagawa nitong palawakin ang aking imahinasyon.





Nasa ikatlong video na ako pero wala pa ring nangyayari. Wala yung inspirasyon na kailangan ko para magawa ang ikalawang kabanata.  Animo’y para akong nagsawa bigla kakapanood ng videos o kakapakinig sa mga musika. Nakakapanibago lang dahil bihira ang mga pagkakataong susuko ako sa paghahanap ng quality videos para makatulong sa aking pagsusulat.





Bumalik ako sa facebook para muling magbasa ng mga nakalagay sa news feed. Same old story. Mga status na nakabalandra at walang ginawa kundi umasang maipaabot sa mga taong pinaparinggan. Pumunta uli ako sa message box at ipinaalam ko na kay Aidan na nabasa ko na ang Chapter 1.





Kian Matteo:

Hi Aidan! Ok na ako dun.. Thanks for enlightening me.



Aidan Aguirre:

I’ll publish it now :)



Kian Matteo:

howkei and I will also try to depict Chapter 2 on my mind o.O




Akala mo ang lakas lang ng loob ko eh para sabihin iyon. Kahit alam kong wala pa kong nasisimulan. Hanggang sa nagpadala ulit siya ng isa pang mensahe.



Aidan Aguirre:

Kaya mo yan Because I believe in you.. :)




Parang gusto ng tumalon ng puso ko ng mabasa iyon. Hindi ko alam pero ang mga sinabi niya, even though its via chat really meant and affected me a lot. Syempre in a good way.





Aksidente ko namang napindot ang pangalan niya sa chatbox. Na-direct naman kaagad ako sa timeline ni Aidan. Gamit uli ang mouse ay nangahas uli akong galugarin ang kanyang account most specifically ang kanyang profile picture album.





He had these photos na iba-iba ang hairstyle. Nakita ko ring ang iba sa kanyang primary photos ay ang design cover ng mga completed novels niya. He must be very proud sa kanyang mga gawa. Well, he should be. After all, siya ang naging dahilan para maibalik muli ang apetite ko sa pagsusulat.





Wala pa naman talaga akong napatunayan. I had this background in journalism pero hanggang background lang yun. Wala pa naman talagang nailathala na gawa ko kahit sa school paper man lang. Naging correspondent lang ako sa unibersidad namin noon ngunit hindi ko rin kinaya sa pressure ng deadline. I already gave up this writing thing. Hanggang sa isang araw na ginawa ng Diyos, natisod ako dito sa blog ni idol. It carried the name boykisses.





Sa kauna-unahang pagkakataon ay parang nakaramdam uli ako ng gutom na naramdaman ko na rin noon. Gutom upang isabuhay ang mga kwentong itinatago ko lamang sa sarili ngunit hindi ko nabibigyan ng pagkakataon na mailapat sa papel.





Bigla akong napaisip ng malalim...





Parang nakita ko na yata kung ano dapat ang gawin kong inspirayon sa pagbuo ng Chapter 2! Binuksan ko ang photo editor ng aking laptop. Kinuha ko naman ang kanyang pinakabagong profile picture at  inihanda ito sa pagedit. Wala rin naman akong talento sa pag-edit pero basta, may balak ako sa picture niya. Hehe.





Bago ko lagyan ng kung anu-ano ang larawang iyon ay tiningnan ko muna ang mga mata nito. I really cant believe that this thing is happening. Noon kuntento na ako sa tanawing nakikibasa lang sa comment thread sa blog niya. Sa mga replies niya sa mga nagkokomento sa kanyang kuwento.
But now, Im writing something with him. Nakakataba talaga ng puso. Namalayan kong nakatulala na pala ako sa picture niya. At ng mag-focus uli ako sa mga mata niya ay para namang nagungusap ito na tapusin ko na ang Chapter 2.





Nilagyan ko lang naman ng text ang ibabang bahagi ng larawan. And it read:  I D O L <3 b="b">
Pagkatapos ay sunod kong binuksan ang bluetooth ng laptop at ipinasa sa aking cellphone. Next thing I knew ay ang mismong larawan na iyon ang ginawa kong wallpaper ng phone ko. At talagang may heart ah? Hihihi





“Hindi naman niya makikita eh!” sigaw at kontra ng isip ko.





