Sunday, October 2, 2011

The Homophobic Series: Book 2-B-[II] Preview (The Return of the Homophobic)


The Homophobic Series Book 2-B [II]: 
(CHAPTER 1:The Preview) 

"The Return of the Homophobic"
Written by: Adrianne A. Aguilar










Canon in D major by Pachelbel, it was the song that was playing on my mind on that very moment that I was inside the plane. Yun ang musical background na napili ko sa pag lakad namin ni Dane going to the aisle. Sa totoo lang takot ako sa mga ganuong klaseng byahe. Pero I needed to be strong, kasal na rin namin ni Dane eh… By hook or by crook kailangan makarating ako sa Palawan, ng safe and sound…





I mean I really got nervous upon having this plane ride. Pero mukha namang secured ako, madami rin naman kasi na bumabyahe, summer kasi, may mga Japanese and American couple na nag-babakasyon, may isang buong pamilya, may mag lola, mga estudyande at marami pa. Buti na lang ang ilang minutong flight na iyun ay hindi naman humaba tulad ng feeling ko na hahaba.




And then from nowhere, I took this pretty shiny thing on my jacket, it was my wedding band, pinalinis ko kasi for the occasion.




Yun lang ang tinignan ko ng tinignan buong flight, as well as yung mga text namin ng Dane ko, updated siya from time to time, sa mga pangyayari sa wedding venue sa amin.




Babe, nandito na ung mga
Souvenirs natin, ang gaganda,
Tyak magugustuhan nila lahat ng ito.
Miss you… every second!

>>“My baby Domeng”<<
+63905-------
05/28/2009
8:55:17 am





Babe, the food here is superb,
Even the menu for the event is way better,
Sana nandito ka na para matikman mo na.
Bilis! Hehe! I love you my Raine!

>>“My baby Domeng”<<
+63905-------
05/28/2009
9:11:34 am





Nakakatuwa kumpleto na ang
Mga facilities dito ni Mr. Russell, and imagine
Kahit jetskis meron na rin ditto sa island.
Ayun nag-pupumilit si little Dominic, gusto
Raw nya na sumakay dun. Maya try naming.

>>“My baby Domeng”<<
+63905-------
05/28/2009
9:55:13 am




Babe, nakapila na kami ha, maya nakasakay
Na kami ni Dominic sa jetski,
Tinatakot ko nga kasi hindi naman marunong lumangoy.
Hehehe, sagot ba naman sakin, may lifejacket naman eh!
Napakatalinong bata di ba?

>>“My baby Domeng”<<
+63905-------
05/28/2009
10:11:56 am




Babe, turn na namin ni Dominic ha,
Sakay na kami, take care there! Alam ko
Na kaya mo na yang plane flight!
Can’t wait for you my Raine!
I love you, United as one!

>>“My baby Domeng”<<
+63905-------
05/28/2000
10:22:15 am




That was the last text message na natanggap ko sa kanya that day, I then turned off my phone kasi it was time for the plane to land, upon arriving at the main airport  I replied at him.




Babe nandito nako sa Palawan, malapit
Today would be the day,
I Can’t wait na mayakap at mahagkan ka ulit!
Eto na yun! I love you my Dane!

>>mobile# ko to’<<
+63927-------
05/28/2009
11:12:19 am




Then from nowhere bigla na lang nag-ring ang phone ko I was surprised ayun tumatawag na pala siya.




Dali-dali ko naman sinagot, nagulat ako ng instead na si Dane ang narining ko si Mandy ang narinig ko na humahagulgol from the background, si Allen pala yung nasa other line.




“Raine, It’s Dane!” his voice was very shaky.




Narinig ko pa lang ang pangalan ni Dane kinabahan nako, sa sobrang kaba, nabitawan ko ang sing-sing na hawak hawak ko sa aking mga kamay.




~*~




After sometime, weeks came by, I just saw myself in a hospital, katabi si Dane, while hawak ang mga kamay niya, his hair now shaved, bug-bog ang katawan.




Para bang nakakunekta ang puso ko sa kanya, naramdaman ko na gumalaw ang kanyang mga kamay.




Ako’y nag iiyak dahil sa wakas nagising na rin siya.




“Dane, I am sorry, I am really really sorry… Dapat sana nandun ako sa tabi mo” pinag-hahalikan ko siya. Sa kamay, sa pisngi. Tinitigan ko pa ang kanyang mga mata, na as if nakatitig ito sa kawalan…




Out of some unnatural force napaupo ito sa kanyang kinahihigaan, “Sino ka?” tingin nya sa akin na animo ay may pag-aalinlangan, “At anung ginagawa mo?” dito nako kinabahan dahil ramdam ko ang pandidiri na lumabas sa kanyang mga mata.




Sino ka nga ba Raine para kay Dane? Biglang sumagi sa isip ko ang listahan ng kung ano nga ba ako sa kanya, sa nakaraang dalawang taon ng aming pagsasama, dun ko masasabi kung naging ano nga ba ako sa kanya. Naging kaibigan, karamay, kaaway, katampuhan, kalambingan, kapatid, kapamilya, at ang isang halos mangyayari na sana ay isang asawa.




“Dane, tell me that you are just joking, this is Raine… I am your…” hindi pako tapos sa aking sasabihin ng.
“Raine? Sinong Raine? At bakit mo ako pinag-hahalikan? Hindi mo ba alam na galit ako sa mga bakla?” upon hearing that, it was like sinaksak nya ako ng ilang milyong beses, natulala lang ako sa kanyang sinabi, ng bigla.




“Ahhhhhh…” Dane was in a very excruciating pain.




I then phoned someone from the nurses’ station, nandun kasi si Mandy at ang kanyang tatay na si Robert.




Then from nowhere napuno na ng tao ang silid ni Dane, itinayo naman ako ni Mandy at inalalayan sa may sulok, doon nya ako pinakalma, wala naman akong tigil sa kakaiyak…




~*~




Present Time: About 8 to 9 months after the incident happened.




“And until now you do still cry for him…” and he handed me his handkerchief, and then Alvin held my hand. I was gracious enough to take the hanky from him, pero I was quite hesitant ng kinuha nya ang aking mga kamay.




It was the same feeling na naramdaman ko ng nasalo ako ni Alvin noong nadulas ako dahil sa rollerskates sa party ni Mr. Russell, kumabog ang puso ko pero there was a feeling of hesitance.




Of course mahal ko pa rin si Dane, Alvin might be the exact carbon copy of him, less the blue eyes, pero syempre he is not my Dane at kahit kalian hindi sya magiging si Dane.




Inatras ko ang kamay ko papalayo sa kanya.




“I am sorry Raine… In time alam ko everything would eventually heal on its own course…” Alvin defiantly said.




Pero sabi ko sa sarili ko, kalian pa? If up until now, nasasaktan ako sa kinahinatnan namin ni Dane.




~*~
NEXT:
The Homophobic Series Book 2-B [II]: 
(CHAPTER 2) 
"The Return of the Homophobic" 




4 comments:

  1. ang hirap mag decide T_T

    ReplyDelete
  2. pahirapan?haha pwedeng tumambling nalang?ho ho T_T

    pero masgusto ko to! better yung twist ;)at meron na din si alvin-kala ko extra character kasi sya dati!haha

    ReplyDelete
  3. ang hirap mag decide T_T

    kunsabagay mukha ngang mas maganda toh :D

    ReplyDelete
  4. mahirap talagang magdecide pero masgusto ko to :)

    ReplyDelete