Nang tuluyang itabi ko ang cellphone sa aking laptop ay nagawa ko na muling buksan ang MS Word document. Sa puntong ito ay parang may sariling buhay na ang aking mga kamay na nagsimulang tipain ang mga letra sa keyboard.





Dapat pala ay hindi ako sa youtube nagpunta. Kung inspirasyon lang din pala ang hinahanap ko ay dapat bumalik ako sa taong unang nagbigay sa akin noon. Walang iba kundi si Idol Aidan ko.





Namalayan ko na lang na ang unang pahina ay nadagdagan ng isa pa at isa pa at isa pa! Hanggang sa napansin kong medyo nakalalayo na pala ako. At naging tuloy-tuloy ang pagtype ko ng mga salitang naging pangungusap na naging talata na unti-unting bumubuo sa takbo ng ikalawang kabanata.





Sakto namang natapos ako at siyam na pahina ang naubos ko para matapos ang kasunod ng kuwento. And it felt great. Kapag ganitong may natatapos akong bahagi ng isang kuwento ay para akong may inilalabas na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko rin yung sense of fulfilment na parang may ginagawa akong tama.





Nahagip muli ng aking mga mata ang larawang ipinasa ko sa aking cellphone. Naalala ko naman ang naisip ko kani-kanina tungkol sa Prince Charming at ang Knight in shining armor. Ang daydream na iyon ay laging nagre-replay sa utak ko. Siguro gamot ko na lang din sa stress. Minsan gusto kong sisihin ang mga karakter sa kwento ni Aidan sa pagdi-daydream na iyon. Sa mga tauhan sa kwento niya ay nabibigyang buhay nito ang mga pantasya ko at sa imaginary na tao na hinihiling kong makasama. The usual Prince Charming type.





I then wondered kung ganun rin ba siya. Sabi nga nila, writers tend to put their personal qualities unto their created characters. Kapag tinanggal ko kaya ang label na “writer” kay Aidan sino na kaya ito? Siya pa rin kaya ang Idol ko? O siya na ba yung mga tauhan sa bawat kuwento nito.




Well, I can never tell. Ngunit malakas ang pakiramdam ko na ibang-iba si Aidan kay Lance ng Intertwined Lovers o kay Dane ng The Homophobic.





Binuksan ko na uli ang aking email at nailagay ko na ang Chapter 2 bilang isang attachment. Pagkatapos ay agad ko naman itong naisend sa kanyang email address. Nag-message naman uli ako sa kanya sa facebook para ipaalam dito na tapos na rin niya ang Chapter 2.





Kian Matteo:

Aidan! Hehehe.. Tapos ko na yung Chapter 2 bale sent na po sa email address mo :D




Aidan Aguirre:

Thanks Kian! I’ll check it later...




Saglit akong natulala uli sa harapan ng laptop. Nang walang anu-ano ay nagtype ako ng isang mensahe. Huli na nga lang para bawiin ko ang sumunod kong mensahe sa kanya. Huli na rin ng malaman ko na baka iba ang isipin niya sa sinabi ko. “Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan Kian!”



Kian Aguirre:

Aidan? Pwede ba tayo magkita? Kung pwede naman, saang lugar ka mas convenient?




Siguro ang mga tanong na iyon ay mga tanong na nagmamaka-awang kumawala sa aking isipan. Pero paano kung iba ang isipin niya tungkol dito? Baka sabihin niya nagyayaya ako ng date or something? Dapat siguro pinaliwanag niya na kung magkikita man sila ay tinitiyak niyang tungkol sa kuwento ito at walang kinalaman ang kanyang personal na interes.





“Wala nga ba?” tanong ko ulit sa aking sarili.





Nakita kong nagreply ito. Parang gumana lahat ng reflex ko sa katawan at agad kong nai-minimize ang chatbox ni Aidan. Natatatakot kasi ako sa sagot niya.





Bumilang ako at inipon ang lakas ng loob na nasa aking katawan.





“1...2...3..” at binuksan ko ang chatbox ni Aidan.



NEXT CHAPTER: 
Chapter 3